Chapter 21

148K 8.8K 2.3K
                                    

Chapter 21

Paglimot

Naiwan kami ng Reyna sa loob ng bulwagan at inanyayahan ni Dastan ang mga maharlikang sumalubong sa amin na sa isang silid mag-usap.

Masyado kaya itong pribado na hindi maaaring marinig ng isang dating dyosa na katulad ko?

Nawala ang paninitig ko sa nakabukas ng pintuan nang maramdaman ko ang paghawak ni Reyna Talisha sa aking kamay.

"Nagagalak akong dumating ka na, kay tagal ka niyang hinintay, Leticia. My son, Dastan, he looked so happy right now."

Ngumiti ako sa kanya. "Masaya rin ako."

Sa pagkakataong ito ay dalawang kamay na niya ang inihawak niya sa akin. "Simula ngayon ay maaari mo na akong tawaging ina."

"Ina?" naguguluhang tanong ko.

"Sa tradisyon ng mga bampira, sa sandaling ikasal ka sa iyong kapareha, magkakaroon ka ng karapatang tawaging sarili mong mga magulang ang kanyang mga magulang."

"Masusunod, Mahal na Reyna." Sagot ko.

"Leticia, hindi ito uri ng utos. Ito'y kahilingan ko lamang." Hindi pa man ako nakakaisip ng isasagot sa kanya ay naramdaman kong mas dumiin ang pagkakahawak niya sa akin.

"Sana'y agad magbunga ang inyong ilang linggong pagsasalo ng pagmamahalan."

"Ilang linggong pagsasalo?" tanong ko.

"Ang pagpupunla..."

Ngayon ay mas nakumpirma ko na ang hinala ko. Kaya kami nakatatanggap ng mga regalo ni Dastan dahil akala ng buong emperyo ay kami'y---

Marahas akong umiling sa reyna. "Mahal na reyna..." nag-iinit na ang aking pisngi.

"Ngunit walang pagpupunla ang nangyari... ako'y isa pa ring birhen. Ipinadama niya pa lang sa akin ang kanyang pangil sapagkat ako'y nakatulog sa una niyang kagat."

Ang higit na nakagugulat ay ang tradisyong tila alam ng lahat kung kailan kami nag-isa ng hari, para lamang bigyan ng mga regalo.

Hindi ba dapat ito ay pribado?

Tila hindi makapaniwala ang reyna sa aking ibinalita dahil ilang minuto siyang nakatitig lang sa akin.

Nang magpakita na ang isang tagasunod ay sinabi nito na maaari na kaming magtungo sa hapagkainan.

Pagdating namin dito ng reyna, isa lang ang una kong napansin. Ang pamamayani ng katahimikan sa mahabang lamesa na siyang napupuno ng mga maharlika, kapwa nakayuko ang mga noo ng mga ito na parang ang laki ng kanilang mga kasalanan.

Tanging si Reyna Talisha o ina na siyang nais niyang itawag ko sa kanya ang nanatiling nakatunghay sa mga oras na ito. Ang pagtawag sa kanya bilang reyna ay hanggang hindi pa niya opisyal na naisasalin sa akin ang korona.

Ngunit kong ako'y tatanungin, nais ko pa ring kilalanin ako bilang isang dyosa. Hindi man sa mga mata ng kapwa ko dyosa, kundi sa mga nilalang na maaari kong makasalamuha.

Si Seth na kanina ay masigla at mukhang masaya ay biglang tumamlay. Nang sulyapan ko si Dastan ay bahagyang nakakunot ang kanyang noo habang pinaglalaruan sa ibabaw ng lamesa ang kanyang mga daliri.

"Maaari ko bang malaman ang kanilang kasalanan, Mahal na Hari?"

"Wala akong masamang intensyon, Mahal na Reyna. Paumanhin." Yumuko muli si Seth. "Ang nais lamang ng aming emperyo ay mas mapaigting ang relasyon ng ating mga emperyo. Ngunit ako'y napag-abutan lamang." Sagot nito na tila nangangatwiran.

Moonlight Blade (Gazellian Series #4)Where stories live. Discover now