Kabanata 32: Ang Bunga ng mga Paskil

253 1 0
                                    

Sa tulong ng mamamahayag na si Ben Zayb, hindi lumabas sa mga pahayagan ang pagkamatay ni Juli. Tanging lumabas sa mga sirkulasyon ay ang kabutihan ng Heneral na gawa-gawa lamang nila.

Nakalaya na sa piitan sina Isagani at Makaraig. Si Basilio na lamang ang nasa loob ng bilangguan.

May dumating na mataas na kawani at nais nitong palabasin si Basilio sa kulungan. Sinabi niyang mabuti si Basilio at sa katunayan ay malapit nang matapos sa kurso sa medisina.

Gayunman, lalo lamang napahamak si Basilio sa sinabi ng kawani. Panay kasi ang pagtuligsa ng Heneral sa mga sinasabi nito.

Sinabihan ng kawani ang heneral na dapat itong matakot at mahiya sa bayan. Sabi naman ng heneral, sa Espanya siya may utang na loob dahil sila ang nagbigay ng kapangyarihan at hindi ang mga Pilipino.

Bigong lumisan ang kawani na kinabukasan ay nagbitiw umano sa puwesto at babalik na lamang Espanya.

𝗘𝗟 𝗙𝗜𝗟𝗜𝗕𝗨𝗦𝗧𝗘𝗥𝗜𝗦𝗠𝗢Where stories live. Discover now