𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 21: Mga Anyo ng Taga-Maynila

316 1 0
                                    


Ang pagtatanghal sa Dulaang Variadades ay nagdulot ng salungat na opinyon. Ang grupo nina Padre Salvi ay tutol sa pagtatanghal ng dulaan, habang ang mga kawani, hukbong dagat at taong lipunan ay nasasabik na sa nalalapit na pagtatanghal ng nasabing palabas

Maaga pa ang gabi ay ubos na ang mga bilyete. Nagsimula na ring dumating ang mga panuhin at mga manonood, isa na rito si Camaroncocido.Siya ay buhat sa isang kilalang angkan ng Kastila ngunit nabubuhay na tila hampas-lupa dahil sa kanyang pananamit.

Dumating din si Tiyo Kiko, ang kayumangging matanda na hinahangaan sa kanyang maayos na bihis mula ulo hanggang paa. Sila ni Camaroncocido ay parehong nabubuhay sa pagbabalita at pagdirikit ng mga kartel ng mga dulaan.

Ang katotohanan ay labag sa kalooban ng mga prayle ang pagtatanghal dahil sa isyu ng moralidad at kalaswaan na paksa ng dula. Ngunit sa huli ay pumayag din sila dahil sa panghihinayang sa perang malilikom mula sa bentahan ng bilyete.

𝗘𝗟 𝗙𝗜𝗟𝗜𝗕𝗨𝗦𝗧𝗘𝗥𝗜𝗦𝗠𝗢Where stories live. Discover now