Chapter 20

159K 7.4K 3.3K
                                    

Chapter 20

Naglagay ako ng maong shorts, puting t-shirt, and a pair of underwear sa zip bag. Sa kabilang zip bag naman ay naglagay ako ng sunscreen para kapag nagre-apply ako mamaya. Skin cancer is something I take seriously. Inilagay ko iyon sa tote bag ko kasama iyong shawl at saka bumaba ako.

"San tayo pupunta?" tanong ni Kuya Robert. Nagkakape siya kasama si Ate Gina. Nandoon si Blue sa may paanan nila at mukhang naghihintay ng pagkain kahit na sigurado ako na pina-kain na siya.

"Beach," I replied.

"Bakit?" tanong ni Ate Gina. "At pwedeng sumama?"

I shrugged. "Tanungin mo si Austin Archangel," sagot ko.

Nanlaki ang mga mata ni Ate Gina. "Pupunta kayo sa beach ni Austin?" she asked and I nodded. "Alam ng Mama mo?" I nodded again. I would not dare go out of the Manila without asking for her permission. I still live in her house and I should follow the rules.

I looked at my phone. Sinabi niya na magtetext siya sa akin kapag nasa labas na siya ng bahay namin.

"2 hours and 54 minutes iyong drive papunta sa Punta Fuego," sabi ko. "May pwede ba akong dalhin na pagkain?" I asked.

Ate Gina's forehead was creased, but she went to the ref at saka naglabas ng ham doon. She kept on asking me questions after questions while she was frying the ham tapos ay ginawa niyang sandwich iyon. She put lettuce and tomatos there. Gumawa siya ng 4 na sandwich para tig-isa kami pa-punta at pa-uwi. Iniabot niya sa akin iyon at saka ibinigay iyong lalagyan ko ng tubig.

"Thank you," I said.

Ate Gina nodded. "Ano'ng oras kayo uuwi?"

"Hindi ko alam," sagot ko. "But Mama said before na kailangang nasa bahay na ako ng 11pm," I continued, relaying the information Austin Archangel relayed to me before nang kumain kami sa Cyma.

Nagka-tinginan sina Ate Gina at Kuya Robert. Nagvibrate iyong phone ko. Nakita ko iyong pangalan ni Austin Archangel doon.

'Already here.'

Kinuha ko iyong tote bag ko at iyong paper bag kung saan naka-lagay iyong mga sandwich at iyong inumin ko. I patted Blue's head before I headed outside. Pagbukas ko ng gate ay nandoon si Austin Archangel.

"Can I come in?" he asked.

"Okay," I replied because I did not see any reason why not. Kilala na siya ng mga magulang ko kaya pwede na siyang pumasok sa bahay. I figured na baka gusto niya lang magCR. Pagpasok namin sa bahay ay kina-usap niya sina Ate Gina at Kuya Robert at sinabi kung saan kami pupunta at na ibabalik niya ako sa bahay before 11PM.

"You got everything?" tanong niya sa akin matapos niyang kausapin sina Ate Gina.

I nodded. "A change of clothes, sunscreen, and I bought snacks."

"Oh. I bought food, too," sabi niya.

I shrugged. "The more, the merrier," I replied bago kami naglakad papunta sa sasakyan niya. He was wearing a gray board shorts, white Nike t-shirt, and white Nike slides. Mayroon ding naka-sabit na Ray-Ban Wayfarer sunglasses sa t-shirt niya.

"Thank you," I said when he got the paper bag from my hand inilagay niya iyon sa backseat. I waited for him to get into the driver's seat bago ako pumasok sa passenger seat. I put my seatbelt on.

"Let's go?" tanong niya sa akin.

I nodded. "Let's go," I confirmed kahit siya naman ang magda-drive.

Eyes On Me, Baby (COMPLETED)Where stories live. Discover now