CHAPTER 17

18.3K 712 227
                                    

LORRAINE

"WE NEED TO TALK NERDY!!!"

Saad ng isang boses na ilang araw ko ng hindi narinig pa sa kadahilanang iniwasan ko na siya. Napayuko nalang ako sa klase ng tingin niya.

Huhu bakit kasi hindi ako agad nakatakbo amp kakainis naman.

Pero bakit niya ba ako gustong makausap? Ako na nga ang umiiwas tapos ngayon naman hays. Umangat naman ang tingin ko sa kanya dahilan para magsalubong ang tingin naming dalawa.

"A-ano bakit gusto mo akong makausap po?" Napalunok naman ako ng wala sa oras sa klase ng tingin niya. Napahawak naman ako sa bibig ko nang maalala kong hate niya palang pinopo siya.

Hala, sorry, naman.

"Astrid pala." Dugtong ko pa dahilan mapairap siya.

Hmpf ang hilig niya talagang mag ganyan. Attitude ka, girl?

"First, I want to ask you this personally. Are you avoiding me?" Hah? Huwag niya sabihing nahalata niya?

Gaga ka Raine magtanong ba yan pag hindi? Saad ko sa aking isip. Pero teka bakit naman siya nagtanong nang ganyan? Ano naman kung iniiwasan ko siya?

"A-avoiding? Yan ba yung umiiwas ba?" Parang tanga kong tanong sa kanya. Sumama naman ang mukha niyang maganda.

Grabehan na'to. Galit na nga sa akin yung tao tapos may gana pa akong pumuri huhu ayusin mo buhay mo Raine baka ipalapa ka ng babaeng yan sa buwaya. Saad ko pa sa isipan ko.

"Seriously?! Are you, argh, nevermind, so bakit mo ako iniiwasan?!" Eh?Galit?

"Bakit mo naman po na sabi po yan?" Ito na naman ang bibig ko. Hindi ko lang talaga maiwasang gumalang pasensya naman.

"Because you're so fucking obvious, damn it!!!" Nagulat naman ako sa biglaang pagsigaw niya at pagmumura na mukhang ikinagulat niya rin.

Teka ano ba kasi ang nangyari sa kanya? Bakit siya nagkakaganyan? Kasi ako mismo naguguluhan na sa kanya eh. In the first place, naman kasi diba hindi kami close lalo na magkaibigan tapos ngayon kung maka react siya parang close kami? Aba hindi yata tama yun.

Hala sige Raine kausapin mo pa sarili mo habang yung kausap mo naman ay parang mababaliw na.

Napaangat naman ang tingin ko dito mula sa pagkakayuko at nakita ko naman itong parang maiiyak na sa hindi malamang dahilan. Pansin ko kasing kinagat niya ang lower lip niya para siguro pigilan ang mapahikbi na ikinagulat ko. Kaya kahit nanginginig ako sa takot ay dahan-dahan naman akong lumapit sa kanyang kinauupoan. Mula sa malayo ang tingin ay lumingon naman siya sa akin gamit ang almost teary-eyed niyang mata.

Wow, ngayon ko lang siya nakita ng ganito kalapitan lalo na't first time ko siyang nakitang halos umiyak mga dzae dahil sa akin, hehe siyempre sa inis ba.

Gaga ka talaga Raine pinuri mo pa talaga eh umiiyak na nga yang tao!

Lumuhod naman ako sa harap niya na parang nagpopropose, at kahit nanginginig ay hinawakan ko naman ang malambot niyang mukha na ikinagulat niya lalo na ako.

Ito na naman. Naramdaman ko na naman ang kuryente ng meralco na kumokonekta sa kanya.

"W-what are you doing?!" Nagtataka niyang tanong. Ngumiti naman ako sa kanya na halos kita na ang dilaw kong ngipin.

"You're crying." Saad ko sa malamyos na boses at pinahid ang luha niyang pumatak sa kanyang pisngi.

Suddenly, I felt pang in my chest, nang makita ko siyang umiiyak, and I wanted to slap myself for making her cry. Iniwas naman niya ang mukha niya bago nagsalita.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now