Chapter 24

160K 9.8K 3K
                                    

Chapter 24

Karibal

Kung ikukumpara ang aklatan sa Deeseyadah, masasabi kong higit itong malaki kumpara sa aklatan ng Sartorias. Siguro ay dahil para lamang ang silid na ito sa hari at wala na siyang ibang kahati, siya na rin ang nagsabi na rito niya madalas binabasa ang mga kasulatan, batas at mga balitang inuulat mula sa iba't-ibang mga emperyo.

Nagsimula akong humakbang ng mabagal habang marahang pinaglalandas ang aking mga daliri sa mga aklat, habang si Dastan naman ay nakatindig lamang at may hawak na aklat na mabagal nitong binubuklat.

Nabalot ng katahimikan ang buong silid at tanging ang kanyang libro lamang ang gumagawa ng ingay. Kumpara sa kanyang mga kapatid, pansin ko ang malaking kaibahan ng kanyang bawat kilos.

Ang hari'y pino, maawtoridad at elegante sa kanyang bawat galaw at pananalita. Pormal at bihira lamang magpakita ng emosyon.

"May katanungan ka ba, Leticia?" tanong ng hari na patuloy pa rin sa pagbuklat ng aklat.

"Tila may kailangan akong pag-aralan? I-Ikaw na rin ang nagsabi sa akin na may kailangan kang gawin sa aking—" biglang isinara ng hari ang kanyang aklat at sinalubong niya ang aking mga mata.

"Nagbago ang isip ko." Ibinalik na niya ang aklat sa lalagyanan nito. "I want you to stay that way...my innocent Queen."

Mahina lang ang pagkakasabi niya sa huling salita niya, pero malinaw ko itong narinig. Hindi ako nakapagsalita at pinagmasdan ko ang hari sa pamimili ng aklat na kanyang kailangan. Tatlong aklat ang napili niya bago siya nagtungo sa kanyang lamesa.

Sumunod ako sa kanya at naupo ako sa harapang upuan ng kanyang lamesa. Nanatili pa rin kaming tahimik, hindi ko na magawang tumingin sa gawi niya dahil malapit na kami sa isa't-isa kaya tanging ang sulok na lang ng aking mga mata ang aking gamit para sulyap-sulyapan siya.

Ang ilang hibla ng kanyang mahabang buhok ay nasa kanyang kaliwang balikat, ang likuran ng kanyang kanang kamay naman ay gamit niya sa kanyang paghalumbaba habang ang kanyang kaliwang kamay ay ginagamit niya sa pagbuklat ng pahina.

'Di ko mapigilan ang pag-iinit ng aking pisngi. Hindi ko man siya tuluyang pagmasdan ng harapan, ang kanyang kakisigan sa simpleng paraan ay talagang nakatutunaw ng puso.

Magkadaop ang aking mga kamay sa aking mga hita habang dama ang kanyang buong presensiya, mas naramdaman ko ang panliliit ng aklatan sa kanyang kakisigan na sa simple niya lamang pag-upo at paglipat ng pahina ng isang aklat ay isa nang uri ng magandang pagtatanghal.

Isang uri ng pagtatanghal na humahabi sa bawat tibok ng aking puso.

Agad akong yumuko nang saglit na mag-angat ng tingin ang hari sa aking direksyon, narinig ko itong bumuntong-hininga, mas kinabahan ako, kaya agad kong sinalubong ang kanyang mga mata.

"D-Dastan, hindi ba ako nakaaabala?"

Sa pagkakataong ito'y pansin ko ang saglit na pagtaas ng sulok ng kanyang mga labi habang nanatili siyang nakapangalumbaba gamit ang kanang kamay, naglaro ang ilang daliri niya sa nakabukas na aklat habang nawiwili akong pinagmamasdan.

"Ang presensiya ng reyna'y kailanman ay hindi abala sa kanyang hari."

Ramdam ko ang mas lalong pag-iinit ng aking pisngi. "N-Ngunit wala akong ginagawa rito..."

"Maaari tayong sabay magbasa." Pansin ko ang biglang paggalaw ng upuan ng hari, nawala ang paghalumbaba niya at sumandal siya sa kanyang upuan.

"Come..." inilahad ni Dastan ang kanyang kamay sa akin.

Moonlight Blade (Gazellian Series #4)Where stories live. Discover now