08 ¦ Ghost

28 3 8
                                    

Jeacela's Point of View

Kagat-kagat ko ang kuko sa aking hinlalaki habang nakikinig sa sinasabi ng aming professor. Paano ba naman kasi, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kaiisip sa lalaking 'yon na nakita kong nakatayo sa harap ng bahay. Hindi na ako nakatulog ng maayos dahil baka pasukin niya ako. Kasabay ng ginagawa kong 'yon ay ang kanina pang gumagalaw na tuhod ko. Hindi ako mapakali. Isa na rin 'to sa paraan ko para labanan ang antok.

"We don't read the minds of the people we talked to. But we control them in a way they would give us the information needed without being obvious."

Kumunot ang noo ko. Halah! Ano daw? Parang hindi ko naintindihan 'yong sinabi ng professor namin.

"Hoy."

Nilingon ko ang katabi. Si Claire ay nakakunot ang noo sa akin. Classmate ko. Bumaba rin ang tingin nito sa kanina ko pang ginagalaw na tuhod.

"Ang gulo mo."

"Sorry."

"Ayos ka lang ba?"

Umiling ako. Tumingin na lang ulit ako sa harapan at sinubukan na makinig. Sana may pumasok sa kokote ko. Nakakainis kasi ang lalaki na 'yon, e!

"But there are certain ways to do that. Do you know the easiest way?"

Maraming nagtaas ng kamay para sumagot. Ako lang ata ang hindi. Alam ko rin naman ang sagot, sadyang tinatamad lang akong magtaas ng kamay. Marami na kami, alangan namang makikipag agawan pa ako kung sino ang tatawagin.

"Ms. Elveña?"

Nagsibaba ng mga kamay ang mga kaklase ko nang banggitin ang aking apelyedo. Bakit ako?

"Can you answer my question, please? Or can you give one way on how we can get an expected response we want to know without being obvious?"

Dahan-dahan akong tumayo. Ang iba ay tumingala sa akin. Iyong iba ay parang jinajudge agad ako na parang hindi ko alam ang isasagot.

"By asking."

"Right. Thank you."

Nakahinga rin ako ng maluwag lalo nang matuwa naman ang professor namin sa simpleng sagot ko. Well, that is the answer. Ayoko na lamang pahabain.

"We seek. We go deeper. And in every detail... there are small ones. And your work is to get that little information and ask about it again without being obvious. And how do we do that? Well, it's your technique. Para lang kayong nagpapakipot pero may gusto pala kayong makuha."

Marami pang sinabi ang aming professor. Mabuti na lang ay hindi na tinawag ang pangalan ko.

Unang nagsilabasan ang iba, nahuli ako para mag-ayos ng gamit. Hindi ko alam kung bakit parang ang tagal-tagal kong mag-ayos. Para akong tinatamad at inaantok.

I didn't know Claire was waiting when I stepped out of the room. Nakapang krus ito ng kanyang braso sa harap ng dibdib at nakatingin sa akin.

"Claire."  She moved her hand forward tila gustong makipag kamay sa akin. Tinitigan ko 'to at tinanggap rin naman. Kilala ko siya.

"Jeceala." Pagpapakilala ko.

"Yeah. I heard. Your family is famous."

Napakunot ang aking noo. Hindi naman.

"Bawat myembro sa pamilya niyo ay matatalino. Kahit ikaw."

Nagsabay kami sa paglalakad. Hindi ko siya masyadong kilala, sa pangalan lang. Tahimik rin naman kasi siya at minsan lang magsalita kaya hindi nagkakaroon ng interest ang iba sa kanya. Hindi ko inaasahan na lalapitan niya ako at kakausapin ng ganito.

I Envy YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon