SPECIAL CHAPTER I

18K 453 33
                                    

LORRAINE

"Nerdyyyyyyyyyy!"

Napalundag naman ako sa gulat mula dito sa kusina ng marinig ko ang malakas na boses na yun na dumadagundong dito sa loob ng bahay. Dali-dali ko namang iniwan ang ginagawa ko at umakyat papunta sa kwarto.

Ewan ko pero hindi ko maiwasang di kabahan o napapraning lang ako? Argh! I hate myself for feeling like this.

"B-bakit?May nangyari ba?Anong masakit?Okay ka lang ba?" Taranta kong tanong sa kanya nang makarating dito sa aming kwarto. Nagtataka naman itong nakatingin sa akin at biglang nagsalubong ang kilay.

"What's wrong with you? Wala namang nangyari sa akin at kaya kita tinawag para sabihin ko sa'yo na sunduin mo na ang anak mo!" Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya at biglang napatingin sa orasan na ikinalaki ng mata ko.

"Shoot!Oo nga pala wait-magbibihis muna ako!" I didn't wait for her to answer at mabilis na lumipad papuntang banyo para magbihis. Nakalimutan ko tuloy na uwian na pala ng anak ko ngayon kung saan kami nag-aaral ng asawa ko.

Agad naman akong lumabas ng banyo pagkatapos magbihis at kinuha ang susi ng kotse sa bedside table katabi sa aming kama.

"I'll go ahead na wife." Sabi ko sa asawa ko na nakatingin lang sa akin ngayon.

Tinignan ko naman siya at bigla nalang napanguso nang makita ko si Jerzayne Aldrich na dumedede sa kanya na pangalawang anak namin.

By the way, meet our babies, their name is Jazmine Adeline na anim na taong gulang na ngayon habang yung lalaki naman is si Jerzayne Aldrich ay 3 months old palang. Laking pasalamat namin na ang panaganay naming anak is babae na gustong-gusto nitong asawa ko. Dati niya pa kasi hinihiling na sana babae daw ang magiging unang anak niya para daw if may kapatid siyang bunso na lalaki ay didisiplinahin niya ito.

Well, kabaliktaran naman sa gusto ko pero para sa ikasasaya ng asawa ko ay hinayaan ko nalang, total sa aming dalawa ay siya naman ang umire o nanganak so sino ako para magreklamo diba?

"What's with the face?"

Napalingon naman ako sa kanya ng magsalita ito at umiwas nalang nang tingin. Baka mahalata niya kasi na nagseselos ako sa anak namin lalo na't siya ang palaging pinapadede habang ako naman ay nevermind- hmpf!

"Wala. Una na ako." Sagot ko nalang at hinalikan ang noo niya pati narin kay baby na nakatulog na ngayon sa tabi ng mommy niya. Ang cute lang.

"Take care, and no toys for Jazmine." Tumango-tango naman ako sa kanya bago sumaludo at agad na lumabas.

Magagalit kasi siya pag inispoil ko ang anak namin. Nung isang araw nga nalaman niya na nagpunta kami ng mall nitong panganay ko at ayon sandamakmak na laruan ang pinabili sa akin ng anak namin at ako naman na sobrang masunurin na ina ay siyempre sinunod ko ang kagustuhan niya.

Mahirap na at baka magtampo pa. Mahirap pa naman patahanin ang batang yun lalo na pag-umiiyak.

Sa malalim na pag-iisip ko ay hindi ko man lang namalayan na nakarating na pala ako dito sa BHU parking lot. Inihinto ko naman ang kotse ko at agad na nag park katabi nitong kotse na kulay grey at parang kilala ko na kung kanino ito.

"Raine!"

Nakangiting lumingon naman ako sa tumawag at nabungaran ko ang babaeng ilang buwan ko nang hindi nakikita. Galing kasi silang USA California para mag bakasyon kasama ang buong pamilya nila ni Athena. Kakauwi nga lang nila nitong linggo since nagpaiwan sila dun at nauna na ang mga magulang nilang umuwi dito. Tumakbo naman ito papalapit sa akin at agad akong dinamba ng yakap.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now