CHAPTER 3

406 44 13
                                    

CHAPTER 3




"KANINA ka pa tulala," pansin ni Jinela habang abala naman siya sa pagmamaneho. Pauwi na kami. Naging malikot ang aking tingin dahil napakalalim na ng iniisip ko kanina pa sa biyahe. Ilang minuto ko lang nasilayan ang lalaking iyon kanina. Kailan kaya ulit?

"W-Wala. Pagod lang siguro," sagot ko na lamang at inihilig ang ulo sa salaming bintana ng kotse.

"Ano palang ikinamatay ng kaibigan mo?" tanong ko. Matagal siya bago nakasagot.

"Cancer," tipid niyang sambit na parang ayaw pag-usapan ang nangyari.

"Condolence."

Parehas kaming napasigaw nang may mabangga si Jinela sa dilim. Otomatikong itinigil niya ang sasakyan.

"Nakita mo 'yon? Parang may tumawid!" Nagpalinga-linga kami sa madilim na kalsada at kapwa kinakabahan.

"Fuck, it's just a cat."

Napaawang ang bibig ko nang makita sa harapan ng sasakyan ang napakaitim na pusa. Halos maningkit ang mga mata ko. Ito rin iyong nakita kong muntik nang mabangga ni Louiela kanina. Palagi na lang itong tumatawid sa tuwing may magtatangkang dumaan na sasakyan.

Sa sobrang inis ni Jinela, paulit-ulit niya itong binusinahan hanggang sa magtatakbo ito papalayo. Nakahinga kami nang maluwag.

"Badtrip," komento niya at ipinagpatuloy muli ang pagmamaneho.

Muli kong nilingon ang pusa. Nakamasid na naman ito sa amin habang papalayo kami. Bakit parang may kakaiba sa pusa na 'yon?

"And we're here!" anunsyo ni Jinela at pinatay ang makina. Parehas kaming sabik bumaba dahil parehong pagod. Parang lutang ako sa paglalakad.

Sa backdoor na kami dumaan. Nagpagpag muna bago pumasok.

"Hello, sweeties! Kumain na kayo ng dinner. Late kayo ng 30 minutes," bungad ni Louiela kaya napairap na lamang is Jinela.

"Mom, we almost hit a stray cat on the way. Sheez, napaka-creepy sa daan!" reklamo ni Jinela at nagbukas na ng ref para maghanap ng makakain. Dire-diretso naman ako sa sink para maghilamos.

"Why would you hate a stray cat? So, you hated Doris too?"  nakangiwing saad ni Louiela at binuhat palapit kay Jinela ang alaga nilang pusa. Kinarga ito ni Jinela at hinalik-halikan. Ako naman ang pumunta sa may ref at kumuha ng maiinom habang abala sila sa pakikipagkulitan sa alaga nilang pusa. Nakatingin lamang ako sa kanila.

"Of course, Doris is an exemption! She's a cute little pussy." Pinanggigilan niya ang alaga nilang pusa. Napaiwas ako ng tingin at napasulyap sa bintana nitong kusina.  Bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Hanggang sa nasundan ito ng panginginig at nabitawan ko ang babasaging baso. Lumikha iyon ng ingay dahil nabasag.

"Dorothea, are you okay?" Agad lumapit si Louiela sa akin at kinilatis kung nasugatan ba ako dulot ng pagkabasag samantalang si Jinela naman ay aligagang kumuha ng walis tambo at dustpan upang linisin ang mga bubog. Pinulot rin niya ang mga ito.

"It's my fault. Sinama ko pa siya sa lamay e alam ko namang pagod na siya galing sa school. Sorry, Dorothea," hingi niyang paumanhin. Napailing ako.

"Hindi. Hindi mo kasalanan. Louiela, hindi niya kasalanan. Masama lang ata talaga ang pakiramdam ko. Sorry." Tinitigan ko si Louiela sa mga mata. Wala naman akong mabakas na galit sa kanya. Hindi ko rin sinasadyang mabitawan ang baso. Sobrang dami ko lang talaga naiisip at parang wala na ako sa sarili.

