CHAPTER 4

366 42 6
                                    

CHAPTER 4



"WAIT, what happened?!"

"Mom, she's i-in the backyard! She's cold and dead!"

Nadatnan ko silang nagkakagulo. Narinig ko na rin ang iyak ni Jinela. Parehas silang napatitig sa akin nang makababa ako ng hagdan. Kumunot ang noo ko. Magsasalita pa sana ako nang lumapit na agad sa akin si Jinela. Luhaan ito at halatang kakagising pa lamang.

"Dorothea, you need to see this!" Hinatak niya ako palabas ng bahay. Malamig at pang-umagang hangin ang bumungad sa amin pagkalabas pa lamang. Ni hindi na nga ako nakapagsuot ng tsinelas. Nakitakbo na rin lang ako. Mahamog at halos manakit ang talampakan ko kakatakbo papunta sa likod-bahay kasama si Jinela. Naramdaman ko ring nakasunod na sa amin si Louiela.

Napatda ako sa kinatatayuan at iwinakli ang braso ni Jinela na nakahawak sa akin. Luhaan siyang napalingon sa amin ni Louiela. Nanginginig ang kanyang mga labi at hindi na makapagsalita. Maging ako rin ay hindi na makagalaw sa kinatatayuan ko. Itinago ko sa sweater na suot ang nanginginig na mga kamay.

"Our Doris is now dead," iyak niya kaya wala akong nagawa kundi sapilitan siyang lapitan at yakapin bilang pang-aalo. Umiyak siya nang umiyak sa balikat ko habang ako nama'y nakatunghay lamang sa nilalangaw na bangkay ng pusa. Umaalingasaw ang baho at lansa nito dulot ng gilit na ginawa ko sa leeg. Napaiwas ako ng tingin.

"Whoever killed our Doris could be a fucking psychopath. Mom, let's report this to the police. We're not safe too anymore!" Kumabog ang puso ko. Si Louiela naman ay lumapit na sa patay na si Doris habang nagtatakip na ng ilong.

"Call the police hotline," utos ni Louiela sa akin pero hindi ako nagpatinag. Sa halip, tinitigan ko lamang siya habang inaasikaso ang umaalingasaw na niyang alaga.

"Dorothea, I said, call the police hotline! They need to see this!"

"But Louiela, it's just a fucking dead cat," giit ko. Patuloy lamang si Jinela sa pag-iyak na parang walang pakialam sa pinag-uusapan naming dalawa.

"You're just taking it as a simple death of an animal but we both know it's not! Dorothea, Doris was killed and wasn't attacked by any other animal! She was murdered!" Naiiyak na rin si Louiela. Napaiwas muli ako ng tingin.

"Please, huwag na lang kayong magtalo. Ako na ang tatawag sa police," ani Jinela at suminghot-singhot. Pinahiran na rin niya ang kanyang mga luha. Akma na sana siyang tatalikod ngunit natigil sa tapat ko at nagsalita.

"I know you don't like animals like cats and dogs. I understand you, Dorothea. But for Doris, please, just let us mourn. Please?" Tinitigan niya ako sa mga mata. Kumirot ang puso ko at ngumiti nang tipid. Hindi ko na napigilan at hinawakan ko na ang kanyang kabilang kamay.

"Let's go, call the police," sagot ko dahilan para lumapad ang ngiti niya. Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga ni Louiela habang kinikilatis ang pagkamatay ng pusa.

"Let's go." Muli akong hinatak ni Jinela papasok ng bahay para ma-contact ang police samantalang naiwan sa likod si Louiela dahil binabantayan ang pusa. Labag man sa kalooban ko, kailangan kong makipag-plastikan.











"Who could be the suspect for killing this poor little cat?" nakapamewang na tanong ng matabang pulis habang nakatitig sa patay na pusa. Napapangiwi na lamang ako dahil kanina pa ito nilalangaw at hindi na nakakatuwa. Nakakasuka kapag maaalala mo sa pagkain.

"Sir, hindi kaya nakipag-away lang sa kapwa niya pusa ang then boom!" opinion naman ng kasama niyang pulis na parang siraulo. Binasa ko ang pangalan niya na nakaburda sa kanyang suot na uniporme.

