Chapter Thirty-Eight

3.4K 131 0
                                    

Reunited

Andrea

Kung may isang bagay man na hindi ko gustong gawin sa buong buhay ko iyon ay ang hindi pagharap sa kalaban. Isang gawain na kinamumuhian ko, ang pagtakbo palayo sa kalaban.

Argh! Kainis! Currently a giant eagle is chasing after me. Sa sobrang laki nito at sa lakas ay wala akong magagawa kundi ay tumakbo palayo kung gusto ko pang mabuhay. Hindi ko magagamit ang ability ko dahil sa limitation mg ikatatlong parte ng forest. The End Zone.

Minamalas nga naman oh. Bakit pa kasi dito ako napunta sa third part? At sa dinami-daming category ay ang Death Forest pa talaga.

Sa pagkakatanda ko ay dalawang oras nalang ang natitira, at mula ngayon ay hindi ko pa alam kung nasaan ang dalawa. But instead pf worrying about them, kailangan ko munang tapusin ang negosyo ko sa humahabol sa akin.

It flew right above me at base sa direksyon na liliparan nito ay uunahan niya ako para harangan ang kwebang pupuntahan ko para magtago. Kaya lumiko ako sa mga punongkahoy para maiwasan ang pagharap sa ibon na yun.

I mustered all my courage and pride to hide behind a tree. Madilim ang parte ng gubat na ito, at makikita niya lang ako kapag gumagalaw ako. Hindi ako makapaniwalang nagtatago ako ngayon, actually scared of facing off a giant bird. Pathetic. I'm so pathetic.

I could just break that bird into pieces sa isang hawakan, pero hindi pwede. My ability is supposed to be creating earthquakes, at naka broadcast ng live ang competition na ito. There's no way I'd blow my cover now.

I let out a deep breath at binuksan muli ang mga mata ko. I decided. Hindi ako makakaalis dito hanggang sa nandito ang ibon na yan. I just have to prevent it from flying or walking, hindi ko kailangang patayin ito, because I can't anyway. Considering how big he is hindi ko ito mapapatay.

Kinuha ko ang dagger ko sa tuhod banda, isa isa sa bawat kamay ko. Isa lamang akong normal na ability user na nagmula sa bayan. That's all to it. I can't let them see me summon my weapons. 

Tumakbo ako ng mabilis patungo sa likuran ng ibon who's currently looking for me. Sabay nang paglingon nito ay ang pag slash ko ng hawak kong dagger sa mukha nito. Mabilis niya itong nailagan pero bago ko pa man napansin ay ginalaw niya ang paa nito tsaka ako dinakip.

Its sharp claws are surrounding my body and its preparing for take-off. Hindi ko magawang makawala at siguradong dadalhin niya ako sa itaas pagtapos ay ibabagsak.

Sinubukan kong gamitin ang dagger ko para masugatan ang ibon na sa maya-maya ay nasa itaas na ng mga kahoy. Wala akong magagawa kundi gamitin ang ability ko kaya hinawakan ko ang claws nito and after few seconds, it started breaking. The huge eagle shrieked at nabitawan ako. Surely no one would notice what I did there.

Kumapit ako sa sanga bago pa man ako bumagsak sa lupa, but unfortunately, nabali ito kaya napasigaw ako sa sakit nang bumagsak ang likod ko sa lupa. And that hurt a lot than I could imagine. My breathing fell short. Nakalimutan ko, I'm not supposed to use my ability in this part of the forest.

Bago pa man ako makatayo, the eagle landed on top of me at sumigaw ng malakas against my face. Ang baho ng hininga nito. I slid to the side pero hinarangan niya ito ng malaking pakapak niya and same to the other side. One more time using my ability would seriously lead to death.

Magnus Academy: The Cursed BloodWhere stories live. Discover now