𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 9: Ang mga Pilato

500 4 0
                                    

Sa kabanata na ito ipinakita ni Rizal ang pamamayani ng kasakiman at pagiging tuso ng mga prayle.

Ang nakakalunos na sinapit ni Kabesang Tales ay nakarating sa bayan. Ang ilan ay naawa sa matanda, samantala ang mga guwardiya sibil at mga prayle ay nagkibit lamang ng balikat.

Si Padre Clemente na siyang tagapangasiwa ng hasyenda ay mabilis na naghugas kamay sa narinig na balita. Sinisi pa niya si Kabesang Tales dahil sa pagsuway ng huli sa utos ng korporasyon. Idiniin pa niya ang matanda na nagtatago ng mga armas.

Pinagsabihan ni Hermana Penchang ang alipin na si Huli na magdasal sa wikang Kastila. Ito daw ang dahilan kung bakit napipi at naghihirap ang kanyang ama. Hindi daw sila marunong manalangin sa langit.

Buong galak na nagdiwang ang mga pari dahil sa pananalo nila sa usapin tungkol sa hasyenda. Sinamantala nila ang pagkakataon upang ipamigay ang mga lupain ni Kabesang Tales. Maging ang matanda ay bibigyan ng kautusan ng tinyente na lisanin ang kanyang sariling tahanan.

𝗘𝗟 𝗙𝗜𝗟𝗜𝗕𝗨𝗦𝗧𝗘𝗥𝗜𝗦𝗠𝗢Where stories live. Discover now