CHAPTER 20

18.9K 707 80
                                    

LORRAINE

"Okay ka lang?" Nag-aalala kong sambit kay madam baby. Bigla kasi siyang huminto sa paglalakad at humawak sa kanyang ulo. Muntik na nga siyang matumba buti nalang nakalapit agad ako.

"Hmm, medyo nahihilo ako nerdy." Utal niyang sambit habang ako naman ay hinawakan lang ang noo at leeg niya at hala ang init niya.

"Tara at iuuwi na muna kita sa inyo para makapag-pahinga ka." Sabi ko sa tonong nag-aalala. Papauwi na kasi kami ngayon tapos ito naisipan niyang sumabay sa akin palabas.

Nauna narin kasi sila Jamie Nicole at Annicka Kanina. Parang nagtaka pa nga ang mga yun kung bakit magkasama kami nitong si madam. Sabi nga sa akin ni Nicole na mag explain daw ako.

Parang tanga, ano naman ang ipapaliwanag ko?

"Ayaw ko wala akong kasama sa bahay." Nanghihina niyang sagot. Nag-alala naman ako at tsaka ayaw ko naman to pauwiin na siya lang mag-isa noh at baka mapano pa siya. Kargo konsensya ko pa.

"Oh sige kung ayaw mo umuwi sa bahay ka nalang, okay ba yun?" Sabi ko nalang at ng makarating kami sa gate ay inalalayan ko naman siya papasok sa kanyang kotse.

Teka wala ba siyang driver?

"Ikaw lang ba nag-dadrive papunta dito?" Tanong ko pa bago siya pinapasok at inalalayan siya sa braso.

"Always." Napabuntong hininga naman ako bago siya pinapasok sa loob ng kotse niya. Agad ko naman itong sinarado at nagpunta sa driver seat.

Tsk. Mabuti nalang talaga at marunong akong magmaneho kahit papano. Tinuroan din, kasi ako nang asawa ni Aling Doray noon.

"Do you know how to drive?"

Napatingin naman ako sa katabi kong nakahawak sa kanyang sentido at pumipikit-pikit pa. Kinuha ko naman ang bag ko at inilabas ang jacket nang mapansin ko na giniginaw rin siya. Nanginginig kasi siya pansin ko. Pinatong ko naman ito sa kanya dahilan para mapamulat siya ng mata habang matamang nakatingin sa akin.

"Yan para hindi kana ginawin pa." Sabi ko at inilagay ito sa katawan niya. She smiled at me bago hinawakan ang kamay ko dahilan para mapatulala ako.

"Thanks, nerdy." Ngumiti naman ako sa kanya, and I kiss her forehead na ikinapikit niya before I start the engine.

Nagmaneho naman ako agad papunta sa bahay at ilang sandali pa ay nakarating naman kami agad makalipas ang kinse minutos. Pinatay ko naman ang kotse at tinignan ang katabi kong mukhang nakatulog na habang nanginginig pa.

"Madam, gising na nandito na tayo." Gising ko sa kanya at niyugyog ang kanyang balikat na sobrang init. Shocks! Inaapoy na siya sa lagnat tsk.

"Hmm.." Umungol naman siya bago nagmulat ng mata. Inilibot niya naman ang kanyang tingin bago ibinalik sa akin, and then she pouted na ikinangiti ko.

Ang cute niya, hahaha.

"Pasok na tayo? Hmm." Pinalambing ko naman ang boses ko bago tinanggal ang seatbelt niya. Napapitlag naman ako ng wala sa oras nang ipinulupot niya ang kanyang kamay sa aking leeg dahilan para maglapit ang mukha naming dalawa.

"Carry me then; I'm so weak to walk." Malamyos niya pang saad habang ako naman ay parang nawawalan na ng hininga sa lapit nang mukha naming dalawa.

What the hell, Raine?! Iatras mo ang ulo mo bago mo siya halikan. Saad ng isang bahagi nang isip ko.

Napapikit naman ako para mapakalma ang sarili bago muling nagmulat ng mata at nagsalita.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now