𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 11: Los Banos

490 3 0
                                    

Noo’y ika-31 ng Disyembre. Ang Kapitan Heneral kasama si Padre Sibilya at Padre Irene ay naglalaro ng tresilyo sa bahay-aliwan sa Los Banos.

Nagpatalo ang dalawang kura dahil ang nais lamang nila na mangyari sa panahon na iyon ay kausapin si Kapitan tungkol sa paaralan ng Kastilang balak ng kabataan. Ngunit maraming iniisip an Kapitan, kagaya ng papeles ng pamamahala, pagbibigay biyaya, pagpapatapon, at iba pa.

Ang paaralan ay hindi ganoon ka-importante sa Kapitan. Nagalit naman si Padre Camorra dahil sa sinadyang pagkatalo ni Padre Irene, at hinayaang manalo si Kapitan.

Pinalitan naman ni Simoun si Padre Camorra. Biniro naman ni Padre Irene ang binata na ipusta ang kanyang mga brilyante. Pumayag naman ito sapagkat wala namang maipupusta ang kura. Subalit sinabi ni Simoun na kapag siya ang nanalo, bibigyan nila siya ng pangako.

Sa kakaibiang kondisyon ng binata ay lumapit si Don Custodio, Padre Fernandez, at Mataas na Kawani. Tinanong nila ang binata kung para saan ang kanyang mga hiling. Sinagot naman ng binata ay para ito sa kalinisan at kapayapaan ng bayan.

𝗘𝗟 𝗙𝗜𝗟𝗜𝗕𝗨𝗦𝗧𝗘𝗥𝗜𝗦𝗠𝗢Where stories live. Discover now