CHAPTER 21

17.4K 593 63
                                    

LORRAINE

"Ano bang ginagawa natin dito?"

"Ewan ko sa isa diyan ang daming pakulo!"

"Aba huy ikaw, kaya nakaisip nito."

"Ako pa talaga? Bakit kasama ba sa sinabi ko ang talian mo si Raine na parang baboy ha?!"

"Ehh, ikaw nagsabi niyan kahapon noh hmp!"

"Gaga ka hindi ko sinabi yun tch! Siraulo talaga psh!"

At ayon nga nag-aaway nanaman silang dalawa na parang mga bata habang ako ito at pilit tinatanggal ang mga tali na ang higpit na kinapit nila sa kamay at paa ko. Hindi ko alam kung paano ako nakapasok sa isang sitwasyon na ganito, pero isa lang ang natatandaan ko.

Naglalakad ako kanina papuntang canteen at nagbalak na may bibilihan sana at ito na nga po nabigla nalang ako na pagdating ko sa classroom banda na walang tao ay biglang may nanghila sa akin kung saan ako hinila ni Miss Astrid noon.

Tanda niyo ba yun? Nung dinala niya rin ako sa tambayan nila.

At ayon nabigla nalang ako ng hinila nila ako at tinakpan ang mata ko, then here I am almost suffering sa may garden kung saan wala masyadong estudyante na tumatambay. At nag effort pa talaga ang mga gaga. May upoan pa nga at miryenda pa. Hanep diba? Hmpf!

Diba nila alam na kidnapping ang ginagawa nila?!

"Ano ba kayo pakawalan niyo nga ako dito! Para kayong mga sira may patali-tali pa."

Reklamo ko sa kanila. Nagkatinginan naman sila na parang nag-uusap gamit ang mga mata saka tumingin sa akin."Hindi pwede Ulan." Kunot noo ko namang tinignan si Nicole sa biglaang pag seryoso nito.

"Sorry Raine, pero hindi pwede." Pati ba naman ikaw Jamie? Tinignan ko naman si Annicka na tahimik lang sa gilid sabay kibit balikat.

Teka nga kanina ko pa talaga napapansin sa mga ito na parang may gusto silang sabihin eh. Diko lang alam kung ano. Tinignan ko naman sila ng seryoso isa-isa bago muling nagsalita.

"May gusto ba kayong sabihin sa akin kaya niyo ako dinala dito?" Tanong ko sa seryoso na talaga at sa ikalawang pagkakataon ay nagkatinginan na naman sila.

Ano ba talaga? Bakit sila ganyan? May hindi ba ako alam? Mga tanong ko sa isip ko. Humarap naman sa akin si Nicole nang nakangisi na animo'y may binabalak pero guys, ang creepy niya po pag naka ganun siya huh ano ba ang nangyayari sa kanila?

May sapi ba ang mga babaeng to?! Jusko lang.

"Pfft takot ka sakin Ulan? Huwag kang mag-alala dahil magtatanong lang naman kami MWAHAHAHAAHAHA!" At tumawa po siya na parang mangkukulam na ikinalaki nang mata ko. Ilang sandali pa ay natigil naman siya sa pagtawa ng batuhin siya ni Jamie nang pompoms! Ehh? Sa'n naman niya galing yun?

"Ang ingay mo para kang baliw tss." Sumimangot naman si Nicole at agad na tumikhim dahilan para mapatingin ako sa kanya, pero this time seryoso na siya.

Ang bilis niya po magbago ng mood jusko!

"Ehem ito na seryoso na. Pero bago yun magpakilala muna kami sa'yo ng personal iha."Ano daw?Anong personal? Baliw ba siya? Umirap naman sa kanya si Jamie na seryoso lang na naka cross arms habang nakatingin sa kawalan.

"Ehem, ako nga pala si Detective Morales at yan namang kasama ko na laging seryoso kaya walang jowa- este siya si Detective Francisco at yan namang isa na tahimik lang na medyo kalahi ni Mark ay si Detective Mysterious Girl and we are the lovesick girls tenenenenen!" At nagporma po sila ng kamay at oo sila dahil isinama nila si Jamie sa kalukuhan niya. Mukhang labag pa nga sa loob nung isa jusko.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now