Chapter 14

51.7K 1.6K 1.8K
                                    

Khione

Isang oras na lang at matatapos na ako sa shift ko, literal na pagod na talaga ako, ilang araw na dahil nga sa double training ko for the competition. Hindi na ako makakapasok sa last subject ko everyday dahil excused ako lagi para mag train. Diretso trabaho naman ako after that. Buti nga at mabait 'tong manager namin kasi kahit nala-late ako minsan, hindi niya ako pinapagalitan.

"Beh, mag kwento ka naman sa buhay mo. Jusko parang mag-iisang buwan na tayong hindi nag kakausap dahil sa kabusy-han mo!"

"Bunganga mo, Iris. Nakwento ko naman na sa'yo na sasali nga ako do'n sa international art competition diba?"

"Ayoko ng Uni life mo, mas gusto ko lovelife!" Harot nito sa'kin sabay sundot pa sa tagiliran ko, as if may mak-kwento rin ako about it.

"Wag ka na umasa, mas focused ako sa studies ko tas sa org kesa diyan."

"Ang boring naman kung gano'n, wala ka bang type? imposible naman kasi ang daming maganda sa Wesbech. Ay naku! Dapat magkajowa ka this year para naman may thrill sa buhay mo." Talagang lumipat pa ito sa tabi ko at inakbayan ako. Ang kulit talaga.

Thrill? I don't think na mangyayari 'yan sa'kin, as I've said— gusto kong magsimula muli na walang problema, so far.. gano'n naman ang nangyayari. I guess the only exciting part is Ms. Solana.

Happy crush ko lang naman siya. Well, if that's the right term to label what I feel for her.

"Next week na pala yung kompetisyon mo? Pwede ka ba magsama ng plus 1? ako magiging manager mo—"

"Gaga, anong plus 1? ano 'yon trip package? tsaka the University will shoulder all expenses and kasama ko rin yung coordinator namin sa org. it's impossible na magsama ako ng iba."

"Ay, oh edi pasalubong na lang. Sige naaaaa."

I sighed at tumango nalang sa sinabi niya, may budget naman ako kasi timing na mags-sweldo ako next week. Hindi ko naman mahihindian itong si Iris lalo na at marami na rin itong naibigay sa'kin. After niya ako kulitin, ipinagpatuloy na nga namin yung trabaho.

Buti nalang at wala kaming pasok bukas sa University, swerte nga rin at day off ko bukas sa trabaho. So I have tomorrow all by myself.

Makaraan ang ilang minuto ay tapos na rin ang shift ko, kasabay ko naman si Iris sa taxi at mauuna nga itong makababa dahil ilang kilometro lang naman ang layo ng bahay niya sa store namin.

"Gusto mo ba gumala bukas?"

"Pagod ako the whole week, buti nga wala kaming training bukas e. Kaya pass, matutulog nalang ako."

"Ang Kj mo talaga! Sige na kasi, ilang araw din kita hindi makikita pagpunta mo do'n sa espanya." Nguso pa niya. "Nga pala, 'san sa spain?"

"Barcelona."

"Ay ang susyal naman!!! Nako, balang araw talaga— makakapunta rin ako do'n."

Umiiling lang ako sa mga pinagsasabi nito, kahit malapit na mag umaga, sobrang hyper pa rin nito e. Nang makadating na kami sa bahay nila ay tuluyan na itong nagpaalam sa akin at binigay ang bayad niya sa taxi..

After she left, that gave me a peaceful moment while I was waiting to arrive at my own place. Ilang minuto lang naman at makakauwi na ako. At do'n ko rin naalala na hindi ko pala nakita buong araw si Ms. Solana, ang sabi naman nila ay umabsent daw ito.

Eto yata ang unang beses na hindi kami nagkita mula noong nagsimula ang klase, which reminded me that we are not friends on social media or even have each other's number. Kaya naman pagdating ko sa apartment ay agad ako'ng nagbihis at gumayak na sa kwarto sabay kuha ko ng phone to search her up on Facebook.

Illicit Affair (GxG) Kde žijí příběhy. Začni objevovat