CHAPTER 17

282 38 2
                                    

CHAPTER 17




WALA ako sa lamay ni Jinela. Dinala nila agad ako sa presinto. Inimbestigahan. Tinatanong nila ako pero ni isang katanungan, wala akong sinagot. Dahil halos mapikon na ang mga pulis, pinabayaan na muna nila akong manahimik. Wala si Louiela sa tabi ko sapagkat inaasikaso niya ang kanyang totoong anak na ngayon ay malamig na bangkay na nang dahil sa akin.

Mukhang dito ako magpapalipas ng gabi sa estasyon ng pulis bago pa tuluyang umusad ang kaso. Parang gusto ko na lang rin patayin ang sarili ko kaysa makulong nang habang-buhay.

Napakislot ako nang maramdamang may naglapag ng tasa sa ibabaw ng mesa. Narito pa rin ako sa interrogation room at hindi nila inililipat ng silid. Naging malikot ang aking tingin. Nakaposas pa ang aking kamay. Inusog ng hepe ang mainit na tasa ng kape sa harap ko.

"Mag-kape ka muna nang mahimasmasan ka at baka mapagtanto mo kung bakit mo iyon ginawa sa kapatid mo," untag niya at hinila ang upuan sa tapat ko. Ngayon, kaharap ko na siya. Napaiwas ako ng tingin. Pawis na pawis na ako kanina pa pero paiinumin pa niya ako ng kape. Hindi ko alam kung sino ang baliw sa aming dalawa?

"Ngayon, tatanungin ulit kita, hija. Paano mo nagawa iyon?" aniya kaya wala sa sarili akong napangisi.

"Paano ko nga ba ginawa? Syempre sinaksak ko lang sa leeg niya hanggang sa sumirit ang dugo," nakangisi kong sagot dahilan para masamid ang hepe at tinitigan ako nang mabuti.

"Mukhang hindi mo na kailangang manatili pa rito sa presinto. Dapat idiniretso ka na sa mental," naiiling nitong komento sabay hithit ng sigarilyo. Para akong tangang humalakhak nang mahina habang pasulyap-sulyap sa paligid.

"Hija, ang kailangan ko lang ay matinong sagot. Sabihin mo kung bakit mo iyon nagawa sa kapatid mo?" usisa pa niya. Nagpalinga-linga ako sa bawat sulok ng silid kung saan ako nakakulong.

"Nakita mo si Azrael? Pumunta ba siya rito?" walang ideya kong tanong na hindi pinansin ang mga sinasabi niya. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo.

"Sinong Azrael ang sinasabi mo?"

"Si Azrael. Ang magliligtas sa akin rito. Susunduin niya ako mayamaya lang. Alam kong darating siya."

"Hija, walang Azrael ang pumarito. Maghunos-dili ka."

Nagpumiglas ako at pilit inaalis ang posas. Doon na ako napasigaw. Agad tumayo ang pulis at nag-dial sa kanyang cellphone. Medyo lumayo siya sa akin para kausapin ang nasa kabilang linya. Habol ko ang hiningang napasulyap sa salaming pintuan nitong kwarto. Nanlaki ang aking mga mata.

"Azrael!" sigaw ko, May lalaking nakatayo ngayon sa labas ngunit naaaninag ko pa ang kabuuan niyang pigura. Nakasuot siya ng itim na coat at sombrero.

"Azrael! Palabasin n'yo ako rito! Nariyan na ang sundo ko!" tili ko at muling nagpumiglas.

"Kumalma ka, hija! Wala ka pa sa mental hospital!" natatarantang sigaw ng pulis pero mas tumili ako. Kahit nakaposas ang mga kamay sa harapan ay nagawa kong abutin ang tasa ng mainit na kape. Tinulak ko iyon hanggang sa bumagsak at mabasag. Napaatras ang hepe dahil sa ginawa ko. Dinuro-duro niya ako.

"Ano bang pag-uutak meron ka, Dorothea?"

