Chapter Thirty-Six

3.5K 121 0
                                    

Serpent Attack

"J-Jarvis?"

I called out, my voice was breaking. Tumalikod siya at humarap sa akin. Nagulat kaming dalawa nang hinarap namin ang isa't isa. Jarvis and this guy have a resemblance, pero iba ang kulay ng mata. I sighed in relief. I actually feel relieved. Because I don't think I'll like it that much kung siya nga si Jarvis, at imposible naman talaga na siya si Jarvis eh.

Mabilis siyang napatayo blocking the moonlight's glow, creating a silhouette on the ground. Hindi ko siya kilala. He was a complete stranger actually, but the way he sang, it was comfortable.

"Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako?" He asked. I just shook my head.

"Ah eh ang kanta, it was you, right?" He nodded.

"I was affected by the mist and before I knew it, I was singing the lullaby I promised myself I wouldn't ever sing."

"Well I'm glad I'm able to hear it whatever the reason."

"Nagustuhan mo?" I nodded. "My mother used to sing that song to me every single day, and I missed it." Ibig bang sabihin hindi na siya kinakantahan ng nanay niya ng ganoon?

"Anong nangyari?" I continued to step forward havang bumaik naman siya sa kinauupuan niya. He was feeling sad, real sad. A feeling as if he's been robbed something very important to him. I know that feeling well.

"She died a few years ago." I knew it.

"Sorry for asking." Ngumiti lang siya.

For some reason, sabay naming pinalabas ang weapons namin, pointing it to each other. No, his was not an official weapon. Isa lamang itong knife na hinugot lang sa belt sa may hita niya. So perehas kami ng iniisip, we can't trust each other dahil lang sa kaonting usapan na iyon. It wouldn't make a difference that he's still an opponent.

"Assassin?" He smiled and shook his head.

"I'm a wizard." Wizard? Isa siyang wizard? I completely thought isa siyang assassin.

Pinataas niya ang kaliwa niyang kamay sa direksyon ko at may binulong na kung ano. Wala akong mga naintindihan sa mga sinasabi niya and before I knew it, napaluhod ako. Hindi ko magalaw ang mga paa ko. I don't feel my lega and damn that's scary.

"Witches and wizards spcializes in curses and hexes. Although chanting may make us at a disadvantage, kapag matapos naman ito ay kami na ang siguradong panalo." He jumped from the rock at lumalakad papunta sa direksyon ko with his left hand still lifted.

"Thanks for the info." Wika ko.

I quickly grabbed my katana and swung it in front of him. Mabilis siya kaya nailagan niya ito jumping back. I gritted my teeth in annoyance. Yeah, I'm at a huge disadvantage. He started saying another chant at hindi ko alam kung ano ito o kung para saan ito. The next thing I know ay hindi na ako makakita. Pero magagalaw ko na ang mga paa ko.

So isang spell lang ang makakaya niyang gawin, hindi niya siguro makayanan ang dalawa dahil sa lakas ng kinakailangan nitong energy. He's still probably a student kaya hindi pa na build up ang capacity niya. But still, blinding me?

Wala akong makita. I can't open my eyes. It's as if something is stopping them from opening. Pero maling spell ang ginawa niya sa akin. Even if I can't see mararamdaman ko parin siya. He was walking towards my direction again. Hindi ko alam kung saan ang katana ko and moving around isn't a good choice.

I could feel him. Sa unahan ko siya mismo. He's preparing for something— bigla kong inilagan ang paparating na knife niya mula sa itaas. I jumped three times back haggang sa puno na mismo ang sa likuran ko. I'm trapped.

Magnus Academy: The Cursed BloodWhere stories live. Discover now