CHAPTER 11

283 34 0
                                    

CHAPTER 11


DAHIL sa biglaan kong pagtigil, huminto rin siya at nilingon ako.

"Have you heard the news about them? The five Belmack students who found murdered in the old farmhouse. Sounds creepy, isn't it?" aniya. Napabuga ako ng hangin at muli kaming naglakad. Kumibit-balikat lamang ako.

"They're bullies. Aren't they?" Nakita ko ang pagtango niya. Isinilid niya ang kanyang mga kamay sa bulsa ng suot niyang coat samantalang inayos ko naman ang bonnet ko.

"I saw them bullied you last time," sambit niya. Hindi na lang ako umimik. Ngunit kahit anong pag-iwas ko sa topic na iyon, patuloy pa rin siya sa pagsasalita. Napikon na ako at hinarap siya.

"Why do you always want to stick with me?" Halata na niya siguro ang pagkairita sa boses ko pero mas pinili lamang niyang ngumiti. Tinitigan niya ako sa mga mata.

"Because I want you to be my friend," sagot niya.

"I don't want any friend. I'm better off alone."

"Dorothea, hindi ako gaya nila." Napakunot ang noo ko dahil sa sinasabi niya.

"What do you mean?"

"Those bullies who always attacked you before they died. I want you to feel that you are not alone. We can be friends and stick together. Poprotektahan natin ang isa't isa mga bullies na iyon," paliwanag niya dahilan para mapangisi ako.

"But they are now gone. Mas payapa na nga ang buhay ko sa school dahil wala ang ang mga pesteng tulad nila." Nakuyom ko ang aking kamao dahil sa panggigigil. Naaalala ko na naman kung paano ko sakalin si Faye nang gabing iyon. Sana mas diniinan ko pa hanggang sa naputol ang leeg niya.

Napawi ang ngiti niya dahil sa sinabi ko. Napaiwas naman ako ng tingin.

"Dorothea," sambit niya sa pangalan ko. Umihip muli ang napakalamig na hangin at napansin ko ang isang pigura ng tao na nakatalikod sa amin sa hindi kalayuan. Narito na kami sa bukana ng Belmack park.

Kumunot ang noo ko. Hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ni Gemarie at malapad ang ngiting nilagpasan lamang siya para lapitan ang misteryosong lalaki na nakatalikod sa amin.

"Dorothea? Anong nakikita mo?"

"Azrael?"

Bawat paghakbang ko patungo sa kanya'y kumakabog ang puso ko. Hindi ko talaga alam kung bakit ko 'to laging nararamdaman. Siguro dahil minsan ko lang siyang makita at sa tuwing magkikita naman kami, limitado lang ang oras.

"Azrael," sambit ko pa. Hinintay ko siyang lumingon. Lumawak ang aking ngiti nang masilayan ko na naman ang kanyang mukha.

"Dorothea," sambit niya. Halos magwala na naman ang puso ko sa kaba. Gusto ko na talaga ang lalaking ito.

"Uy." Ipinitik niya ang daliri sa mismong mukha ko dahilan para mabalik ako sa reyalidad at napakunot ang noo. Si Gemarie ang nasa harapan ko ngayon. Walang Azrael sa paligid.

Napawi ang ngiti ko.

"Sinong Azrael ang tinatawag mo? Tayo lang ang tao rito, Dorothea," ani Gemarie at tiningnan ako nang may pagtataka. Napailing ako.

"W-Wala," sagot ko na lamang at naglakad na palayo.

"Sandali!" pagpigil niya nang mapansing nakakalayo na ako. Tumigil ako saglit habang inaantay siyang magsalita.

"Pupunta ka ba sa lamay nilang lima?" tanong niya kaya alinlangan akong napalingon. Hindi ko mahagilap ang tamang sasabihin. Umawang ang bibig ko pero walang lumabas na salita.

"H-hindi ko alam kung kaninong lamay ang pupuntahan ko, actually." Natawa siya sa naging sagot ko at nagtatakbo muli palapit sa akin.

"Ang alam ko, ibuburol muna sila sa Belmack University bago iuwi sa kanya-kanyang bahay. So, makikita natin sila pare-pareho mamayang gabi. Game ka ba?" aya niya. Sa tono ng boses niya, gusto talaga niya akong makasabay. Tumango na lamang ako.

