CHAPTER 8

314 35 1
                                    

CHAPTER 8





"STOP trying to escape! We won't let this pass!" sigaw ni Emaera at sinigawan ako sa mukha kahit pa sobrang lakas na ng hangin. Nagtiim-bagang ako dahil sa galit. Ginawa ko ang lahat para iuntog ng ubod-lakas ang noo ko sa mukha niya. Narinig ko ang pagdaing niya sa sakit. Dahil ang sinasandalan ko naman ay kawayan, ang matalas na parte nito ang nagsilbing paraan para maputol ko ang tali na nasa aking mga kamay. Hindi ko tinigilan sa pagkiskis hanggang sa mahati ito sa dalawa.

Halos mapabuga ako ng hangin nang makawala ako nang tuluyan. Sinunod kong tanggalin ang nakatali sa aking mga paa. Habang dumadaing sa sakit si Emaera, hinagilap ko ang vaseball bat at napangisi. Hindi na ako nagdalawang-isip pang ihampas ito sa kanyang ulo nang paulit-ulit. Tumigil ang malakas na hangin. Parang dinaanan lang talaga ng ipo-ipo ang lumang farmhouse na ito. Papalayo na ang naririnig kong daluyong hanggang sa muling tumahimik ang lahat.

"W-What did you do?!" Riea bursted out while looking at me hysterically. Naibaling ko ang aking tingin sa paanan ko. Naroon ang duguang si Emaera, dilat ang mga mata, basag ang bungo at hindi na humihinga. Ramdam ko ang malagkit niyang dugo na kumakalat sa lupa. Muli akong napangisi. Hawak ko pa pala ang vaseball bat na ipinanghampas ko sa kanya. Pinasadahan ko sila ng tingin. Bakas roon ang gulat at pamumutla.

"You, p-psychopath..." halos pabulong na wika ni Faye at napaatras. Nasaan na ang tapang nilang lahat ngayon? Bakit parang nawala?

Dahil sa sinabi niya, napawi ang ngiti ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Naiiyak ako sa tuwa. May isang tao akong napatay ngayong gabi. Ibig sabihin ba noon, makikita ko muli si Azrael?

"Azrael?" tanong ko dahilan para mahintakutan silang mapatingin sa akin.

"Baliw! Mamamatay-tao!" sumbat ni Riggs at ibinato sa akin ang nahablot na galon ng tubig. Wala na itong masyadong laman kaya hindi masyadong masakit. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Riggs, help me to kill this psycho. She killed Emaera," nanggigigil na suhestiyon ni JD at naghagilap sa lupa ng mga hawak nilang patalim kanina. Pinalibutan na nila akong apat. Ako naman ang napaatras.

Hindi pwede 'to. Kailangan kong mabuhay ngayong gabi. Kailangan kong makauwi sa bahay nang buhay at buong-buo. Napalunok-laway ako. Gusto kong ngumiwi dahil lasang dugo na ang dumiretso sa aking lalamunan. Hinawakan ko nang mahigpit ang bat.

"Now!" sigaw ni JD at sinugod ako. Tili naman nang tili si Riea na hindi pa rin binibitawan ang video camera niya. Nire-record niya lahat. Mabuti na lamang at nakailag ako. Dire-diretso akong gumulong sa mga sumabog na dayami kanina. Agad kong hinampas ng bat ang binti ni Riggs kaya napahiyaw siya sa sakit. Sinunod ko si JD na akma na naman akong susugurin. Ngayon, pareho na silang umiiyak sa kirot na nararamdaman. Hindi ko mapigilang maging masaya dahil sa nakikita ko ngayon.

Panay naman ang sigawan nina Faye at Riea sa likuran ko.

"Kill her now!" utos ni JD kay Faye dahil siya mismo, hindi na makatayo. Otomatiko kong ibinaba ang bat at inagaw sa kanya ang hawak na kutsilyo. Ito mismo ang itinarak ko sa leeg niya. Sumirit ang  napakaraming dugo. Para itong fountain sa aking paningin at sigawan ng kanyang mga kasama ang tinig ng mga batang tuwang-tuwa makita kung paano bumulusok paibaba at paitaas ang likidong kulay pula. Napangisi ako at hinugot ang patalim na mas nagpalabas ng malapot niyang dugo. Nangisay-ngisay siya na parang manok.

"No!" tili ni Riea kaya nilingon ko siya at tinitigan nang masama. Napaatras siya kasama si Faye. Sinamantala pala iyon ni Riggs para makatayo at sumigaw.

"Let's get out of here! She's a psychopath! She'll kill us all!"

Sa isang iglap, bigla silang nagtakbuhan sa iba't ibang direksyon. Hindi ko alam kung sino ang uunahin at susundan. Napatitig muna ako sa dalawang duguang bangkay na nasa paanan ko ngayon. Hindi na gumagalaw sina JD at Emaera. Mukhang napuruhan ko talaga sila dahilan para tuluyan na silang mamatay.

Hindi pa ako nakontento at naging matalim ang tingin sa iba't ibang direksyon. Hindi ko sila hahayaang makatakas at makapagsumbong. Muli kong pinulot ang bat at nagtatakbo sa direksyon ng tinakbuhan ni Faye.

"I'll find you and you can't escape," bulong ko sa sarili kahit kumikirot na rin ang aking mga sugat.

Nagtago ako sa kulungan ng mga kambing habang hinihintay ang magiging sunod kong biktima. Sumibol ang pagkainis ko nang maging maingay ang paligid dahil sa kanila.

"Epal," sambit ko sa sarili at ginilitan ang tatlo sa mga kambing. Bumulagta sila sa paanan ko.

Napalingon ako sa hindi kalayuan at nakita ko ang tumatakbo nang si Faye. Napailing ako. Akala niya makakatakas siya ngayong gabi. Sinimulan nila ang larong ito. Ang hindi nila alam, ako ang tatapos.

"No! Get off me!" aniya nang magawa ko siyang maabutan at higitin ang mahabang buhok. Nanggigigil na ako. Inihampas ko ang ulo niya sa pinakamalapit na poste dahilan para matumba siya. Iyon ang ginawa kong pagkakataon para madaganan siya at itarak ang patalim sa kanyang dibdib. Mas diniinan ko pa lalo na nang pilit niya akong sakalin. Hindi niya nagawa. Tulad nina JD at Emaera, nangisay-ngisay lamang siya hanggang sa mamatay.

Humalakhak ako at binitiwan na ang bangkay niya.

"A masterpiece," I commented as I dashed away in the dark to find and killed the others.

Lumabas ako ng farmhouse kahit nangangapa sa dilim. Hindi sapat ang malamlam na liwanag sa mga lumang bumbilya para matanglawan ang dinaraanan ko. Maya't maya akong natatapilok dahil sa mga maliliit na bato kaya hinubad ko na ang aking sapatos para mas madali ang paghahanap kina Riggs at Riea.

Hindi ko magagawang pabayaang makatakas sila lalo na si Riea na hawak ang video camera.

Tinalasan ko ang aking pandinig. May naririnig akong kaluskos sa bandang gilid. Gumalaw ang dayami. Walang patumpik-tumpik ko iyong sinugod at nadismaya nang makita ang inosenteng tupa na nanginginain rito. Pero hindi nakaligtas sa matalas kong paningin ang aninong tumatakbo na palayo sa akin.

Mabilis ang hakbang na hinabol ko siya.

"Fuck!" mura niya. Napangisi ako lalo na nang mapansing napatid siya sa nakausling ugat at ngayo'y nakahiga na sa lupa. Mahihirapan na siyang makatayo.

"You'll die tonight, Riggs," I muttered and attacked him. I slashed his throat rapidly without mercy.




***

Dorothea | COMPLETEDWhere stories live. Discover now