"Tumigil ka! Pakawalan mo ako! Nasa labas si Azrael, hinihintay ako! Uuwi na kami!"

Isang bagay ang hinugot niya sa kanyang bulsa at nilapitan na ako. Natigalgal ako nang maramdaman kong naging manhid ang aking buong katawan matapos niyang itarak iyon sa braso ko. Gusto kong sumigaw pero wala na akong boses. Hanggang sa unti-unti nang dumilim ang paligid ko dahil pinangunahan na ako ng antok.












Mga malalakas na yabag ang gumising sa akin kaya otomatiko akong napabalikwas. Hindi ko pa masyadong naimumulat ang aking mga mata ay nakatanggap na ako ng malutong na sampal at sabunot mula sa kung sinong pumasok rito sa kwarto. Halos matuklap na ang anit ko sa sobrang higpit ng kanyang pagkakahigit sa aking buhok.

Napasigaw ako dahil sa sakit. Hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko dahil may posas ang aking mga kamay.

"Wala kang puso! Mamamatay-tao ka! Sa dami-rami, bakit si Jinela pa? Tinuturing kitang parang tunay na anak! Tapos ito ang igaganti mo sa akin?" Naliwanagan lang ako kung sino ang babaeng nakatayo sa aking harapan ngayon matapos niya akong bulyawan. Siya ay walang iba kundi si Louiela.

Nang wala siyang matanggap na reaksyon mula sa akin, muli niya akong sinabunutan. Todo awat naman ang hepe na nakasunod na pala sa kanya.

Isang sampal muli ang dumampi sa nanlalamig kong pisngi. Gusto kong umiyak pero alam kong balewala iyon ngayon. Napangisi na lamang ako at pilit siyang tinitigan sa mga mata.

"Ang sabi mo noon sa akin, tanggap mo ang nakaraan ko. Bakit ngayon, hindi mo matanggap?"

Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao at pagtalim ng titig sa akin.

"Not now that you killed my daughter," tiim-bagang niyang sagot. Hindi na niya ako masaktan dahil pinipigilan na siya ng pulis ngayon. Mas napahalakhak ako.

"But I thought you love me, Louiela?" kunot-noo kong tanong. Sumilay ang mapakla niyang ngiti at kusang tumulo ang luha niya sa mga mata. Napawi ang ngiti ko.

"I do love you, Dorothea. But tolerating a psychopath like you living in a house with me without Jinela anymore, much better if you will be gone too," malamig niyang tugon kaya napatingin ako sa kanya na hindi makapaniwala sa naririnig.

"No! You can't do this to me! I am still your daughter!" I yelled at her but she just tearfully smirked in front of me.

"Wala akong anak na baliw!"

"No!"

"I want you to take her in the mental institution as soon as possible."

"Hindi mo pwedeng gawin sa 'kin 'to, Louiela. Anak mo ako!"

"Hindi na kita anak! Mabubulok ka sa kulungan at sa apat na sulok ng kwartong 'yon!"

"Remember this, Dorothea. You will pay for what you did to my daughter. And I don't wanna see you anymore. Go to hell!"

Hindi na ako nakapagpigil at agad tumayo mula sa pagkakaupo. Papaalis na sana siya pero naging mabilis ang kilos ko. Tutal nasa harapan naman ang pagkakaposas ko, maagap kong nahablot sa bewang ng pulis ang baril at kinalabit ang gatilyo nito.

Isang putok ng baril ang bumasag sa sigawan namin. Umalingawngaw ang putok nito sa apat na sulok nitong kwarto. Nagulat at napatda ang hepe sa harapan ko habang si Louiela naman ay tuluyang napatingin sa akin habang nanlalaki ang mga mata. Duguan siyang bumagsak habang sapo ang butas na tiyan.

Napangisi ako habang hingal na hingal.

"Then go to hell with me. We can be a happy family there," bulong ko at muli siyang pinatamaan ng bala.






***

Dorothea | COMPLETEDWhere stories live. Discover now