He's Carl Godwin Sayno. Naiiling na tiningnan siya ng hepe. Mas mataas ata ang katungkulan nitong matabang pulis kaysa sa kanya.

"Puro sablay ang deduction mo. Hindi ka talaga pwede rito sa crime scene," dismayadong sambit ng hepe sa kanya.

"Chief naman! Kaya nga sumama ako sa 'yo para matuto 'di ba?" nakangiwi pang  wika nitong isa. Napa-cross arm na lamang ako. Napansin kong may sinulat ang hepe sa dala niyang notepad.

"Anong oras ho natagpuan ang pusang ito?"

"It's six in the morning. I made sure that I put her inside her cage only to find out that it was open all along. Then I found her here in the backyard, dead." Naging emosyonal si Jinela habang nagsasalita. Nanatili akong tahimik habang pinapakinggan lang ang kanilang pag-uusap.

"Nasaan kayo kagabi?"

"Mahimbing ang tulog namin. Imposibleng kami naman ang gumawa sa kanya niyan. Isipin mo hepe, ha. Itong dalawa kong anak, pagod 'yan dahil galing sa lamay ng kaibigan ni Jinela." Si Louiela ang sumagot. Parang bumagal ang tibok ng puso ko. Ayokong magsalita.

"Kung ganoon, iniisip n'yong may pumasok na masamang loob sa bahay n'yo at itinakas ang pusa para paslangin?" Nagsitanguan silang dalawa maliban sa akin. Mas mabuti nang umakto na parang walang alam kaysa magrunong-runungan. Sa gayon, hindi ako mapagbintangan.

"Hindi kaya iisang tao lang ang sangkot sa pagpatay ng mga hayop rito sa Belmack? Sunod-sunod na kasi ang namamatay na hayop rito, e. Kung hindi lason ang dahilan, minsan naman, sinaksak o hindi kaya ay ginilitan."

Muli kong pinasadahan ng tingin ang pusang may napakahabang gilit sa leeg. Napatakip ako sa ilong dahil sa baho.

"Sige, Ma'am. Pupunta na lang ulit kami rito kapag nakahanap na kami ng lead," paalam ng hepe at itinago sa bulsa niya ang notepad. Hindi nakaligtas sa matalas kong paningin ang baril na nasa bewang niya lamang. Lihim akong napangisi sa hindi malamang dahilan. Mayamaya'y ipinilig ko ang ulo at napaiwas ng tingin.

"Salamat hepe," sambit na lamang ni Louiela at hinatid sila hanggang sa tarangkahan. Nagkatitigan kami ng kasama niyang pulis na ang pangalan ay Carl. Naningkit ang kanyang mga mata at alinlangan akong tinuro.

"Parang pamilyar ka," aniya kaya naituro ko rin ang sarili ko.

"A-Ako?" nauutal kong tanong. Magsasalita pa sana siya nang sapakin na siya ni hepe at kaladkarin paalis.

"Babaero ka talagang bata ka. Sige, mauna na kami."

"Teka lang, chief. Wala naman akong ginagawang---"

"Manahimik ka. Tara na!"

Pinagmasdan na lamang namin ang kotse nila hanggang sa makaalis na palayo. Naiwan kaming tatlo na tahimik at hindi na ulit alam ang gagawin.

"What now, Mom? Doris is now a victim of a heartless killer who kills animal every fucking night." Narinig ko ang pag-iyak muli ni Jinela. Niyakap siya ni Louiela.

"It's okay, honey. We need to accept that she's already gone. Let's just be thankful that we are all safe. I am sure Doris protected us last night."

Napangiti ako at nagsalita.

"So, can we make a decent and proper burial for her? Even for the last time, I guess," mahina kong sambit at napatungo. Nakita ko ang mga ngiti nila na parang sang-ayon sila sa naiisip ko.

"Great idea, Dorothea. In that way, she'll be memorable."

Nakahinga ako nang maluwag at ngumiti muli.



***

Dorothea | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon