CHAPTER 10

312 34 4
                                    

CHAPTER 10




NAKASISILAW na liwanag ang bumungad sa akin nang imulat ko ang mga mata. Humupa na ang ulan at sumisilay na ang sinag ng araw. Umaga na. Nakakarinig ako ng mga huni ng manok at kambing.

Napatingin ako sa tabi ko. Tulad ng inaasahan, wala na si Azrael sa aking tabi. Tanging ang raincoat na lang niya na suot kagabi ang hawak-hawak ko kaya agad ko itong binitawan. Hindi mo mapigilang maisip ang pagkukwentuhan namin kagabi buong magdamag. Ang saya ko lang tuwing kausap siya. Pinagmasdan ko ang aking mga braso't binti na tadtad ng putik, dugo at sugat.

Natutop ko ang madungis kong pisngi. Naluluha ako sa naalala. Ginawa ko ang bagay na iyon kagabi. Nanginginig akong napasandal sa kahoy na katabi ko lamang at nasapo ang noo. Hindi ko sinasadya. Ano bang pumasok sa utak ko?

Muling humuni ang mga manok at sa puntong ito'y otomatiko akong napabalikwas ng tayo dahil may narinig akong pagsigaw. Sumilip ako sa siwang ng butas na plywood at nanlaki ang mga mata. Narito ang may-ari ngayon ng lumang farmhouse at kaharap ngayon ang bangkay ni Riggs malapit sa kanyang mga alagang tupa. Napatakip ako sa bibig habang umaatras. Bago pa niya ako tuluyang makita, dahan-dahan na akong lumabas at nagtatakbo para makatakas.

Kailangan ko nang makauwi. Tama si Azrael. Hinahanap na ako ni Louiela.










"Limang bangkay ng kabataan ang natagpuan sa lumang farm house kaninang umaga. Kinilala ang mga ito bilang mga estudyante ng Belmack University; dalawang lalaki at tatlong babae. Posibleng patungo raw umano ang mga ito nasabing party ngunit nauwi sa karumal-dumal na insidente. Samantala, pinaghahanap pa ng mga otoridad ang posibleng suspek sa kanilang pagkamatay. Na-recover mula sa crime scene ang ilang uri ng patalim at vaseball bat. Manatiling nakatutok sa---"

Agad pinatay ni Louiela ang telebisyon at hinagilap ako ng paningin. Saktong kakalabas ko lang ng banyo at nagtutuyo ng buhok. Si Jinela naman ay dahan-dahan ring napalingon sa direksyon ko. Tiningnan ko sila nang may pagtataka.

"M-may problema ba?"

"Hindi ka umuwi kagabi. Saan ka natulog?" usisa ni Louiela kaya napaiwas ako ng tingin.

"Sleep over sa bahay ng kaklase ko?" Napatango na lamang siya at humigop ng kape. Mabuti na lamang at magaling ako sa pagsisinungaling. Sana naman hindi sila makahalata.

"Were you really at the party last night? I haven't seen you. And your friends were murdered," aniya na namumutla. Dahil sa narinig ay nabitawan ni Louiela ang tasa at nasamid sa iniinom. Umubo-ubo siya. Umupo ako sa tapat nila at hindi maipinta ang mukha.

"We parted ways. Mag-isa akong pumunta sa party. They invited me just to smoke weeds. You know that I won't do that so I went on my own. I never thought they would end up like that," paliwanag ko. Napanganga si Jinela.

"Dorothea, sinasabi ko naman sa 'yo na piliin mo ang magiging kaibigan mo sa Belmack. Tingnan mo ang nangyari sa kanila. Paano kung sumama ka pa hanggang sa farm house na 'yon?" nag-aalalang sermon sa akin ni Louiela pero tinitigan ko lamang siya at napangiti.

"Kung siguro sumama ka pa roon, patay ka na rin siguro. Hindi ka kasi marunong lumaban. Tss," asar na sabi ni Jinela ngunit may halong pag-aalala rin. Napangisi lamang ako at pinalo siya ng kutsara.

"Next time, Dorothea. Choose and make friends wisely. Those five teenagers were brutally murdered by unknown suspect. Ikaw rin Jinela. Ingatan n'yo naman ang mga sarili n'yo. What if something bad happen to the both of you? I can't afford to buy expensive coffins for you to lay in."

"What?!" kapwa namin bulalas ni Jinela pero ni hindi man lang ngumisi si Louiela sa sinabi. Ibig sabihin, seryoso talaga siya.

"But I bet, may nakaalitan ang limang iyon kaya baka ginantinhan sila. Nakakaawa naman." Napaiwas ako ng tingin dahil sa mga sinasabi nila. Pinagmasdan ko na lamang ang mga palad ko na nasa ibabaw ng mesa. Pulos galos ito at may konti pang bahid ng putik sa kuko. Naikuyom ko ito at ibinaba. Mas inayos ko ang aking suot na long sleeves upang takpan ang mga pasa at galos na natamo noong gabing iyon. Nanatili na lamang akong tahimik habang nakikinig sa kwentuhan nila.











Hindi na ako nag-abala pang gumamit ng payong upang ipanangga sa umuulang nyebe ngayong araw. Mas gusto ko nga ito dahil malamig sa pakiramdam. Hindi gaya noong isang gabi na tumama na ang kulog at kidlat sa lupa. Binalot ko ng napakakapal na kasuotan ang aking katawan bilang kontra na rin sa lamig at iwasang ma-expose ang mga sugat ko. Napakahirap magtago ng ekspresyon kapag umaatake ang sakit pero kinakaya naman. Uminom na naman ako ng pain reliever at tingin ko ayos na 'yon. By the way, hindi ako nagsisising ginawa ko sa limang iyon ang nararapat.

Mabulok na sila sa impyerno. Susunod na lang ako kapag oras na.

Mainam mamasyal ngayong araw ng Sabado kaya nagpasya akong lumabas para maglakad-lakad. Napakasarap sa pakiramdam na apakan ang mapipinong yelo. Napapangiti ako sa mga ideyang naglalaro sa aking imahinasyon. Mas masaya siguro kung kasama ko rito si Azrael at magtatakbuhan kami habang sinasalo ang mga nyebe. Hindi ko alam kung kailan ko na naman siya makikita. Lagi na lang hindi sapat ang mga ginagawa kong pagpatay para manatili siya nang matagal sa paningin ko.

"Dorothea!" Ipinikit ko ang mga mata nang marinig ang matinis niyang boses.

"Dorothea, wait!" tawag pa niya sa likuran ko kaya naiinis ko siyang hinarap. Naghintay pa ako ng ilang segundo para makalapit siya. Habol niya ang hininga nang maabutan ako kaya saka lamang ako nagpatuloy sa paglalakad. Kasabay ko na siya.

"Ngayon lang ulit tayo nagkausap. Kumusta ka na?"

"I'm always okay, Gemarie," mabilis kong tugon para hindi na niya ako kulitin pa.

Narinig ko siyang humalakhak. Ngumiti lamang ako. She's Gemarie Aregalado. One of my classmates in Belmack University. Kung ang iba, lagi akong binubully, siya naman iyong makulit na kaklaseng gusto atang maging kaibigan ako. Lagi akong umiiwas sa kanya.

Hindi naman sa ayaw ko siyang maging kaibigan. Ayaw ko lang magtiwala sa ngayon. I always believe that when you trust so much, you would end up alone again. I prefer to be silent and isolated kung ganoon lang rin ang mangyayari.

"How about you?" tanong ko pabalik nang hindi na siya muling nagsalita pa. Kapwa lang kami naglalakad rito sa pathway na puno na ng nyebe patungo sa park.

"Well, I'm okay too. But our Belmack University still mourns for the lost of their five students last night," she answered that made me stop from walking.



***

Dorothea | COMPLETEDDove le storie prendono vita. Scoprilo ora