Chapter 7

56 6 0
                                    

Nagprisinta si Iggy na ihahatid na raw niya ako pauwi. Ayaw ko sanang pumayag dahil baka mapalayo pa siya mula sa kanila, pero sabi niya doon lang naman daw sa kabilang kanto ang bahay niya. Naglakad na lang kami dahil ayaw ko nang gumastos sa pamasahe. Nakakatakot ding umuwi mag-isa, lalo na't gabi na. After what happened to me earlier, I feel like everywhere is not a safe place.

"Okay lang bang dumaan muna tayo sa bahay saglit? Ibababa ko lang 'tong mga 'to," he said, pertaining to the plastic bags he was carrying.

"Sure," tumango ako.

After a few minutes of walking down the sidewalk, we passed through a narrow path until we reached the front of a bungalow house. It's a small house with a veranda and potted plants in front. Iggy opened the wooden door to let us in. "Pasok ka,"

"Kuya!"

Sinalubong kami ng isang batang lalaki, nagmamadaling lumapit para busisiin ang mga pinamili ni Iggy. The little kid was so excited and his cheeks puff when he smiles. I automatically smiled too. He's so cute!

"Teka lang, hindi ko ibibigay chocolate mo hangga't hindi mo nililigpit 'yan," sabi ni Iggy sa bata at itinuro ang mga nakakalat na mga robot, stuffed toy, mga papel, at pangkulay sa sahig. Ginawa naman ng bata ang sinabi niya at ibinalik na sa box ang mga laruan niya. Sa tingin ko pre-school o kinder 'yong bata, base sa pad paper na nakita ko sa mga gamit niya.

Pinaupo niya muna ako kaya umupo ako sa sofa at nagmasid sa paligid. Simple lang ang bahay nila. Kurtina lang ang naghahati sa pagitan ng sala at kusina. Mayroong dalawang pinto sa kaliwang pader. Iyon siguro ang mga kwarto nila. Maaliwalas ang bahay nila dahil sa liwanag na nanggagaling sa mga bintana... but somehow, this place still seemed so dull. Silence pervaded the air. The walls looked plain. It was lacking in lively photos or displays that make it feel like home.

"Gusto mo ng juice, o tubig na lang?" tanong niya sa akin.

I shook my head. "Huwag na. Hindi naman ako nauuhaw."

"Sige. Sandali lang ah, dadalhin ko lang 'to sa kusina,"

Bumili pala siya ng groceries para sa pamilya niya. Habang abala si Iggy sa kusina, napansin kong nakatingin sa akin 'yong bata kaya nginitian ko siya. Bilog na bilog ang mukha niya at maliit ang mga mata niya. Lalo pa itong sumingkit noong ngumiti siya pabalik. He had a resemblance to Iggy somehow, with his small and bright eyes, fair skin, and thick eyebrows. He even got his brother's dimples.

He's so adorable that I had to resist my intrusive thought to pinch his cheek. I gave him a small wave instead. "Hello!"

He waved back at me and then looked away. Nahihiya pa siya sa akin. Nakaupo siya sa sahig, nagpapanggap na abala sa pagliligpit ng mga gamit.

"Josh, mag-hi ka kay ate Guia," sambit ni Iggy nang makabalik na sa sala. "Guia, kapatid ko, si Joshua."

"Nag-hi na ako, kuya!" sambit noong bata. Natawa naman ako roon.

Umupo si Iggy sa tabi ko at pinunasan ang pawis sa likod ni Joshua gamit ang bimpo. I was gleefully watching them. I always have a soft spot for kids, maybe because I also wanted a younger sibling whom I can take care of. Kaso hindi na ako nasundan.

"Pinaliguan ka ba ng ate mo? Parang kagabi mo pa 'to suot, ah!" sabi pa ni Iggy sa kapatid.

"Naligo ako mag-isa, kuya!"

"Tapos sinuot mo ulit 'yung damit mo kagabi? Yuck! Magpalit ka nga doon!"

I was smiling the whole time while watching them. They somehow remind me of my two brothers when they were younger. Kuya Gerwin liked to tease Kuya Gio too.

Meet Me at the Crossroad (Artist Series #2)Where stories live. Discover now