Chapter 30

160K 8.4K 7.1K
                                    

Chapter 30

I asked Austin Archangel kung bakit nagpalakpakan iyong mga tao, but he said to just ignore them. Pumunta ako para kuhanin iyong mga gamit ko. Serj nodded at me and then grinned.

"What?" I asked.

"Wala," he said. "Na-kwento ni Kaleigh sa 'kin na ang ganda raw ng script mo."

"Natapos niya na?"

"I think so," he replied. "Sabi niya sa 'kin kakausapin ka raw niya, e. 'Di pa ba nagtext sa 'yo?"

Umiling ako. "Alam niya ba 'yung number ko?" I asked.

"Di ko sigurado, pero bigay ko?" tanong ni Serj at umoo ako.

Dumiretso na kami sa shuttle. Naupo ako sa likod katabi si Serj. My phone vibrated habang nasa bulsa siya ng jacket ni Austin Archangel.

'If we win tonight, are you free tomorrow?'

'Matutulog ako bukas.'

'When are you free?'

'Tignan ko iyong timetable ko.'

'Noted. Inform me asap?'

'Okay.'

Hindi na nagreply pa si Austin Archangel. Nakita ko na lumingon siya sa pwesto niya at nagtama ang mga mata namin. He smiled at me. I nodded at him. Natawa si Serj.

"Bakit?" tanong ko sa kanya, pero umiling lang siya.

Pagdating namin sa arena ay mas maraming tao. Hindi ko alam na posible pa pala iyon... Kitang-kita ko iyong mga naka-suot ng kulay maroon na damit at iyong mga naka-suot ng kulay blue. Meron ding naka-suot ng kulay white. Ang ingay ng mga tao. Sana manalo ang SCA ngayon para huli na 'to.

"Baka siya iyong babae sa IG! Tignan mo suot iyong jacket."

Kinuha ni Serj iyong hawak ko na box dahil medyo mabigat iyon. Palit kami at iyong maliit na bag lang ang hawak ko. Pagdating namin sa loob ay nandoon na iyong Brent. Mas nauna sila dahil nagwa-warm-up na sila sa side nila ng court. Napa-tingin si Dominic sa gawi namin at nakita niya ako. Naka-turo siya sa akin kaya naman napa-kunot ang noo ko. He was mouthing something, pero hindi ko maintindihan... O baka naman sinasabi niya na 'penge ng hot pocket?' But that did not make any sense.

Pinatanggal sa akin iyong mga naka-patong sa upuan dahil dumadating na iyong mga politicians at iyong mga sponsor. Nang mapa-tingin ako sa may Patron ay nakita ko si Gisele na nandoon. Ngumiti siya sa akin at kumaway. Ginawa ko rin iyon sa kanya tapos ay tumalikod ako.

Nang matapos ko na lahat ng gagawin ko, naka-tayo lang ako sa isang gilid habang nanonood ng warm-up. The players from both team looked serious. This was a do or die game from Brent—kapag natalo sila ay champion na naman ngayon season ang SCA.

"Hi," sabi ni Austin Archangel nang lumapit siya sa akin.

"Hi," sagot ko at inabutan siya ng Gatorade. "Nandito si Gisele," sabi ko. Napa-tingin si Austin sa likuran ko. Medyo nanlaki ang mga mata niya. Napa-tingin din ako roon. Nandoon pa rin naman si Gisele. She was smiling and waving at us. I did the same again.

"Karaminah Viel," sabi niya. 

"Austin Archangel," sagot ko.

"You see those two people sitting beside Gisele?" tanong niya at tumango ako. "Those are actually my parents."

"Okay," sabi ko sa kanya.

"Uhm... since I'm already courting you, can I introduce you to them later after the game?"

Eyes On Me, Baby (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang