Chapter 41

124K 7.2K 1K
                                    

Chapter 41

Kakampi

Isang magandang klase ng ibon ang siyang pinagdala ng reyna ng kanyang liham. Kapwa sila nakatanaw ng kanyang alagang kuneho sa bintana ng palasyo habang papalayo ang pigura ng ibon sa alapaap.

"Sa larong liwanag ang tunggalian, ano ang isang pinakamalakas na bagay na siyang dapat ay nasa panig mo?" tanong ng reyna sa kanyang kanang kamay.

Ilang minutong natahimik ang kuneho, pilit itong nag-isip ng kasagutan para sa kanyang reyna ngunit ang tangi niya lang nagawa'y hawakan ang kanyang dalawang sentido.

Tipid na tumawa ang reyna bago hinawi ang kanyang mahabang buhok. Tumalikod na siya sa bintana at pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likuran.

Tulad ng isang tunay na reyna, elegante siyang naglakad kasabay ng mga makakahulugan niyang mga salita na tila parang nalalaman niyang hindi lang si Lumps ang nakakarinig sa kanya.

"Ang liwanag ay parte ng kalikasan. Mainam na kakampi sa ganitong klase ng laro. At sa mundong ginagalawan natin ngayon, may isang prinsipeng isinilang..." sadyang binitin ni Reyna Talisha ang kanyang dapat sasabihin.

"Hindi para sambahin ang kalikasan... ngunit para pagsilbihan siya. Isang magaling na kakampi, hindi ba, Lumps?"

Nang sandaling bahagyang lumingon pabalik ang reyna sa kanyang kuneho habang nanatiling nakasalikop ang mga kamay sa kanyang likuran, tila ang kanyang mga mata'y tumama sa akin.

Ramdam ko ang pagsikip ng didbib ko, nakikita niya ba ako?

"K-kung nakatakda siyang humawak ng ganitong klase ng kapangyarihan, hindi ba dapat ay hindi lang iyon ang taglay niya? Maaaring may angking talino rin siya at sa huli'y madali niyang malalaman—" hindi maituloy ni Lumps ang kanyang sasabihin.

Huminga muna siya ng malalim bago muling nagsalita sa reyna.

"Hindi natin siya maaaring sabihing inosente kung kalaunan ay malalaman niyang parte pala siya ng isang uri ng sagupaan ng palaisipan. Ang pag-uutos n'yo sa prinsipe ng mga nyebe ay hindi maaaring siya ring gawin sa ikalawang prinsipe ng Deltora."

"Lumps, sinasabi mo ba na higit na matalino ang prinsipe mula sa Deltora kumpara sa anak ko?"

"H-hindi po, Mahal na Reyna!" nangangatal na sagot ng kuneho.

"Prince Rosh is still young, unexperienced and carefree, katulad ng mga anak ko. If the time comes that he'd already realized his role in this game, I'll be ready to face him."

Yumuko ang kuneho sa sinabi ng reyna.

"For now, allow the Queen to move her pieces..."

Natulala ako sa huling salitang binitawan ng reyna. At hanggang ngayon ay hindi ko na alam kung saan at paano ko susundan ang larong pinaiikot ng reyna.

**

Mabilis akong dinala sa nakaraan kung saan patungo na sa Deltora ang magkapatid na Gazellian, inihatid sila ng ni Haring Thaddeus sa hangganan ng Sartorias.

"Mag-iingat kayo mga anak." Dahil nasa gitna ang kabayo ng hari, nagawa niyang abutin ang ibabaw ng ulo ng kanyang dalawang anak at bahagyang ginulo ang buhok ng mga iyon.

"Dastan, take care of your little brother." Tumango si Dastan sa hari.

"A-ama naman... wala akong gagawing gulo. And what? Little brother? Dastan and I are almost the same height." Nakangusong sabi ni Zen.

"It's not about the height, let's go. We'll be back, Father." Ngumiti si Haring Thaddeus bago pinatakbo ni Dastan at Zen ang kanilang mga kabayo patungo sa Parsua Deltora.

Moonlight Blade (Gazellian Series #4)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora