𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 8: Maligayang Pasko

614 4 0
                                    

Si Huli ay larawan ng isang babae na pilit nagpapakatatag na balang araw ang kanyang mga panalangin ay masasagot ng isang himala.

Kagaya ng nakagawian ni Huli siya ay gumising ng maaga at buong pusong umaasa na sana ay hindi na sisikat ang araw. Tinignan niya ang ilalim ng larawan ng Birhen sa pagbabasakaling nagkaroon na ng himala.

Huminga nang malalim ang dalagang si Huli at namulat na lamang bigla na mali pala ang mga sapantaha niya tungkol sa milagro. Pinagtawanan na lamang niya ang kanyang sarili habang siya ay abalang nag-gagayak.

Nagmadali siyang nagbihis upang pumunta sa bahay ng bago niyang panginoon, si Hermana Pencahang. Bago siya umalis kinausap at binilin niya ang kanyang lelong. Nang mapansin iniya ang nangingilid na luha ng matanda ay dali-dali siyang umalis.

Sa bahay ni Tandang Selo ay dumating ang kanyang mga kamag-anak upang mamasko. Sinalubong niya ang mga ito, ngunit nagulat siya dahil anumang gawin niyang magsalita o sumigaw ay walang boses na lumalabas sa kanyang bibig.

𝗘𝗟 𝗙𝗜𝗟𝗜𝗕𝗨𝗦𝗧𝗘𝗥𝗜𝗦𝗠𝗢Where stories live. Discover now