"Go to your bed and get some sleep. You need more rest. You too, Jinela."

"Yes, Mom. Good night!"

Hinatid niya kami ni Jinela sa ikalawang palapag kung saan naroon ang kwarto naming dalawa. Simula kasi noong tumira ako rito kasama nila, magkabukod na ang kwarto namin. May kwarto ako na para sa akin lang at meron si Jinela na para sa kanya. Ang katuwiran ni Louiela, mas maganda iyong may sari-sarili kaming kwarto para sa privacy namin.


Otomatiko kong ini-lock ang pintuan at humiga sa malambot na kama. Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang hitsura ng lalaking iyon. Kada pagpikit ko, siya lagi ang una kong nakikita sa kadiliman.





"Sa muling pagkikita natin, handa na akong magpakilala."

"Iyon ay kung... may mamamatay ulit."


Napamulat ako nang 'di oras. Hindi ako mapakali. Pinapakiramdaman ko ang takbo ng oras. Nakikinig lang ako sa ingay ng paligid. Hanggang sa hindi ko na mapigilang bumangon mula sa pagkakahiga at hagilapin sa drawer ang pinakatatago kong patalim. Isinuot ko ang aking sapin sa paa habang hawak nang mahigpit ang kutsilyo. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan, nag-iingat na umingit ito at makagawa ng ingay. Nagpalinga-linga ako sa pasilyo kung saan naroon ang kwarto nina Louiela at Jinela. Kumakabog ang puso ko. Hindi na bago sa akin ang gawaing ito ngunit ganoon pa rin ang kaba at mahigpit na pag-iingat.

Halos lumutang ang mga paa ko sa paghakbang pababa ng hagdan. Kahit madilim, hindi na ako nag-abala pang buksan ang mga ilaw. Ayokong may makaalam ng maitim na balak ko ngayong gabi. Ramdam ko ang nanlalamig kong pawis. Bawat hakbang ko'y sumasakto sa pagtunog ng orasan namin sa salas. Nanginginig na ako. Papunta na ako sa direksyon ng sunod kong biktima.

"Meow." Napangiti ako nang marinig ko ang kanyang huni. Lumuhod ako sa kanyang kulungan at pinakawalan siya. Hindi ko pa rin binibitawan ang hawak na patalim.

"Come with me, Doris" bulong ko at hinimas-himas siya. Ang lambot ng kanyang balahibo. Ang sarap-sarap hawakan.

"Sweetie." Hanggang sa ang mahinahon kong paghimas ay naging marahas. Halos higitin ko na ang kanyang mga balahibo na lumikha iyon ng kanyang malakas na pag-ingay. Napatiim-bagang ako.

"Ang ingay mong peste ka," sambit ko sa sarili at hinawakan na siya sa leeg bago gilitan gamit ang bitbit kong patalim. Nangisay-ngisay siya sa kamay ko hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng buhay. Sumirit ang masaganang dugo. Hindi na naman ako makaramdam ng awa. Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang kasiyahan at pananabik na baka kinabukasan, makita ko na naman ang lalaking gusto kong malaman ang pangalan.

Dahan-dahan kong ibinaba sa sahig ang patalim na puno ng dugo at tinitigan ang lupaypay na katawan ni Doris. Mabilis ang naging kilos ko at nilinis ang pinangyarihan ng krimen. Hinugasan ko sa lababo ang kutsilyo. Sinigurado kong malinis ang lahat at walang maiiwang amoy sa lugar na iyon bago ko itapon sa likod-bahay ang patay na pusa.

Nakangiti akong bumalik sa higaan at iniisip na ang mangyayari kinabukasan. Hanggang sa isang sigaw ang nagpagising sa natutulog kong diwa nang umagang iyon.


"Si Doris?!"

"Mom, she's dead! Mom!"

Otomatiko akong napabalikwas ng bangon at dali-daling lumabas ng kwarto.





***

Dorothea | COMPLETEDWhere stories live. Discover now