Chapter One

19.1K 369 35
                                    

The Arizole Island

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ang haba ng panaginip ko. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang sarili ko, katulad na lamang ngayon. Ramdam ko ang pag-init ng mga mata ko, pati narin ang bilis ng pagtakbo nitong puso ko na para bang napagod ako ng sobra. Masakit din ito, pakiramdak ko tuloy may tumusok dito na kung anong matulis na bagay. Basa din ang pisnge ko ng mga luhang patuloy na tumutulo. 

Pero kahit ganoon, isang kalmadong na umaga ang agad na bumungad sa akin nang binuksan ko ang mga mata ko. Ramdam ko ang dumadaang hangin na humaplos nitong mukha habang narinig ko ang mga mala-awiting tunog ng mga ibon sa labas lamang ng medyo nakabukas na bintana. Palagi kong naririnig ang mga ganitong bagay araw-araw mula sa paggising ko hanggang sa matulog ulit ako sa gabi, at hindi ako kailanman masasawa.

Bumangon na ako at niligpit ang kama bago ko ipatong ang walang sapin kong mga paa. Agad kong naramdaman ang malamig na lupa na gawa sa kahoy na makikita mo sa pinaka dulo ng kagubatan. Gawa sa kahoy ang lahat ng bagay dito, at gawa sa mga halaman at sa balat ng mga puno ang mga telang makikita sa bahay namin. Simple lamang ito pero mapayapa naman at hindi mainit.

Lumapit ako at binuksan ang bintana, napapikit ako sa liwanag ng araw na kaka bangon rin lang. Nakakasilaw ito sa paningin pero ang ganda din naman tignan lalo na kung sa tabi ng dagat ko ito aabangan araw-araw pati ang paglubog nito.

Mabilis akong naligo at nagbihis nang maalala ko kung anong araw pala ito ngayon. Nang bumaba ako, sinalubong ako nang maingay kong ate na bigla nalang akong kinurot sa cheeks.

"Away aye! Ang safit!" Tsaka na lamang niyang binitawan ng pulang-pula na ito dahil sa pagkurot niya. Ang sakit naman nun. Problema ng babaeng to?

"Huwag mo nga akong tignan ng ganyan, ang cute mo lang kasi eh." Tapos ginuko niya pa ang kakasuklay ko lang na buhok.

That's my sister, Ka'ela (Kai+yela=Kaiyela) Feyree. Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon kaya palagi na lamang niya akong ginugulo. Ang arte arte niya pa at napaka bait pagdating sa akin, pero sa iba ang sungit sungit niya. At kung itatanong ko kung bakit, ang sagot niya lang ay "ang cute mo lang kasi" at nakakainis nang pakinggan yun araw-araw. Actually hindi ako cute. Ewan ko ba kung anong nakita nila sa akin na hindi ko makita.

I mean, tignan nga nila ng maayos ang appearance ko. Naka suot ng jeans na kulay blue at naka kulay black na long sleeve. Ang baduy baduy ko tignan kung ikukumpara mo sa maganda kong ate na palaging sexy sa mga damit niya. Ang haba haba pa ng buhok ko na abot sa tuhod ko, ang bangs ko pa, ang haba haba din na tinatakpan na ang mga mukha ko. Ang problme sa buhok ko, sa tuwing nilalagay ko ito sa tabi, palagi itong bumabalik sa gitna oara takpan takaga ang mala-tubig na kulay kong mata.

Ilang ulit ko nadin sinubukang putulin ang buhok ko dahil palagi akong binubully ng mga maliliit na bata na isa daw akong black lady kung naka kulay itim ako, pero tinatawag naman akong white lady kapag naka kulay puti ako. Palaging nagagalit si ate kapag nakita lang akong humawak ng gunting at subukang putulin ang buhok ko, sagabal kasi eh. Pati nga din si kuya nagagalit din kahit na hindi naman yan nagagalit sa akin. Si ate naman, talagang binibilhan pa ako ng itim at puting damit nang malaman niya na binubully ako. Ang cute ko daw kasi kapag nagagalit sa kaniya.

Si kuya may pagka bipolar din. Una ang ganda ganda ng mood niya, pero kapag nakita akong humawak ng gunting nagagalit agad kahit hindi ko naman olanong putulin ang buhok ko. Tsaka palagi din akong pinagaagawan ni kuya at ate nung bata pa ako, binilang nga nila hanggang ngayon kung ilang ulit kung pinili ang isa sa kanila. Hanggang ngayon buhay parin ang larong yan kahit na ayaw io kasi hindi na ako bata.

Isa lang ang masasabi ko sa pamilyang to, hindi na sila normal. Ako lang dito ang normal. Dahil lahat sila, ay abnormal. Yun lang ang nasabi ko kapag may nagtaning sa akin kung kamusta daw kaming tatlo. At alam niyo ba kung ano ang reaksyon ng mga nagtatanong sa akin? Abnormal rin daw ako? Sabay tawa pa yan ha. Hay naku!

Magnus Academy: The Cursed BloodWhere stories live. Discover now