CHAPTER 25

17.7K 563 114
                                    

LORRAINE

Napasimangot akong nakaopo dito sa aking upoan sa loob ng classroom habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko pinansin ang mga kaklase kong kanina pa maingay at nagsisigawan sa diko malamang dahilan.

Nakakainis lang kasi na hanggang ngayon ay wala parin akong naisip kung paano ko liligawan si madam. Alam niyo naman na babae rin ako diba? Tsaka isa pa first time ko'to sa tanang buhay ko mga dzae kaloka. Ang arte pa naman nang babaeng yun huhu.

Baka may tips kayo diyan mga dzae kung paano? Patulong naman, oh hmpf!

"Good morning, baby."

Nanigas naman ako ng wala sa oras ng may naramdaman ako na malambot na bagay ang dumapo sa kanang pisngi ko dahilan para mapalingon ako dito. Napalingon-lingon naman ako sa paligid kung sakaling may nakakita, at napahinga naman ako ng maluwag bago tinignan ang salarin na nakangiti lang sa akin ngayon.

Jusko ito na naman ang puso ko at tumitibok na naman. Teka nga lang bakit ang aga niya yata? Saad ko sa isip ko.

"Sinadya ko talaga maging maaga para ikaw agad ang makita ko."? Mind reader ba siya? "Nope, halata kasi sa mukha mo baby." Napalaki naman ang mata ko sa mga sinabi niya at hindi maiwasang mamangha.

Wow! Sana all lahat marunong bumasa ng isip hihihi. Galing naman ng mangkukulam na'to ang sarap isabit sa trophy lololol.

"Hey, are you okay? Bakit hindi ka nagsasalita at ngumingiti lang na parang tanga diyan?!" Galit? Pero teka nga ano bang sinasabi niya? Napakurap-kurap naman ako ng walang pagdadalawang isip na tumayo siya at inirapan ako bago lumabas.

"I hate you!" And with that, ay agad na siyang nagmartsa palabas at hindi ko alam kung saan siya pupunta. Parang nakonsensya naman ako bigla sa ginawa ko.

Ano ba kasi ang nangyari sa'yo Raine at natulala ka? Sermon ko sa aking isip.

Huminga naman ako ng malalim at umayos ng opo. Hindi ko nalang siguro siya susundan para malamigan ang ulo niya. Baka mag-away lang kami kahit wala pa namang 'kami' hmpf.

Di bale. Magsosorry nalang ako mamaya sa mangkukulam na yun.

"Raine!"

Napalingon naman ako sa sumigaw at nakita ko si Jamie na kasama ni Athena habang magkahawak ang kamay. Ngumiti naman ako sa kanya ng mapang-asar at tinignan ang kamay nilang magkahawak. Napatawa naman ako ng bitawan niya ito ng wala sa oras na parang napapaso dahilan para samaan siya nang tingin ng isa.

Well, nagkaayos na kasi silang dalawa kahapon nung simabihan namin si Jamie na pakinggan ang side ni Athena. Buti nga at nakinig eh. Mukhang nasa ligawan stage rin yata ang status nila. Yun ang sabi sa amin ni Jamie.

"H-hehe punta ka na sa upoan mo bab-este Athena pala." Nauutal niyang sabi. Inirapan naman niya si Jamie bago siya sinagot.

"Athena, huh? Tss mamaya ka sa akin." Napansin ko naman na parang namutla si Jamie at hahabulin na sana si Athena ng bigla nalang itong lumabas kagaya kaninang ginawa ni mangkukulam.

Magkaibigan talaga sila hmpf. Walk out, queen, eh?

Bagsak ang balikat na pumunta naman si Jamie dito sa harap ko at tsaka umopo sa upoan niya. "Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya bago malamya na ngumiti.

"Oo naman. Ikaw? Kamusta ang panliligaw mo?" Pang-aasar niya na ikinabusangot ko. Sinabi ko na kasi sa kanila kahapon na ayon nga masaya sila para sa akin at inasar nila ako tsaka isa pa sa wakas daw ay hindi na ako in denial.

Hello? Ano ba namang in denial dun? Di ba pwedeng confuse lang ako? Hmpf!

"Yun nga ang problema ko ngayon, eh hehe." Kamot sa batok kong sabi sa kanya. Kunot noo naman niya akong tinignan bago sumagot.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now