Chapter 24

49 5 0
                                    

I decided to pay a visit to Sean bago ako pumasok sa school. Nagbabaka-sakali akong alam niya kung saan ko pwedeng makita si Iggy ngayon. Iggy won't reply to my messages at hindi ko naman alam ang bagong address niya. He's been ignoring me for days. Again. After I found out that he dropped out and his father was shot dead, hindi na kami nakakapag-usap.

Pagdating ko sa hospital room ni Sean, nadatnan ko si Clary, mukhang kararating lang din dahil nakasukbit pa ang bag niya. Nagulat pa sila sa pagsulpot ko dahil hindi nila inaasahang dadalaw ako ngayong oras. Kadalasan kasi, dumadaan talaga si Clary dito bago pumasok.

"Hey, guys! Pasensya na sa abala. Alam niyo ba kung nasaan si Iggy?" I asked.

Nagsalubong ang kilay ni Clary at lumingon sa akin. "Hindi ba... napatay ang tatay niya?"

Umawang ang mga labi ko. "Alam mo rin?"

Na-estatwa siya at napatitig sa akin. "Oo... 'Di ba... 'yung balita,"

I sat on the couch and exhaled a despondent sigh, feeling worried. Pakiramdam ko ay drain na drain na ako. Paano pa kaya si Iggy? This is just too much to handle. Sobrang daming pinagdaraanan ng pamilya niya.

"Kumusta na kaya siya?" Clary sighed. Bakas din sa mukha niya ang pag-aalala. "Ilang araw na rin siyang hindi pumapasok, 'no?"

I sighed heavily again and massaged the bridge of my nose. "Clary... Hindi na siya pumapasok noong nagsimula ang 2nd sem."

Kapwa napatingin ang dalawa sa akin, kunot ang noo, nagulat sa sinabi ko.

"Ha? Bakit?" naguguluhang tanong ni Clary.

Tiningnan ako ni Sean, nag-aabang rin sa sagot ko. Bumuntong-hininga ako at tumitig na lang sa sahig. "Nag-drop out siya."

"Drop out? Titigil na siya? Totoo ba 'yun, Sean?"

Sean looked away and nodded silently. Mukhang hindi niya rin inaasahang alam ko na ngayon ang totoo. Alam ko namang sikreto lang ito nilang tatlo nina Pat.

Clary's face was filled with confusion. "Ibig sabihin, hindi na siya mag-pro-proceed sa Grade 12 next year?"

Hindi na ako umimik at tumingin na lang sa malayo. Ang bigat sa dibdib ng lahat ng nangyayari ngayon.

"Teka, b-bakit hindi ko alam?" maingat na tanong ulit ni Clary.

"Hindi ko rin naman alam no'ng una," I said. "Sinabi lang sa akin ng kaklase nila."

Napatingin kaming dalawa kay Sean. Nagpakawala lang siya ng malalim na buntong-hininga at umiwas ng tingin. Alam kong hindi niya rin naman ginusto ang naging desisyon ng kaibigan niya. "Tinago niya sa inyo ang totoo kasi ayaw niya raw na mag-alala kayo... especially you, Guia."

"Iyon naman ang palagi niyang sinasabi," I shook my head. "Iniisip niya kasi na makakadagdag siya sa problema natin kapag nag-aalala tayo sa kanya, kaya sinasarili niya ang lahat."

Nabalot kami ng sandaling katahimikan. I swallowed the lump on my throat and looked away. Ang bigat sa dibdib.

"Hindi siya nag-o-open up sa amin ni Pat," Sean confessed. "Guia, alam kong sa mga panahong ganito... sa 'yo lang niya kayang makipag-usap. He needs you."

Parang napantig ang puso ko sa sinabi ni Sean. Natigilan ako at napatingin sa kanya. "Nasaan ba siya?"

"He was here awhile ago. Sorry siya nang sorry sa akin dahil wala na raw siyang ibang malapitan..."

Meet Me at the Crossroad (Artist Series #2)Where stories live. Discover now