CHAPTER 16

268 33 5
                                    

CHAPTER 16



"HELP!" sigaw ni Jinela at dinaluhan ang nasagasaang bata. Hindi na ito gumagalaw at wala nang buhay. Muli kong ipinilig ang ulo ko. Wala na roon ang pigura ni Azrael. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya iyon.

"Oh my God! What happened?!" Napakarami nang kapitbahay ang nagsilabasan dahil sa insidente. Imbes na makiusyoso, hinayaan ko na lamang sila at agad umatras. Nagtatakbo na ako papasok ng bahay, paakyat sa kwarto at agad sinarado ang pintuan nito. Napaupo ako sa sahig habang yakap ang mga tuhod sa sobrang kaba na nararamdaman. Mayamaya ay naningkit ang aking mga mata nang may mapagtanto.

Nawawala ang kutsilyo na basta ko na lang inilagay rito sa kwarto kanina. Dahil sa pagpa-panic, napatayo ako at hinalughog na ang buong kwarto. Nasapo ko ang aking ulo. Hindi pwedeng mawala na lang rito basta ang patalim ko. Maliban na lang kung may nakapasok rito kanina habang nasa labas kami.

"Louiela, oh shit!" mura ko sa sarili nang maalalang naglilinis nga pala siya ng kwarto minsan.

Pagbukas ko pa lamang ng pintuan ng kwarto ay naroon na si Louiela habang bitbit ang kutsilyong lagi kong ginagamit sa pagpaslang. Nanginginig niya itong itinaas at ipinakita sa akin. Gusto ko na lang manigas sa kinatatayuan. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin.

"Why do you have this? Why are you keeping this in your room?" sunod-sunod niyang tanong. Ang buong akala ko, nakikiusyoso rin siya sa aksidente sa labas pero heto siya inantabayanan talaga ang pagpasok ko ng bahay para tanungin ako. Umawang ang aking bibig. Gustuhin ko mang magsalita, hindi ko talaga alam ang isasagot.

"Louiela, it's just for self-defense," pag-amin ko pero nagtiim-bagang siya.

"For self-defense, huh? Tell me, Dorothea! Why do you have this? Are you planning to kill us? Have you killed Doris?"

"Fuck, just give it back to me!" sigaw ko at hindi na muling napigilan ang sariling emosyon. Na-trigger na naman ako at akma nang aagawin sa kanya ang kutsilyo ngunit mas inilayo niya ito. Pinipigilan niya akong mabawi ko iyon sa kanya. Mas nanggigigil ako.

"Dorothea! Mommy? Oh my God!" Narinig ko na ang yabag ni Jinela pataas kaya otomatikong napalingon kami sa kanya. Sinamantala ko ito upang mabawi kay Louiela ang patalim. Nanlaki ang aking mga mata nang madaplisan siya ng talim nito. Hindi ko sinasadya.

Napaatras ako habang si Louiela naman ay nasapo ang dumudugong braso. Napangiwi siya dahil sa sakit. Dinaluhan siya ni Jinela sa sobrang pag-aalala.

"M-mommy! Dorothea, what did you do?!" naluluha niyang bulalas at hindi makapaniwalang napatingin sa akin. Umiiyak na siya. Dumako ang tingin niya sa hawak kong kutsilyo.

Nanginginig akong napatitig sa bagay na hawak ko. Hindi ko na rin mapigilang umiyak. Napailing ako.

"Hindi ko sinasadya."









"Masakit pa ba, Mom?" rinig kong tanong ni Jinela kay Louiela habang ginagamot nito ang sugat dulot ng pag-aagawan namin kanina ng kutsilyo. Napatungo ako. Nakamasid lang ako rito sa sulok. Ayokong lumapit sa kanilang dalawa ngayon. Alam kong galit si Louiela sa akin.

"Ano ba kasing pumasok sa isip n'yo at nag-aagawan kayo noon? Alam n'yo namang matalim 'yung kutsilyo."

"Don't come near her. She might stab you in the back," I heard Louiela warned Jinela as they keep whispering to each other. Hindi ito nakaligtas sa matalas kong pandinig kaya nakuyom ko ang aking kamao. Naging matalim ang titig ko at padabog na tumayo. Pinanlisikan ko sila ng tingin pagkuwa'y dire-diretsong umakyat ng hagdan patungo sa kwarto ko.

