CHAPTER 52

17.6K 490 49
                                    

LORRAINE

I woke up from my peaceful sleep when someone hugged me from behind. Nagtaka naman ako na kung sino ito. Iminulat ko naman ang aking mata mula sa pagkakapikit at agad na nilingon ang orasan. Nakita ko naman na hindi pamilyar sa akin ang aking kwarto.

Sa pagkakaalam ko kasi ay kulay green ang interior ng kwarto ko, pero bakit naman yata naging white bigla?

"Hmm, baby, it's still early. Let's sleep, pa."

What the fudge? Sino yun? May multo ba?

Para nalaman, ang aking kyuryosidad ay dahan-dahan naman akong gumalaw upang makita ko ng malinaw ang taong nagsalita na napaka pamilyar sa akin lalo na ang amoy nito na naunuot sa ilong ko. I looked at the culp, and darn!

No other than Astrid Monteverde, at doon ko lang naalala na nagpunta pala ako kahapon sa kanila para itanong sa Mommy niya kung nasaan siya at iyon nga nung sinabi niyang nasa Paris ito ay agad ko naman siyang sinundan.

Siyempre para sa taong mahal ko gagawin ko ang lahat noh hmpf. Hinding-hindi ko na talaga hahayaan na mawala pa siya sa akin o magkalayo kami ulit. Never na at tsaka isa pa marami na kaming pinagdadaanan ng baby ko noh hihi.

Imbes na bumangon ay pinagmasdan ko naman muna ang kanyang mala anghel na mukha, pero paggising ay parang dragon. Inilapit ko naman ang mukha ko sa kanya at tinignan itong mabuti kung may pimples ba o pangit sa kanyang anggulo, pero kahit anong hanap ko ay wala talaga.

Hindi ba siya nalagyan ng poverty man lang sa mukha?

Ang ganda niya parin kasi samantalang ako kailangan pang gumamit ng mga kung anong products para lang maging maganda. Sa naisip ko ay hindi ko namang maiwasan na hindi mapasimangot.

Hmpf! Ang unfair lang.

"Staring is rude."

Nagulat naman ako ng magsalita siya, at ilang sandali pa ay iminulat niya ang kanyang mga magagandang mata. She smiled at me at agad na hinalikan ang labi ko dahilan para manlaki ang aking mga mata.

"Good morning, baby." Napatakip naman ako sa aking bibig bago sumagot.

"Morning." Nagtataka niya naman akong tinignan na parang naging anim ang ulo ko. I looked away, and I immediately stood up from the bed.

"Where are you going?" I suddenly stop walking and look at her. Na hanggang ngayon ay nakahiga parin sa kama. Napansin ko naman ang suot niyang sobrang ikli na ikinalaki nang mata ko, pero di nalang ako nagpahalata bago umiwas ng tingin at sumagot.

"M-maghihilamos lang." Napabuntong hininga naman ito at mukhang nakahinga ng maluwag.

"Oh, okay. Balik ka agad." Kahit nagtataka ay sumunod nalang ako at agad na pumasok sa banyo.

Pagpasok ko sa loob ay napanganga naman ako sa ganda nito isama mo pa yung mga iba't-ibang klaseng sabon pati shampoo at napakalaking bathtub sa loob. Tinignan ko naman ang sarili ko sa salamin at bahagyang napangiwi ng makita ko ang itsura kong magulo pati mata kong sobrang mugto na parang kinagat ng langgam.

Ikaw ba naman umiyak ng umiyak kagabi tignan ko lang kung hindi mamaga ang mata mo tsk.

Nagsimula naman akong nag hilamos at agad ring nag toothbrush pagkatapos ko makausap ang sarili ko sa salamin.

Tok!

Tok!

"By? Matagal ka pa ba diyan?"

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya "S-sandali lang." Ewan ko ba pero hindi ko maiwasang di mataranta sa arghh—I don't know kung ano ang feeling na'to huhu.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz