𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 19: Ang Mitsa

374 1 0
                                    

Si Placido ay larawan ng isang karaniwang kabataan. Siya ay mapusok, nagkamali ngunit sa bandang huli ay nahanap din ang tamang daan tungo sa magandang kinabukasan.

Labis ang hinagpis ni Kabesang Tales dahil sa desisyon ni Placido hinggil sa kanyang pag-aaral. Kinausap niya ang kanyang anak na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral hanggang sa makatapos ng abogasya.

Dahil dito ay lalong nagpuyos ang kalooban ng binata at iniwan ang kanyang ina. Sa kanyang paglalakad sa bayan ay nakita niya si Simoun. Lumapit siya dito at isinalaysay ang nangyari sa kanya.

Sinadya ni Simoun na isama si Placido sa pagawaan ng pulbura. Nasaksihan ng binata ang hirap ng kalagayan ng mga mangagawa ni Simoun. Sunod nilang pinuntahan ang bahay ng mag-aalahas.

Dito niya nakita ang isang bata na kasing edad niya ngunit malayong matanda ang itsura kumpara sa kanya. Ipinaliwanag ni Simoun na ito ay sanhi ng mabibigat na gawain na naiatang sa kanya. Dahil sa mga nasaksihan ay namulat ang isip at kalooban ni Placido.

𝗘𝗟 𝗙𝗜𝗟𝗜𝗕𝗨𝗦𝗧𝗘𝗥𝗜𝗦𝗠𝗢Where stories live. Discover now