Chapter 07

166K 7.7K 4.5K
                                    

Chapter 07

"Hey... ayos ka lang?" Umiling ako habang nag-aayos kami ni Serj ng gym. May 30 minutes pa kami bago magsimula iyong training. Lumapit siya sa akin. "Are you sick?"

Napa-hawak ako sa noo ko. "Malinis ba iyong kamay mo?"

"Uh... I have an alcohol," sabi niya tapos ay inilabas niya iyong alcohol niya at inispray iyon sa kamay niya. "Hawakan ko noo mo, okay?" sabi niya at tumango ako. "May lagnat ka. Balik ka na sa kwarto mo—ako na bahala dito."

Tumango na lang ako dahil masama talaga iyong pakiramdam ko. Nahihilo ako. Gusto kong matulog.

Agad akong dumiretso sa kwarto ko at naka-tulog agad ako. Nang magising ako ay nakita ko na mayroong mangkok sa may lamesa. Naka-takip iyon. Mayroon ding 3 piraso ng biogesic. Naupo ako at nagsimulang kumain. Nang matapos ako roon ay ininom ko na iyong gamit.

Namimiss ko si Blue.

Sinubukan kong lumabas para maka-tulong ako kay Serj, pero parang umiikot iyong mundo habang naglalakad ako. Bumalik ako sa kama. Na-bore ako habang naka-titig sa kisame. Sinubukan kong ipagpatuloy iyong character profile ko, pero agad din akong natapos doon. Sinubukan kong gumawa ng outline, pero parang suma-sayaw iyong mga letrang sinu-sulat ko kaya naman mas pinili ko na i-record iyong naiisip ko na eksena—at saka ko na lang isusulat kapag mas maayos na ang pakiramdam ko.

"Kamusta?" tanong ni Serj nang pagbuksan ko siya ng pinto. Naka-tayo lang siya sa labas—sabi ni Papa ay bawal akong magpapasok ng lalaki sa kwarto ko. Kung may papapasukin man ako ay dapat ipakilala ko muna sa kanya.

"Medyo ayos na," sabi ko. "Salamat sa soup."

Kumunot ang noo niya. "Ano'ng soup?"

"Iyong kinain ko?" sabi ko. "Also, next time, please katok ka muna bago pumasok sa kwarto ko."

Napa-awang ang labi niya. "Okay... for the record, hindi ako pumasok sa kwarto mo."

Napa-kurap ako. Sino ang pumasok sa kwarto ko? Kumatok ba siya? Hindi ba ako nakapaglock? Sino siya?

"Karaminah?" Muling napa-tingin ako kay Serj. "Okay ka lang ba? Natulala ka ng ilang segundo."

Umiling ako dahil iniisip ko kung sino ang pumasok sa kwarto ko. Si Coach kaya?

"Anyway... lunch mo," sabi niya at saka inabutan ako ng tray. "Pahinga ka na lang."

"Sorry."

"Okay lang. Pagaling ka."

"Thank you."

"Serj."

"Yeah?"

"Kung hindi ka busy, pwedeng pabasa ng draft ng script ko?" tanong ko sa kanya. Dalawang beses na ako na-reject. Natatakot akong magpasa ulit. Kailangan maging maayos iyong susunod kasi malulungkot talaga ako.

"Yeah, sure," sabi niya. "Meron na ba ngayon? May 30 minutes pa ko bago magstart ulit 'yung training."

Bumalik ako sa kwarto ko at saka inilagay sa lamesa iyong dinala niyang pagkain. Kinuha ko iyong notebook ko at saka iyong cellphone ko. Pumunta kami roon sa parang garden ng rest house. Tahimik doon at maraming puno.

"Please be honest," sabi ko dahil iyong mga rejection na natanggap ko dati ay puro nagsabi lang ng rejected pero walang dahilan kung ano.

Hindi siya sumagot pero naka-tingin lang siya sa character profile ko. "This is too specific."

"Masama ba iyon?"

"No, mas okay," sagot niya. "It means kabisado mo iyong character mo, so mas madali sa 'yo na makita kung paano siya magrereact sa isang scene o paano siya magdedecide."

Eyes On Me, Baby (COMPLETED)Where stories live. Discover now