CHAPTER 14

17.8K 708 102
                                    

LORRAINE

"Sorry to wake up you students, but nandito na tayo. Pakigising nalang sa mga katabi niyo."

Naalimpungatan naman ako mula sa pagkakatulog ng marinig ko sa adviser namin na nandito na daw kami. Kinusot-kusot ko naman ang mata ko bago magpasyang lumingon sa katabi kong kakagising lang rin.

"Ate nagugutom na ako." Dinampot ko naman ang bag kong nahulog sa may paanan bago kinuha si Lennie kay Miss Astrid. Tumango naman siya sa akin na okay lang kaya kinuha ko naman agad ang kapatid ko at kinarga ito palabas matapos ko makuha ang bag ko.

"Sige mamaya okay?" Tumango naman ito kaagad at sumandal sa balikat ko.

Inaantok pa siguro ang paslit.

"HOY ULAN!"

Napahinto naman ako sa paglalakad ng makita kong patakbong papunta sa gawi ko si Nicole, kasama si Jamie, at Annicka na parang inaantok pa.

"Wew! Akala ko iniwan mo na kami eh." Kunot noo ko naman silang tinignan habang si Lennie naman ay parang nagising sa ingay nila.

"Teka--akala ko ba nakababa na kayo?" Nagkatinginan naman silang tatlo at sabay na nagkibit balikat na ikinataka ko.

"Hmm, let's go." Sabay naman kaming naglakad papunta sa mga kaklase namin na naka linya na by section. Ibinaba ko naman si Lennie mula sa pagkarga at hinawakan ang kamay niya sabay lakad papunta sa may section namin sa may bandang dulo.

"Okay class! Since nandito na ang lahat ay may kaunting sasabihin lang ako para naman may alam kayo sa mga pasikot-sikot dito." Kinalabit naman ako ng kapatid ko at nakita ko itong parang nagpapakarga.

"Ate ang ginaw huhu." Hinawakan ko naman ang mukha niya bago sana kakargahin ng biglang may nagsalita sa likod ko.

"Omg, is she your sister?" Napalingon naman ako kay Miss Athena nang mapansin kong ito pala ang nagsasalita. Alanganin ko naman siyang nginitian bago sumagot.

"A-ahh oo hehe."Kamot ulo kong sambit. Ngumiti naman siya bago nginitian ang kapatid ko.

"Hello baby girl, how are you?" Nagtaka naman ako ng magtago sa likod ang paslit dahilan para mawala ang kaninang ngiti sa mukha ni Miss Athena.

Tinignan ko naman ang bata sa likod bago ito pandilatan sa mata.

"Lennie bakit ka nagtatago diyan? Kinausap ka ni Miss Athena huwag kang bastos." Suway ko sa kanya sabay pinandilatan ito ng mata.

"Ehh, Ate sabi kasi sa akin ni Ate Jamie na don't talk to strangers daw lalo na sa kanya." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya sabay turo sa kay Miss Athena habang si Jamie naman ay parang natatawa kasama ni Nicole while si Annicka naman ay bahagyang napaawang ang labi sa narinig.

Napansin ko naman na parang nanliit ang mata ni Miss Athena sabay tayo at harap sa dalawang nagtatawanan, i mean, kay Jamie pala habang diretso lang ang tingin.

"Having fun?!"

A cold voice echoed in the whole area. Dahilan para matigil ang iba sa ingay na kanina pa habang yung dalawa naman na tumatawa ay parang mga asong naging maamong tupa sabay tungo sa ulo nila.

Nang makarecover si Jamie sa pagtawa ay bigla naman itong sumeryoso at walang emosyon na sinalubong ang nagbabagang tingin sa kanya ni Miss Athena.

"Bakit Ms. Mondragon?Gusto mo bang maki join?!" Napa woah naman ang mga tao at ngayon ko lang rin napansin na pinapalibutan na pala kami ng mga schoolmates namin habang yung iba ay nag-vivideo pa.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now