𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 13: Ang Klase sa Pisika

390 2 0
                                    

Ang silid sa pisika ay maluwag at parihaba ang sukat. Malalaki rin ang mga bintana na mayroong rehas na bakal. Sa magkabilang panig ng kuwarto ay mayroong upuang kahoy na aabot sa tatlong baitang ang taas. Doon umuupo ang mga mag-aaral na nakaayos batay sa titik ng kanilang apelyido.

Kahit malaki ang silid, makikita namang wala itong anumang palamuti. May mga kagamitan at instrumento para sa pag-aaral sa pisika ngunit nakasalansan naman sa isang aparador na nakakandado.

Si Padre Millon ang maestro sa Pisika na tanyag sa paaralan ng San Juan de Letran. Isa-isa niyang tinatawag ang mga mag-aaral upang tanungin ng aralin. Ang magkaibigang Pelaez at Placido ay nagsesenyasan na magturuan. Inapakan ni Pelaez ang paa ng kaibigan bilang hudyat ngunit napasigaw si Placido.

Siya tuloy ang napagbalingan ng inis ng guro at tinanong. Utal-utal siyang sumagot at nagalit ang pari at binigyan siya ng mababang marka habang nakatanggap pa ng lait at mura mula sa pari. Nainis si Placido at biglang umalis sa klase na ikinagulat ng lahat.

𝗘𝗟 𝗙𝗜𝗟𝗜𝗕𝗨𝗦𝗧𝗘𝗥𝗜𝗦𝗠𝗢Where stories live. Discover now