𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 16: Ang Kasawian ng isang Intsik

386 3 0
                                    


Isang negosyanteng Intsik si Quiroga. Sa kabila ng hinaharap na pagkalugi ng kaniyang negosyo ay nagawa pa nitong magpatawag ng isang hapunan. Pakay niya na magkaroon ng konsulado ang Tsina sa bansa. Inimbitahan niya ang mga military, kawani ng gobyerno, mga prayle, at kapuwa negosyante.

Naroon din si Simoun. Hindi lamang pagsama sa hapunan ang pakay ng alahero kung hindi maging ang paniningil sa utang ni Quiroga. Gayunman, dahil nga sa pagkalugi ng kaniyang negosyo, hindi siya makababayad kay Simoun ng limang libong piso.

Inalok naman siya ni Simoun na maaari niyang bawasan ng dalawang libong piso ang pagkakaurang ng Intsik kung papaya itong maitago ang mga armas sa kaniyang bodega.

Ipinaliwanag ni Simoun na wala raw dapat ikatakot ang negosyante sapagkat unti-unti rin umanong ililipat ang mga ito sa ibang lagakan. Walang nagawa ang Instik kung hindi pumayag sa alok ni Simoun.

Nag-uusap naman sina Don Custodio tungkol sa ipadadala sa bansang India upang matutong gumawa ng sapatos para sa sandatahan.

𝗘𝗟 𝗙𝗜𝗟𝗜𝗕𝗨𝗦𝗧𝗘𝗥𝗜𝗦𝗠𝗢Where stories live. Discover now