Chapter 14

145K 7.6K 4.4K
                                    

Chapter 14

Naka-kunot ang noo ni Kaleigh habang naka-tingin sa akin. I pursed my lips and forced myself to suck it up dahil ako iyong humi-hingi ng pabor. Hindi ko naman pwedeng sabihin na mabaho siya at amoy na amoy ko iyong sigarilyo sa buhok at damit niya. She's already doing me a favor by not smoking in front of me.

"Are you okay?" she asked.

"Yes," I lied. Sabi ni Ate Gina, hindi mo dapat sinasabi na mabaho ang isang tao. Granted na mabaho sila, hindi mo na dapat pang i-point out because that would be rude. And I really try hard not to be perceived as rude.

"Are you sure?" muling tanong niya. "It's because of the smoke, no?"

"I'm fine," muling sabi ko. Magkausap kasi kami ngayon tungkol sa script ko. Tapos ko na iyon at pinapa-basa ko sa kanya. Marami siyang ginagawa kaya malaking bagay na ito na binigyan niya ako ng oras para basahin iyong script ko.

"Okay," sabi niya. "But my apartment's close to here lang. Gusto mo ba punta tayo 'dun? I'll just take a quick bath and change," dugtong niya. Umiling ako dahil abala pa sa kanya iyon. Alam niya naman kasi na ayoko sa sigarilyo. Nung una kaming nagkita ay nanigarilyo pa siya sa harapan ko. Ngayon ay hindi na, pero hindi ko naman pwedeng sabihin na tigilan niya iyon.

Ongoing iyong shoot ngayon. "Are you sure? Kasi babalik na lang ako rito. May kukunin din naman ako sa apartment."

Dahil sa sinabi niya ay sumama na lang ako sa kanya. Kilala ko na rin naman siya—kung pagbabasehan iyong definition na binigay nila Ate Gina ay kaibigan ko na rin si Kaleigh. At dahil kaibigan ko siya, pwede na akong sumama sa kanya.

Pumunta kami sa apartment niya na 3 blocks away from the school. But I thought that it was not an apartment but more like a townhouse, but it wasn't my place to correct her. It was a gated place at mayroong 6 na townhouse doon.

"Feel free to watch," sabi niya. "Medyo matagal ako maligo, but bibilisan ko."

Umiling ako. "Take your time," sagot ko dahil ako naman iyong humingi ng favor. Nang maka-alis siya ay naghanap ako ng mauupuan. The place looked clean... but I couldn't be sure dahil hindi naman ako dito naka-tira. So, when Kaleigh was out of sight, inilagay ko iyong mini-lysol na nasa bag ko at inisprayan iyong couch. Nang matapos ako ay halos mapa-talon ako sa kina-tatayuan ko dahil naka-rinig ako ng pagtawa.

"I've never seen anyone quite like you," sabi ni Dominic na medyo naka-tawa iyong mukha. Naka-suot siya ng jersey shorts ng Brent at saka white t-shirt. May hawak siyang transparent mug na mayroong laman na iced americano.

"Dito ka naka-tira? O trespasser ka?" tanong ko dahil isa lang sa dalawa iyon.

Muli siyang natawa. Naka-sandal siya roon sa may poste. Naka-suot siya ng pambahay na tsinelas na fluffy. Kulay powder pink iyon.

"I live here," sabi niya. "And since I live here, I can ask you–what brings you here?"

"Kasama ko si Kaleigh," sagot ko.

"Won't you ask kung kaanu-ano ko si Kaleigh?"

Umiling ako. "Not interested," sagot ko tapos ay naupo na ako roon sa pwesto na inisprayan ko. Inilabas ko iyong laptop ko at tinignan ulit iyong script ko. Nag-edit ako based sa mga comment na binigay ni Kaleigh sa akin. After nun, ipapa-basa ko ulit sa kanya tapos ay ipapasa ko iyong script. Hindi naman ako umaasa na mapipili siya... Kahit maka-pasok lang ako sa initial round ay masaya na ako—that's an improvement kumpara sa dati na ni hindi ako naka-pasok doon at talagang rejected lang.

After 24 minutes ay bumalik na si Kaleigh. She was wearing a cut off denim shorts na may mga naka-litaw na sinulid at oversized na puting damit.

"Dom, ang creepy," sabi ni Kaleigh kay Dominic na nandoon at naka-upo sa may dining area. "Did he annoy you?" tanong ni Kaleigh. "Sorry, 'di ko alam na nandito pala si Dom."

Eyes On Me, Baby (COMPLETED)Where stories live. Discover now