CHAPTER 45

14.5K 487 37
                                    

LORRAINE

"Saan ka pupunta at bakit bihis na bihis ka?"

Pagkababa ko palang ay sinalubong na ako ng mga tanong ni Chelsea, kasama si Alexander at Lennie na nakatingin rin sa akin ngayon.

"May lakad ako ngayon eh, bakit?" Sagot ko pa at dumiretso sa kusina para uminom saglit ng tubig. Inuhaw kasi ako bigla.

"Where? At bakit dala mo ang camera mo?" Inilagay ko naman sa sink ang basong kinuha ko bago siya hinarap. Sinundan pala niya talaga ako dito para lang itanong yan.

"Sa Boracay, may nag rekomenda sa akin na maging photographer doon for three days, kaya tatlong araw akong wala dito." Paliwanag ko pa sa kanya at chineck ang camera ko kung hindi ba lowbat.

Baka kasi lowbat pala to at hindi ko na charge. Mahirap na. Mabuti na yung handa diba?

"Ang layo naman nun, pasama ka nalang kaya kay Alex?" Tinignan ko naman siya nang nakakunot noo sa narinig. Ano ako bata?

"No thanks mag date nalang kayo kaysa isama ko pa ang mokong na yan." Nakatanggap naman ako ng irap sa kanya na ikinatawa ko lang.

"No way! Bahala siya sa buhay niya noh. I'd rather stay here than to date that playboy, psh!" Ismid pa niya at umopo.

"Bigyan mo na kasi ng chance. Ikaw talaga. Nakita mo naman na nagbago na yung tao." Saad ko pa sa kanya.

"Diba may gusto siya sa'yo?Bakit ikaw ang hindi magbigay ng chance sa kanya?Tss. Tsaka isa pa may iba na akong gusto noh!" Napataas naman ang kilay ko sa kanyang sinabi.

Ako lang ba o may himig pagkalungkot ang sinsabi niya? At ano daw? May iba na siyang gusto? Sino naman, kaya?

Si Alex, may gusto sa akin? Tsk. Kung alam niya lang na sa kanya lang yan, nagkagusto simula nung naging magkaibigan kami nang lalaking yan.

Nakilala ko si Alex nung time na nag-papartime job ako sa Spain as a photographer lalo na sa mga models nun kaya ayon naging close kami at nagbo-bonding rin since magkakasundo kami sa ibang bagay katulad nalang ng pagkuha nang litrato na isa rin pala sa hobby niya.

Pinakilala ko naman siya kina Papa nun bilang kaibigan ko at ayon nga ay mukhang na love at first sight siya sa kapatid ko, which is Chelsea, na hanggang ngayon ay masungit at bitter pa rin kay Alexander.

Hindi niya kasi type si Alex sa kadahilanang playboy daw ito at nung time na nahuli niyang may kalantari na iba.

"Luh, paano mo naman nasabi yan?" Sabi ko pa.

"Obvious ba sa tawagan niyo palang?" Oh, I think someone is becoming a jelly today. At isa pa babe lang naman ang tawagan namin at wala yung malisya noh hmpf!

"Ganun lang talaga kami mag tawagan. Don't tell me you're jealous?" Sabi ko at inasar siya. Galit naman itong tumingin sa akin na ikinatawa ko.

Walang epekto sa akin ang pagsusungit niyang yan lalo na ngayong alam ko na ang ugali niyang to.

"Excuse me, but I'm not jealous, duh! Mas magandang pogi pa yung crush ko kesa diyan hmp!" Irap niya pa. So babae ang gusto niya? Kailan pa naging bading to? But nevermind, it's not my business anymore.

"If you say so, sige na lalakad na ako at baka naghintay na sila dun." Sabi ko nalang at lumabas sa kusina. Ramdam ko naman na sumunod siya sa akin papuntang sala.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now