06 ¦ Debt

36 11 0
                                    



Jeacela's Point of View


Looking back to what just happened last night, it seems unreal. I called and he answered. Kaya naka uling ulit ako ng tingin sa call history ko para lang mapaniwala ang sarili na totoo talaga ang nangyari kagabi bago ako pumasok sa school kanina. Nahirapan din akong makatulog agad kagabi dahil sa ginawa niyang pagsagot know that sa tawag ko.


Tapos mas lumala pa ang pagiging lutang ko dahil sa nangyari kanina. Pakiramdam ko, umakyat lahat ng dugo sa pisngi ko sa tuwing inaalala 'yon.


He went to my room to fetch me. Gosh. Para akong nanghihina. Ang mga tuhod ko ay parang hindi ko maramdaman  kanina habang magkasama kaming naglalakad.


Nasapo ko ang aking ulo at inalala ang kanina.


I was in the middle of finding my purple lace inside of my bag while walking out the classroom. Tapos na ang klase at wala ring pinaiwan na kahit anong home work sa amin. I'm glad wala akong ibang gagawin pagka uwi dahil kailangan kong magpahinga. I need more time to sleep.


Ngunit hindi ko pa ata tuluyang nailalabas ang purple lace nang may tumapat na malamig na bagay sa noo ko. Natigil ako sa ginagawa at napatitig sa bandang kwelyo niya. Ang mga papalabas ko ring block mates ay natigil dahil sa nakita.


Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at hindi makapaniwala sa nakita.


Matingkad ang ilaw na tumitikrik banda rito sa amin pero dahil sa tangkad at laki niya ay nagsilbi ko siyang harang sa liwanag non. His eye glass were the first thing I saw. Napa atras ako nang marealized kung gaano na kalamig ang noo ko dahil sa idinikit niya. A cold coca-cola in a can.


"P-paano mo nalaman na dito ang room ko?" Taka at tarantang tanong ko. Lumabas ako sa room at gumilid na muna kami.


"I just know." He pushed the eyeglasses back into his eyes. Bumaba rin ang tingin nito sa kinakalkal ko, hawak ko na doon ang purple lace. "What is that?"


"A-ah. Nir-ready ko 'to lagi kapag out ko."


Bakit siya nandito? Tinawagan ba siya ulit ni Kuya Ulysses? H-hindi ko naman siya tinawagan, 'di ba?


"I see. Let's go. Ihahatid kita sa inyo."


Nagsimula kaming maglakad. At habang nakasunod ako sa kanya ay nakikita ko ang mga pahabol nilang tingin. They must be wondering what's going on.


And I was so thankful for that. Hindi ko man iyon masyadong na express sa kanya bago kami maghiwalay kanina ay gusto ko naman 'yon ipakita sa kanya, hindi ko lang alam kung sa anong paraan. I wanted to thank him and give him everything he needs pero hindi ko rin naman alam kung ano mga 'yon.


I smiled out of nowhere. Hinain ko na rin ang mga niluto kong pagkain sa mesa. I don't even know how I started cooking food for my very late dinner. Pag uwi ko kasi agad kanina ay natulog ako. Alauna na ng madaling araw ngayon.


Hindi ko rin alam kung saan nanggaling ang sipag ko ngayon para maka pagluto.


Before touching my food, I called a friend through a video call. I want to talk about him. And I know this friend of mine is always excited every time we talk about him. Sabihin na nating may gusto rin siya kay Rhysand.


'Calling Stefanie Kyle Munoz... '


I know she's still watching at this hour. Kaya bakit naman parang ang tagal niyang sagutin? Online naman siya. Kumunot ang noo ko at sinubukan siyang tawagin ulit.


"Oh, come on Stef. Alam kong nanonood ka pa sa mga oras na 'to." Sambit ko sa harap ng mismong phone ko. Naka tatlong try ako sa kanya bago niya tuluyang masagot ang tawag.


"What?" She answered the call. Finally.


"Bakit ang tagal mong sagutin?" Nakasimangot na tanong ko. Roon ko lang ginalaw ang pagkain ko matapos mai-tayo ang phone sa harapan ko na nakapatong rin sa mesa.


"Busy ako manood."


Ngumiwi lang ako. "'Di ba sabi mo crush mo si Kuya Rhysand?"


I didn't know why I repeated the word 'kuya' in my head. It feels weird and... mouthful to call him with that.


"Hindi na ngayon. May bago na akong crush, from your department pala." She giggles. I frowned with her answers. "Wait. I'll stop watching muna to make chikas with you." She said. Mabuti naman. Nakakahiya naman sa kanya. Ako nga ay kumakain habang kausap siya. "So, what's with Kuya Rhy?"


Binalewala ko ang huling tanong nito. She might be wondering why all of a sudden, sa tawag na ito, tungkol agad sa lalaking 'yon ang tanong ko.


"Bakit hindi mo na siya crush?"


"Tinatanong pa ba 'yon?"


Kaya nga ako nagtatanong, e.


"Madali akong mag-sawa, remember?"


