Chapter 11

38 5 0
                                    

"Clary! Nakabalik ka na!"

Sinalubong ko ng mahigpit na yakap si Clary nang makitang pumasok na ulit siya sa school. Hindi ko maitago ang excitement ko nang makita ko siya. I missed her and I was really worried.

"Kumusta? Na-miss mo ba ako? Are you feeling better now?" sunod-sunod na tanong ko at umupo na kami. Our class is about to start kaya inihanda na namin ang mga sarili namin.

"Oo,"

"Alin doon ang oo? Kung na-miss mo ako o kung magaan na ang pakiramdam mo?"

"Pareho," she chuckled. "Thank you, Guia."

"Aww, na-miss din kita! Kiligin ka, please!" bumungisngis ako. "Review tayo together, ah! Next week na ang final exams eh. Saan mo gusto, sa library o cafeteria? Kaso bawal nga pala magdala ng drinks sa library! Doon na lang kaya tayo sa bahay namin? Alam mo, sigurado akong gusto ka na ulit makita ni Mommy!"

"Ayan ka na naman sa bibig mong walang preno," natawa siya at umiling-iling.

I chuckled heartily. I'm happy to see her smiling again. I can't help but to feel giddy because she's finally back on her feet after quite some time.

"Girl, marami-rami ka palang kailangang habulin. Basahin mo 'yung sinend kong powerpoint sa 'yo, ah. Nakakaloka ang exam sa Philo, ang sakit sa brain kaya paghandaan mo na! Sabihan mo lang ako kapag gusto mong picture-an 'yung notes ko ah," I reminded her.

"Oh sige. Thank you, Guia. Alam mo kung 'di dahil sa 'yo, baka ibinagsak na ako ng mga prof natin."

"Wala iyon, ano ka ba," I smiled at her. Dumating na ang professor namin kaya natigil ang pag-uusap namin ang tumahimik ang buong klase.

"May kailangan pala akong sabihin sa 'yo," bulong niya kaya napalingon ulit ako sa kanya.

"Ano?"

"Mamaya na," aniya at itinuon ang atensyon sa professor namin na nagsimula na ng kanyang discussion. Nakinig na rin ako at hinintay na lang ang uwian.

"What?! You're quitting CAL?!"

Clary slowly nodded, looking so despondent.

"B-bakit? May exhibit pa tayong gagawin. Sayang naman," I said. Naalala kong may trabaho pa nga pala ako sa club. May gagawin pa kaming art exhibit sa multi-purpose hall. Hindi pa pala natatapos ang pagod ko!

"Eh ikaw na rin ang nagsabi, marami akong kailangang habuling requirements. Hindi ko alam kung mapagsasabay ko pa iyon at saka 'yong club."

I sighed heavily. I understand her situation though. Nakakalungkot lang kasi sayang ang membership niya. Ang lungkot isiping may mawawala sa Campus Art League family. But if that's her decision, wala akong magagawa. It's for her own good naman.

"Can I ask you one favor?" sabi niya bigla. Kumunot ang noo ko habang naghihintay ng susunod niyang sasabihin.

"Magpapatulong sana ako magbenta ng art materials ko. Hindi ko na rin naman nagagamit. Sayang, nakatambak lang sa bahay, eh."

Pumayag ako kaya sasabihan na lang daw niya ako kung kailan niya dadalhin sa school ang art materials niya. Nagmamadali akong nagligpit ng mga gamit ko dahil may meeting sa CAL ngayon. Pag-uusapan namin ang gagawin naming exhibit. Kailangan pa naming magpasa ng artwork na i-di-display doon. Nakaka-stress naman, sumabay pa talaga sa final exams!

"Una na ako, girl, may meeting pa ako sa CAL," paalam ko kay Clary at isinukbit na ang bag ko.

"Ingat ka," aniya.

Meet Me at the Crossroad (Artist Series #2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat