Chapter 30

80 4 0
                                    

Iggy's POV

"Putangina ka talaga, Iggy! Bakit may butiki sa bag ko?!"

Mabilis akong umiwas kay Pat nang bulyawan niya ako. Itinaas ko ang dalawang kamay ko, nagpipigil na matawa sa hitsura niyang gulat na gulat at nandidiri. Kumakain pa man din siya ngayon.

"Aba, malay ko sa 'yo! Ba't ako agad sinisisi mo?" umakto akong walang alam. Ang boring kasi ng araw ko kung wala akong naasar sa kanilang dalawa ni Sean. Eh sakto, wala ngayon 'yung mokong na si Sean at kung saang lupalop na naman nagsosolo. Kaya si Pat ang minalas ngayon.

Hindi ko na napigilan ang hagalpak na tawa ko nang makita kong sasabog na siya sa inis. Padabog niyang ipinatong sa desk niya ang mga binili niyang pagkain sa canteen at pinanlisikan ako ng mata. "Yari ka sa 'kin 'pag inabutan kita,"

Tumakbo na ako palayo. 'Yung ibang mga kaklase namin ay nakikitawa lang sa kalokohan ko. Nagpaikot-ikot ako sa room para hindi ako maabutan ni Pat.

"Alisin mo 'yun sa bag ko! Punyeta, napaka-dugyot mo!" napakamot siya sa ulo niya, iritang-irita na. Mas lalo lang akong natatawa kapag nakikita ko siyang ganyan.

"Huwag na, alagaan mo 'yun!" ngumisi ako. "Si Lizardo 'yon! Lizardo Dalisay!"

Sa sinabi kong iyon ay lalo siyang napikon at akmang susugurin na ako kaya tumakbo na ako palabas ng room. Pero nang makalampas na ako sa pintuan, bigla akong nahilo at nagdilim ang paningin nang may mabunggo ako. Pucha, sapul ako sa noo!

"Ano ba 'yan, hindi kasi tumitingin sa dinaraanan, eh!"

Muntik na akong masamid sa sarili kong laway nang may marinig akong boses ng babae. Tinanggal ko ang mga kamay ko sa mata ko para tingnan siya.

Maputi, bilugan ang mukha, mahaba at unat ang buhok. Natawa ako sa kaloob-looban ko nang tinanggal niya ang suot niyang salamin para i-check kung hindi nabasag ang lens. Para siyang batang paiyak na.

Inalis niya ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa mukha niya at isinabit iyon sa likod ng tainga niya. Ni hindi ko na namalayan kung gaano ako katagal na nakatitig kaya nawala sa isip kong tulungan siyang tumayo.

Ang amo ng mukha niya. Maganda ang mga mata niya kaso bakit ang sama ng tingin sa akin?

"Can you stop treating this classroom as a playground? You're not kids anymore. Senior high na kayo, jusko. Next time, act decent at huwag niyo na hintaying ma-guidance kayo."

Woah, galit na galit pa nga. Sumasalungat sa maamo niyang mukha 'yung tono ng boses niya. Parang siya 'yung tipong nakakatuwang asarin kasi mabilis mapikon. Napangisi ako roon.

"Oh, welcome back!" hindi ko na napigilan ang mapang-asar kong ngiti nang bumalik siya sa room namin matapos niyang mag-walk out. Ayaw pa niya maniwalang president ako!

Aba, ganito lang ako pero matino naman ako sa klase 'no! Minsan.

"Good afternoon everyone. I'm the secretary of our university's art club, the Campus Art League. We are currently looking for new club members and we are open to everyone who is interested in art. To whoever wants to join, pwede kayong magpalista sa akin ngayon."

Namangha agad ako habang pinapanood siyang magsalita sa harap. Well-spoken at mukhang matalino. Nilagay ko ang hinlalaki kong daliri sa labi ko at pinigilan ang sarili kong mapangisi.

"Ayan, nakahanap ka na naman ng mga tipo mo," bulong ni Pat na nakaupo sa tabi ko.

Napabalikwas ako ng upo. "Ha? Ayan? Tch, mukhang masungit," umismid na lang ako at umiwas ng tingin.

"Lul, kunwari ka pa. Kilala kita, alam ko 'yung ganyang mga tinginan mo," ngumisi si Pat. "Sige nga, kapag nakuha mo ang FB or number niyan, ako gagawa ng assignment mo sa Gen Chem. Kapag hindi, ikaw ang gagawa ng sa akin. Ano, deal?"

Meet Me at the Crossroad (Artist Series #2)Where stories live. Discover now