Wow. Parang galit kong ibinaba ang kubyertos na hawak ko at handa nang makipag suntukan sa sagot niyang 'yon. Hindi ko naman aakalain na isa si Rhys sa madalian niyang pagsasawaan. Ano naman ang nakakasawa sa kanya?


"Sungit din kasi niya kaya medyo ayaw ko." Ngumuso ito. "Gusto kong magpapansin pero huwag na lang. From same classroom pa naman kami. Imagine, the awkwardness if we end up together and break up afterwards. No!" Mahabang paliwanag nito.


"Okay?" Medyo natatawang sambit ko sa lahat ng sinabi niya. May punto nga naman siya. At same classroom pa pala sila. But I don't think they will end up together. Sa nakikita ko, parang wala siyang interest sa kahit na sinong babae ngayon.


I have checked his account. Kailan pa ang huli niyang post. At sa sinabi rin nitong masungit siya. Kahit ako ay parang hirap na makausap at lapitan siya. Kahit siguro maraming magkakagusto sa kanya, kung masungit siya ay baka katakutan lang siya.


Pero 'di ba, kapag masusungit, mas lalo pang nagugustuhan ng tao? Well, depende naman ata 'yon sa looks. Kay Rhysand kasi, bagay niya naman mag sungit.


"Who's your crush na from our department?"


"Tinatanong pa ba 'yan!?"


I almost bite my own tongue when I heard her asked so loud. Gulat akong napatingin sa kanya.


"OMG ka 'te! You know my taste when it comes to boys!"


I press the volume button before answering. Hinanaan ko ito.


Inalala ko ang mga boys sa department namin at kung sino-sino rin doon ang agaw pansin.


"Maki Neil?" Nakangiwing sagot ko at parang walang interest na sinabi ang mga characteristics nito. I have seen him a lot of times. Maputi, naka eye-glass, matangkad at ang aura ay mayabang.


"Tumpak! OMG! Sana naman ito na si tadhana!"


What the? Pinagdarasal niya ba talagang maging sila? May sayad ba siya sa utak? "Tanga ka ba? May jowa 'yon!"


"Duh! Edi aagawin. Easy lang!"


My jaw dropped. I think she didn't know the truth.


"May laban ka ba sa kapwa niya lalaki?" Tanong ko bilang punto na rin. Her jaw drop this time. Natawa lang ako at nagpatuloy sa pagkain.


"Ate naman! Kakasimula ko palang siyang maging motivation, wala na ulit?" She faked a cry. Kunwari ay nagpakita ako ng sobrang lungkot na expression sa aking mukha para makiramay sa nararamdaman niyang heart ache.


"Much better. Mas maaga."


Sumimangot lang ito.


"Now..." Napalunok ako. "I gave you information. Reciprocate."


I know wala silang masyadong interaction ni Kuya Rhysand but I think when it comes to information, she knew better. Gawain niya 'yon, e. Kung gaano ako kagaling mag stalk, may award naman siya sa sobrang galing. Isa pa, nasa iisang classroom sila. Mas may alam siya. Hindi sa nanghihimasok ako sa buhay na meron siya. Kahit simple information lang. Ngayon ko lang siya ulit nakita. Baka may alam si Stef.


"Tell me about your last crush."


"Maki Neil." Mabilisan niyang sagot.


Damn. Maki Neil is not her last crush! "Tanga, hindi! Ang bilis mo namang mag shift!?"


"Ate, sa mundong ginagalawan natin ngayon, kung hindi ako lalandi, tatanda akong walang asawa!"


Wala pa ba talaga siyang nagiging boyfriend kaya ganyan ang mga sagot niya? Wow. Parang ako naman, meron?


"Want mo 'yon? Maging haggard na lang palagi ang role ko sa mundo? No way!"


Mukhang hindi naman siya haggard. Nagiging mukha lang siyang haggard kakastalk at sa pagpapalit ng crush.


"I'm talking about Rhysand, Stef. Siya ang last mong crush. Hindi si Maki."


"Why?" Bigla itong nagseryoso.


"Huwag ka nang magtanong." Wala naman talaga akong rason kung bakit ko gustong malaman ang ilang information niya. Para lang naman sa sarili kong benefits 'yon.


"Okay?" May pagtataka sa mukha nito. "He grew up here. This is according to my kalap, hah? Nothing is credible, okay?"


I nod. Nasa sa akin na 'yon kung paniniwalaan ko ang iba o hindi.


"He grew up here in PH and flew to New York after graduating senior high school. After two years, bumalik ulit."


Nakatitig lang ako rito habang sinasabi niya 'yon. I think that's true. Nang grumaduate ako sa senior high school, may mga naririnig na akong rumor patungkol sa pag alis niya rito sa Pilipinas. Hindi ko lang alam na sa New York pala ang pinunta nito.


"Tihana is his classmate and best friend. According sa narinig ko sa auditorium the other day, they are going to live together. At na confirm ko na rin 'yon kahapon."


Imbes na ma shocked ako sa katotohanan na sa iisang bubong nakatira si ate Tihana at Kuya Rhysand ay doon ako nag focus sa part na nakinig pa talaga siya usapin na 'yon. Ibang klase.


But, really? They are living together? "Really? I thought wala siyang interest sa mga ganyang romantic chuchuness?"


"Iyan din ang sinabi niya sa amin!"


Sa kanila? Wow! Nababanggit niya na pala ang bagay na 'yon? Maybe to clear their names? Hindi ko alam kung saan nanggaling ang panlulumong naramdaman ko.


"Don't worry, may pag asa ka pa!"


"Luh!" Agad kong react dito. "Sinong nagsabing gusto ko 'yon!"


Masaya lang ako na nakikita at nakakausap siya! Gusto kong malaman ang tungkol sa kanya... dahil...  nakakahiya naman kung magtatanong siya sa akin ng information tungkol sa kanya dahil tumatawag lang ako basta-basta sa kanya. Basta, 'yon!


"Duh, ate! Nag-aaral ka ba ng mabuti? I thought you want to be a crime investigator? Simpleng question, defensive agad? Paano nalang ang mga kliyente mo in the future?"


Kunwari ay busy na lang ako sa pag inom ng tubig. Nawalan tuloy ako ng ganang tapusin ang pagkain ko. Na distract ako sa mga sinabi niya. "Huwag mong isisingit dito ang pag-aaral ko. Iba ang pinag uusapan natin."


"Ahuh." Pambabalewala niya. Totoo naman kasi! Ano bang iniisip niya. "Rhyand it is." Dagdag niya pa. Nasa tono nito ang kasiguraduhan.


Gusto ko agad kontrahin 'yon, malinis lang ang pangalan ko sa akusa niyang 'yon pero parang hindi ko rin alam kung paano.


Naningkit ang mga mata nito tila may narealized. "Anong namamagitan sa inyo?"


"Wala!"


"Diyan ka na nga! Mas lalo mo akong nililito." Her expression changes and goes back to normal. Ang bilis! But seconds later her expression came back to being excited again. "OMG! Ikaw ba yung rumored girl na sinundo niya from your department!?"


Hindi ko na maiwasan ang mapahawak sa sentido at pasimpleng umiwas ng tingin. I remember that again.


"Hala! Haba ng hair, ah! Anong shampoo gamit mo? Yung shampoo ng mga kabayo, kaya ang bilis humaba ng hair mo?"


"A-anong sinasabi mo diyan? Anong shampoo ng kabayo?"


And there I remembered, nay shampoo pa ba ako? I need to check that later para mahanapan ko ng schedule ang pagpunta ko sa grocery store later.


"Ah, basta! I need your secret and alindog, please!"


"May utang siya sa akin kaya ganoon." Saad ko na lang. Hindi ko alam kung matatawag nga bang utang 'yon. Ang hindi pagsagot sa mga tawag ko where in the first place, ako lang naman ang may kagustuhan at nag expect na sasagot ito. Kaya siguro niya akong sinundo kanina dahil doon. Napasimangot tuloy ako.


"In fairness, reasonable." Iniligpit ko na ang mga pinagkainan ko. And while doing it, Stef added something na siyang nagpatigil sa akin. "I heard, they're used to be rich, e. Kung may utang, edi may utang!"


They used to be?


Muli akong umupo para makita siya screen ng phone kong nananatili pa rin sa mesa. "Wait, what? Anong nangyari?"


"I don't know. Kaya siguro siya nakatira kina Ate Tihana."


Right. Maybe that's the reason why he needs to live with her.


"So, hindi money ang utang?" Tanong niya patungkol sa sinabi ko kanina.


"Nope. Someone is fucking following me but he didn't answer my phone calls that's why my cousin threaten him."


Napangiwi siya at inis na nagsalubong ang kilay. "Huh!? Again? Hindi talaga tumitigil ang mga manyakis! Mga animal!" Malakas na sabi nito.


Umiling na lang ako. Hindi nga ata siya titigil. Hindi ko alam kung may konsensya ba ang lalaking 'yon na laging naka aligid sa akin. I'm not being comfortable at para akong nas- suffocate sa katotohanan palang na stalker ko siya.


"Okay. Enough chismis! Matutulog na ako."


I nodded and smiled at her. "Thank you for the information. Do you want another forensic student?"


She smirked playfully. "Nagising ang dugo ko. I am available and ready to mingle!"


"Rupok! Tulog na."


Ako na ang nag end ng call. I finish cleaning my table and wash those used plates after. Ilang oras din muna akong nagpahangin sa may kaliitan kong balcony bago mahiga.


But I didn't expect what I saw.


Sa pagtingin ko sa ibaba ay nakita ko ang lalaking nakatitig sa parte dito. He's wearing a dark leather jacket and dark hat. Naka bulsa ang pareho nitong kamay sa bulsa ng kanyang pantalon.


I know it's him. Binalot agad akong ng takot kaya dali-dali akong Plumasok at isinara ang sliding pinto. Mabilis din akong umakyat sa kama ko at napansandal sa head rest ng kama, takot na takot.





I Envy YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon