CHAPTER 14

286 33 2
                                    

CHAPTER 14



"HE'S not a ghost but definitely a soul," sambit ko sa sarili habang nakatunganga lamang rito sa bintana ng kwarto ko at pinagmamasdan ang pag-ulan ng nyebe. Halos takpan na nito ang bintana ko. Dahil moist na rin ang loob nito, isinulat ko ang pangalan niya gamit ang daliri. Napangiti ako nang tipid.

Muli kong hinagilap ang diary ko at doon na lang ipinagpatuloy ang pagsusulat ng pangalan niya. Ilang araw na ring tahimik ang buhay ko dahil hindi siya nagpapakita. Ilang araw pa lang iyon pero pakiramdam ko isang taon na.

Hindi siya nagpapakita dahil wala namang buhay ang nawawala nitong mga nakaraang araw. Alam kong patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga pulis sa pagkamatay ng lima kong kaklase. Hindi pa rin nila matukoy kung sino. Nagpapahinga lang ako. Wala pa kasi akong mahanap na susunod kong bibiktimahin.

Nararamdaman ko ring oras na pumatay muli ako, hindi magtatagal at magpapakita ulit siya sa akin para kolektahin ang kaluluwa ng patay. Napangisi ako. Hindi niya ako pwedeng iwan na lang at lubayan nang basta-basta. He made me like this. He has no right to abandon me in an instant.

Napakislot ako nang may nagbato ng snowball sa bintana ko. Mabuti na lamang at nakasarado ito kaya hindi dumiretso sa loon mismo ng kwarto. Bubuksan ko na sana ang bintana nang maaninaw ko kung sino ang nagbato nito.

It's Gemarie again holding snowballs. Kumaway siya nang makita ako at waring sinasabi na makipagbatuhan ako sa kanya. Hindi ko siya nginitian. Kapag ako ang bumato sa kanya, patay agad siya.

Otomatiko kong tinakpan ang bintana gamit ang kurtina at hindi na lang siya pinansin. Humiga ako sa kama. I know it may hurt her feelings for turning down her offer of a friendship but I know in myself, I don't need her. Azrael is all that I need to see. Iyon lang at masaya na ako.

Sunod-sunod na katok ang nagpabangon sa akin para buksan ang pinto. Dumungaw ako at nakita si Louiela na hindi maipinta ang pagmumukha.

"May mga pulis sa baba. Gusto ka raw makausap," sambit niya dahilan para kumabog ang puso ko.

"Bakit raw?"

"Hindi ko rin alam. Sumunod ka sa baba ngayon rin," aniya at aligagang bumaba ng hagdan. Dali-dali akong nagsuot ng jacket at sumunod sa kanya.

Sinalubong na agad ako ng dalawang pulis bago pa ako tuluyang makaupo sa sofa kaharap nila. Kung hindi ako nagkakamali, sila iyong dalawang pulis na nag-iimbestiga sa pagkamatay ng pusang si Doris. Parang gusto kong ihilamos ang palad sa sariling mukha. Hanggang ngayon ba naman, pinproblema pa nila ang simpleng pagpatay sa pusa?

"Miss Dorothea, may ilang katanungan lamang kami sa 'yo," sambit ng hepe at tumikhim. Walang emosyong sinulyapan ko sina Louiela at Jinela na nakamasid lamang sa amin. Napaiwas sila ng tingin.

"Tungkol saan?" tanong ko. Ang batang pulis na ang sumagot. Ito ata iyong Carl ang pangalan.

"Gusto lang namin kunin ang statement mo tungkol sa pagkamatay ng iyong mga kaklase. If you can remember, those five teenagers who found dead inside the old farmhouse of Belmack," aniya. Nakuyom ko ang aking kamao.

"Are you really sure you'll ask me about them?" nakangisi kong tanong pabalik.

"Yeah. We really need your statement because one of your classmates stated that she saw you vibing with the victims before the incident. Is that true?" Napakunot ang noo ko.

"What? Are you accusing me?"

"Not yet, Dorothea. They just want your statement," sabat ni Louiela kaya mas natawa ako nang hindi oras.

"Not yet, huh? Sa 'yo pa talaga galing?" naiinis kong bulalas.

"Dorothea, just help them to get the justice," ani Jinela na parang hindi na rin natutuwa sa inaasal ko pero wala na akong pakialam.

"Those people don't deserve justice dahil sila naman talaga ang nagpahamak sa sarili nila. They're addicts who smoke weeds, smoke cigarettes. They deserve to die!" sigaw ko dahil sa sobrang inis.

"Dorothea, enough! Ano bang nangyayari sa 'yo?" awat ni Louiela nang mapansin na naghe-hysterical na ako.  Hindi ko sila pinansin.

"I'm sorry chief." Marahas kong sinuklay ang magulo kong buhok gamit ang mga daliri ko saka napangisi. "But you interview the wrong person."

Tumayo na ako at padabog na naglakad pataas muli ng kwarto ko. Matalim na tingin ang ipinukol ko kina Jinela at Louiela pagkuwa'y dire-diretso nang umakyat. Malakas rin ang naging tunog ng pagsarado ko ng pinto.

Napasandal ako at ipinikit ang mga mata. Natutop ko ang aking bibig nang magsimula akong humikbi. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Dapat hindi ako makonsensya.

Napasinghot ako habang sapo ang mukha. Ayoko. Ayokong makulong. Pero nangangati ang mga kamay kong makahawak muli ng patalim para makita si Azrael.

Kailangan ko ulit pumatay. Paano? Ngayong pinag-iinitan na ako ng mga pulis na iyon pati na rin nina Louiela. Sa sobrang pagka-stress, halos ibato ko na lahat ng gamit ko sa dingding at ang ibang bagay pa na mahawakan ko'y hinahampas ko sa pinto.

"Dorothea! Open the door!" Boses iyon ni Louiela. Napaiyak ako.

"Talk to us, please." Si Jinela ang sumunod na nagsalita.

Napatakip ako sa magkabila kong tenga habang umiiyak.

"Leave me alone! Leave me alone!" paulit-ulit kong sigaw pero mas palakas nang palakas ang hampas. Sari-saring boses na ang naririnig ko bukod sa mga sigaw nila. Iba't ibang timbre ng boses. May umiiyak, may nagmamakaawa. Hindi ko na alam.

"Shut up! Azrael, help me!" tili ko at mayamaya'y pati patingin ko naaapektuhan ko na rin. Umiikot, nahihilo ako.

Sinubukan kong tumayo ngunit natutumba ako.

"Dorothea!"



***

Dorothea | COMPLETEDWhere stories live. Discover now