Napangiti siya.

"Sige, sabay tayo mamaya. See you later, Dorothea!"










Malakas na door bell ang naging dahilan para magkumahog ako sa pamimili ng susuoting damit. Pinili ko ang turtle neck ko na kulay black at pinaibabawan ko muli ng black coat dahil malamig sa labas. Bukod roon, iniingatan ko pa rin ang aking mga galos. Ayokong mapansin nila ang mga iyon.

"Dorothea! May bisita ka!"

Narinig ko ang boses ni Louiela mula sa baba kaya nagmadali akong lumabas ng kwarto. Nadatnan ko si Gemarie na naghihintay sa akin. Tulad ko, balot na balot rin ang kanyang kasuotan dahil sa sobrang lamig. Nakaupo siya sa sofa at nakangiti sa akin.

"Let's go?"

Tahimik naming binagtas ang mga nadaraanang palayan na ngayon ay natatakpan na ng makakapal na nyebe. Panay ang buntong-hininga ko.

"Few more walks and we're gonna take a taxi," nakangiting sambit ni Gemarie. Nilakad lang kasi namin hanggang sa national road nitong Belmack dahil mahihirapan pa si Louiela na imaneho ang kotse niya. Sobrang kapal na ng nyebe at baka ma-stuck pa siya sa daan.

Mayamaya'y nakakarinig na kami ng mga ugong at busina ng sasakyan though malimit lang ang nagdaraanan rito sa amin. Nakapamulsa pa akong pumara ng taxi. Tumigil ito sa tapat namin at dumungaw ang driver.

"Destination, Ma'am?" Bumaba ang tainted na salamin. Halos mapakurap ako nang ilang beses dahil sa mukhang nakadungaw ngayon sa bintana ng taxi.

"A-Azrael?" tanong ko kaya napangisi lamang siya.

"Belmack University, kuya. Teka, magkakilala kayo?" pagsabat ni Gemarie. Nagkatinginan kami ni Azrael. Bakit nagpapakita siya ngayon sa iba?

"Hop in!" aya nito at kusang bumukas ang pintuan sa passenger's seat. Dali-dali kaming sumakay.

"Taxi driver ka na pala ngayon, ah," bulong ko na narinig niya ata kaya sumilay na naman ang nakaloloko niyang ngisi. Lagi naman siyang nakasuot ng itim na kasuotan.

"Hindi ka naman siguro kaskasero, 'di ba, kuya?"  Hindi na sumagot pa si Azrael sa tanong ni Gemarie at pinaharurot na ang sasakyan. Buong biyahe nakatitig lang ako sa kanya. Napakaseryoso ng kanyang mukha at nakatuon lamang sa unahan ng kotse.

Gusto kong umiwas ng tingin nang maabutan niya akong nakatitig ngunit hindi ko ginawa. Mas gusto ko nga ito na nagkakaroon kami ng pag-uusap at koneksyon kahit sa mata lamang. Hindi naman kami pansin ni Gemarie dahil abala itong umidlip hanggang sa pumarada na ang sasakyan.

"Belmack University," anunsyo ni Azrael at nilingon kaming dalawa. Bumalikwas si Gemarie at dumukot sa kanyang purse.

"You're not paying, Miss." Kapwa kami napanganga sa sinabi niya.

"You mean, libre lang?" halos sabay naming sambit ni Gemarie. Humalakhak lamang siya at tumango. Alinlangan kaming bumaba sa tapat ng university gate.

"Bye, Dorothea," paalam niya at ngumiti. May parte sa puso kong gusto kong makasama pa siya nang mas matagal.

"Sandali," pigil ko bago pa siya tuluyang umalis.

"Will I see you again tonight?" nahihiya kong tanong ngunit nagbabakasakali lamang.

"Let's see," aniya at muling pinaandar na ang sasakyan. Pinagmasdan ko na lamang ito palayo hanggang sa tapikin na ni Gemarie ang balikat ko.

"Tara na?"

Tumango na lamang ako at sumunod sa kanya sa loob ng Belmack University.




***

Dorothea | COMPLETEDWhere stories live. Discover now