Umalis na sa bahay ni Quiroga ang labindalawang bisita niya. Ngayon naman ay pupunta sila sa isang peryahan sa Quiapo at sa bahay ni Mr. Leeds.
Aliw na aliw ang pari na si Padre Camora sa mga babaeng nakikita niya sa peryahan. Kilala kasi bilang makamundo ang prayleng iyon. Lalong nadagdagan ang kaniyang tuwa nang makasalubong si Paulita Gomez. Kasama nito ang kaniyang tiyahin na si Donya Victorina. Iyon lang, kasama din nila si Isagani na katipan ni Paulita.
Nakarating sila sa isang tindahan ng mga rebultong kahoy. Doon ay nagsabihan ng mga kahawig ng estatwa ang mga kasama ni Mr. Leeds. Sabi ng isa na ang estatwa ay kahawig ni Ben Zayb habang ang isa naman daw ay kahawig ni Camora dahil maraming likha ang mga kahawig ng pari.
Mayroon silang nakitang larawan na kahawig ni Simoun. Wala sa paligid ang alahero kaya napag-usapan nila ito. Nagwika naman si Ben Zayb na baka natatakot lamang si Simoun na mabunyag ang lihim ng kaibigan si Mr. Leeds.
YOU ARE READING
𝗘𝗟 𝗙𝗜𝗟𝗜𝗕𝗨𝗦𝗧𝗘𝗥𝗜𝗦𝗠𝗢
Historical FictionAng El filibusterismo na kilala rin sa kahaliling pamagat na Ingles na The Reign of Greed , ay ang pangalawang nobela na isinulat ngpambansang Pilipino bayani na si José Rizal . Ito ang karugtong ng Noli Me Tángere at, tulad ng unang libro, ay isinu...