Nang gabi ring iyon hindi na ako lumabas pa. Ni hindi nga ako kumain ng hapunan. Hindi na rin silang dalawa nag-abala pang tawagin ako. Nararamdaman kong pagkatapos ng gabing ito, ilalayo na nila ang kanilang mga sarili sa akin. Lalayuan na nila ako.

Pero mas mabuti na ngang nalaman nila ang totoo o paalisin na lang nila ako. Kaysa isuplong pa nila ako sa pulis. Buong gabi akong nakatunganga sa kisame. Nakikiramdam sa paligid.

Na-mi-miss ko na si Azrael. Kailan ba ako ulit maaaring pumatay?





Bandang alas onse na ng umaga ako nagising kinabukasan at sa pagbaba ko pa lamang, may naririnig na akong halakhakan. May nag-uusap sa sala. Pamilyar para sa akin ang boses nito at alam kong si Jinela ito. Mayamaya'y sumingit na rin si Louiela sa usapan. Tila napakasaya nila. Dire-diretso ako sa kusina at hindi man lang sila pinansin. Hindi ko rin binate ang kung sino mang bisita nila ngayong araw.

Naramdaman ko ang pananahimik nila.

"Dorothea, come over here." Parang kahapon lang ay ayaw nila akong palapitin sa kanila. Pero ngayon, bakit ganito na ulit sila umasta kapag may bisita? Alam kong pinaplastik na lang ako ng mag-inang ito.

Bitbit ang tasa ng kape, naglakad ako patungo sa sala kung saan naroon sila. Nadatnan ko si Louiela na kahit hindi komportableng titigan ako, ngumiti na lamang.

"I want you to meet the boyfriend of Jinela," aniya. Napangiti si Jinela at nahihiyang pinakilala ang lalaking nakaupo sa tabi niya. Napatitig ako rito. Isang lalaking napakaputi, nakasuot ng itim na coat at may pamilyar na ngiti.

"Dorothea, ang boyfriend ko nga pala," panimula niya at tumayo pa.

Sa isang iglap, nabitawan ko ang tasa ng tinimpla kong kape na ikinagulat nilang lahat. Nanginginig ako habang nakatitig lamang sa lalaking kasama ngayon ni Jinela at sinasabing boyfriend raw niya. Gusto kong maiyak.

"Dorothea?" Narinig kong nagtanong si Louiela kung bakit ganito na naman ang inaasta ko pero hindi ko na naman siya pinansin. Nanginginig ako sa galit ngayon.

"Azrael?" tawag ko sa lalaki kaya napakunot lamang ang noo niya. Maging si Jinela ay naguguluhan na rin.

"What?"

Tuluyan nang naglandas ang mga luha ko. napagtangto ko nang ang lalaking kaharap ko ngayon at kasama ng kapatid-kapatiran ko'y walang iba kundi ang lalaking gustong-gusto ko. Walang iba kundi si Azrael.

Napawi ang kanilang mga ngiti.

"I'm sorry? Who's Azrael you are talking about?"

Napailing ako at kumagat-labi. Kaya pala hindi na siya nagpapakita sa akin. May iba na siya noon pa. At si Jinela pa!

"Dorothea! Ano bang sinasabi mo? Nababaliw ka na ba? Hindi siya si Azrael!"

"Mga taksil!"

Hindi na ako nakapagpigil pa at hinablot ang bread knife na nasa mesa. Sa sobrang panggigigil at emosyon na nararamdaman, walang pagdadalawang-isip kong sinugod si Jinela. Tinarak ko ang bread knife sa leeg niya at sinakal pa siya.

Nakarinig ako ng sigawan. Mas ibinaon ko ang dulo nito sa kanyang leeg. Hanggang sa maramdaman kong itinulak ako palayo ng lalaki. Nanlaki muli ang aking mga mata. Hindi na siya is Azrael. Anong nangyari?

"Jinela!" palahaw ni Louiela at dinaluhan ang anak niyang nangingisay-ngisay na sa sofa. Sumisirit na ang dugo nito at mayamaya'y bumulagta na nang tuluyan.



***

Dorothea | COMPLETEDWhere stories live. Discover now