Chapter 27

135K 7.5K 3.8K
                                    

Chapter 27

"Karma!"

Napa-tingin ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Kaleigh na kuma-kaway sa akin. Ginaya ko iyong ginagawa niya. Lumapit siya sa akin. She was holding a red covered cup with a red straw.

"I've been reading your script," sabi niya at saka binigyan ako ng thumbs up gamit iyong libreng kamay niya.

I blinked. "Talaga?"

She nodded. "Yeah... I actually really like the premise. Hindi pa ako tapos magbasa, but I have a good feeling about it."

I blinked again. "Oh... Thank you," I said.

She smiled. "Good job, really. Laki ng improvement from before," sabi niya bago nagpaalam sa akin para sabihin na doon siya sa side ng Brent mauupo kahit na tiga SCA siya. Apparently, Dominic's parents, made her promise na magccheer siya para kay Dominic. Nasa USA pala iyong parahong parents niya at hindi makaka-uwi para manood ng championship.

It took me exactly a minute bago ako naka-balik sa pwesto ko. Sobrang daming tao. Sobrang ingay. I initially thought that the initial excitement would die down, but I was wrong—maingay pa rin ang mga tao. Kasing lakas ng bawat hampas sa drums iyong kabog ng dibdib ko.

During normal games, nakaka-upo ako sa bench. Pero ngayon na championship, naka-tayo lang kaming dalawa ni Serj dahil nasa bench iyong mga politicians. Hindi ko sila kilala. Maybe I should start reading the news dahil nakaka-alarma na wala akong kilala ni isa sa kanila.

"Mas mahaba ba 'to compared sa normal game?" tanong ko kay Serj.

"Pareho lang naman, pero baka magka-extension."

I sighed. "Kapag nanalo tayo ngayon, kapag nanalo sa susunod, tapos na, 'di ba?" He nodded. Napa-tingin ako kay Dominic na nasa three-point line at nagsu-shoot ng bola. He's really good. Nakita ko rin sina Juanico at Alfuenas. Tumingin ako sa side namin at nandoon iyong tatlong magkakapatid.

Bahala na.

Isang game lang naman ang pinagka-iba.

It was already 4:30PM when the game officially started. Si Austin Archangel, as usual, iyong nasa gitna. Si Juanico naman iyong nasa kabila. I watched them closely since magka-team pala sila dati bago lumipat si Juanico. They were not talking. Bakit kaya hindi na si Dominic? Baka ayaw nila na maulit iyong nangyari dati na dumugo iyong gilid ng labi niya?

When the ball was tossed in the air, Brent iyong naka-kuha ng unang possession, pero mabilis iyong naagaw ni Saint. Hinagis niya iyong bola kay Cohen na biglang nasa dulo na ng court. I still could not understand kung paano nila nagagawang tumakbo ng ganoon kabilis.

Napa-takip ako ng tenga nang makuha ni Cohen iyong unang puntos. Napa-tingin ako kay Serj nang matawa siya sa tabi ko. Nakaka-isang season na ako, pero hindi pa rin ako nasasanay. Maybe I needed to find another scholarship.

* * *

"Is this a good thing?" I asked Serj nang matapos iyong unang quarter pero 6-10 lang ang score nila—with SCA on the lead. Kung hindi naba-block iyong shot ay naaagaw naman ng kabila. It was frustrating to watch.

"Yes," sabi niya.

"Are you enjoying this?"

"Strangely... yes," sagot niya sa akin.

Pareho kami ni Serj na nandito dahil sa scholarship. Pareho kaming hindi fan ng basketball. Mas gusto niyang magdirect ng film at mas gusto kong magsulat ng script.

"Wala ka rito last season, pero hindi ganito 'yung championship. I guess naka-tulong talaga sa Brent 'yung paglipat ni Juanico at pagdating ni Dom," he said, shrugging.

Eyes On Me, Baby (COMPLETED)Where stories live. Discover now