CHAPTER 12

274 36 4
                                    

CHAPTER 12



INAASAHAN ko na ito. Ang makitang iilan lang ang bibisita ngayong gabi sa lamay nilang lima. Bukod sa napakasama ng ugali nila, wala rin silang tinuturing na kaibigan kundi ang isa't isa kaya heto ang resulta. Ngayon, tutal sila lang naman ang magkakaibigan, mabuti ngang sama-sama na rin sila hanggang kamatayan.

Lihim akong napangisi habang iginagala ang paningin sa paligid. Ilang professors lang rin ang narito ngayong gabi. May mga nag-iiyakan ngunit alam kong kamag-anak lang rin nila iyon.

Dahan-dahan kong inihakbang ang aking mga paa palapit sa kabaong ni Emaera. Kalmado lamang ako at pinagmasdan siya.  Pinigilan ko ang mangiti dahil katabi nito ang kay Riea at nakatunghay roon ang kanyang mga magulang. Panay ang hagulhol nito sa nakasaradong kabaong. Hindi na binuksan dahil halos mabasag na raw ang mukha nito. Nanlaban kasi. Iyan tuloy ang naging bunga.

Napabuntong-hininga ako. Hinawakan ko ang salamin na para ko na ring hinawakan ang mukha ni Emaera sa muling pagkakataon. Ngunit napakislot ako nang makita kong nagmulat siya.

Ikinurap ko ang aking mga mata at ipinilig ang ulo. Namamalik-mata lang ako. Mariing nakapikit ang mga mata niya at hindi na gumagalaw. Para akong aatakehin sa puso kaya napaatras ako. Sakto namang may humawak sa balikat ko at iyon pala ay si Gemarie.

"Ayos ka lang? Namumutla ka," pansin niya. Napaiwas ako ng tingin at tumungo.

"Magbabanyo lang ako," palusot ko. Naglakad na ako palayo.

Panay ang tingin ko sa mga nadaraanang pasilyo rito sa Belmack University. Yakap ko na rin ang sarili dahil sa lamig. Taguktok ng sapatos ko lamang ang tanging maririnig.

Mayamaya'y napatigil ako sa paglalakad. Parang umurong ang nararamdaman kong pag-ihi nang may sumitsit sa akin. Otomatiko akong napalingon sa paligid.

"S-Sino 'yan?" kinakabahan kong tanong. Imposibleng ang janitor pa ito dahil sa pagkakaalam ko, kapag mag-aalas syete na ng gabi, uwian na rin nila.

"Pssst!"

"What the!" Halos tumigil ang puso ko sa pagtibok nang may humawak sa bewang ko at yakapin ako. Kilala ko ang amoy ng pabango niya kaya nanlaki kaagad ang aking mga mata. Hinarap ko siya.

"Azrael! Anong ginagawa mo rito?" bulalas ko. Ngumisi lamang siya.

"I thought you're looking for me," giit niya at nagkibit-balikat.

"Yeah, but I thought you drove your car away a while ago," kontra ko. Gaano siya kabilis nakabalik rito?

"Siguro aalis na lang ulit ako."

"No!"

"I'm joking," aniya. Hindi ako ngumiti. Kinakabahan ako na ewan. Hindi ko alam. Basta ayoko siyang umalis ngayong gabi.

Nakita ko na naman ang pagngiti niya.  Para tuloy akong pinanghihinaan ng tuhod tuwing nakikita ko siyang ganyan. Naglakad ako habang naghahanap ng mauupuan. Ramdam kong nakasunod lamang siya sa akin. Dahil wala naman ditong bench, sa sulok na lang ako yumukyok habang yakap ang mga tuhod.

"You, okay?" tanong niya kaya napabuntong-hininga ako. Umupo na rin siya sa aking tabi. Gusto kong manigas sa kinauupuan. Sana hindi niya naririnig ngayon ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.

"Napapansin ko lang na sa tuwing may namamatay, saka ka lang magpapakita sa akin. What's with the my killing and their death as well as their funeral? I'm asking because that's only the time you show yourself to me," paliwanag ko at ikinumpas ang mga kamay. "Don't get me wrong. I just accidentally notice it since then," dagdag ko pa.

I heard him chuckle.

"You don't accidentally notice it, Dorothea. You are aware of it from the very first." Napilipit ang dila ko nang magsalita siya.

"Then why, Azrael? Why do you keep on hiding yourself from me? When in fact we can bond with each other without me killing anyone," giit ko. Hindi ko tuloy alam kung naiintindihan ba niya ang gusto kong iparating pero sana naman. Hindi naman kasi talaga ako magaling mag-express ng feelings. Sana hindi siya bobo. Natahimik siya.

"Are you tired of killing people, Dorothea?" Napalunok-laway ako at aligagang napatingin sa kanya. Umawang ang bibig ko pero ayokong magsalita. Ayokong mautal sa harapan niya ngayon. Napatitig siya sa aking mga mata.

"Answer me," malamig niyang utos.

"I'm not if this is the only way to see you," diretsahan kong sagot. Ngumiti siyang muli at hinaplos na ang pisngi ko. May pinahid siya mula roon.

"Then stop crying." Ako na mismo ang nagpunas ng magkabila kong pisngi nang mapansing basa nga ito. Ba't ako umiiyak?

"I just want to know the reason why are we like this?" Napakagat-labi ako.

"I understand that you want to know the reason why I only show myself during funeral of the people you killed. I'm afraid that you'll hate me if you know the truth." Inalis niyang suot na sombrero at napasandal sa pader habang nakatingala.

"Tell me everything. You know that I will understand you no matter what," pamimilit ko.

"Then come with me," aya niya at hinawakan ang aking kamay. Nakasuot man ako ng gloves, ramdam ko ang lamig ng kanyang palad kaya napapikit ako.








Sa muli kong pagmulat, narito na kami sa tulay ng Belmack. Ang pinakamahabang tulay na nagdudugtong sa bayan namin at sa kabila. Ito ang border kung tawagin.

"What are we doing here?" Maya't maya akong napapapikit dahil napakalakas ng ihip ng hangin. May dala pa itong pinong yelo kaya napapangiwi ako. Napakalamig. Doon ko lamang napansin na magkahawak-kamay pa rin kami ni Azrael. Kapwa kami ngayon nakatunghay sa baba nitong tulay. Wala akong makita. Napadilim. Pero rinig ko ang malakas na pag-agos ng tubig. Bigla akong kinabahan.

"Sabi nila, marami nang nagpapakita rito," tukoy ko sa mga kaluluwang sinasabi ng iba na nagpaparamdam sa tulay na ito. Hindi ako sigurado pero ayon sa sabi-sabi, kaya nagkakaroon rito ng aksidente, kagagawan nila.

"They are lost souls who fell in the river of sorrow," makahulugan niyang sagot.

"W-what?" Hindi ko siya maintindihan. Binitawan niya ang kamay ko at akmang tatalon sa tulay.

"Hey, what do you think are you doing?!" sigaw ko pero hindi niya ako pinakinggan. Sa halip, dire-diretso siyang sumampa at walang paligoy-ligoy na tumalon.

"Azarael!" Umalingawngaw ang boses ko sa napakadilim na tulay habang inaaninag ang malalim na ilog kung saan siya tumalon. Naiiyak ako at pinangunahan ng kaba.

Wala na siya. Malakas na pag-agos na lamang ng ilog ang naririnig ko. Doon na ako napahikbi.

"Why are you crying, Dorothea?" Doon na ako nanigas sa aking kinatatayuan. Narinig ko ang isang pamilyar na boses sa bandang likuran ko. Nanginginig at dahan-dahan akong napalingon.

"Azrael?" tanong ko sa lalaking nakasuot ng kulay itim na coat. Buong-buo siya at walang sugat.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa ibaba ng tulay at sa kanya. Hindi ko mahagilap at dapat na sabihin. What is he doing here if he does jumped on the bridge earlier?





***

Dorothea | COMPLETEDWhere stories live. Discover now