Chapter 16

49.2K 2K 1.6K
                                    

Khione

"Khio, talk to me."

"Ms. Sol, it's getting late. Matulog na lang po tayo."

Kakarating lang namin sa suite ngayon and all throughout the ride ay nagpanggap ako na tulog dahil ayaw ko muna itong kausapin, when I came back to out spot after getting us a cab mukhang nawala na rin kalasingan niya at naging seryoso pa ang mukha.

She tried opening up a conversation sa sasakyan pero agad ko itong sinabihan na iidlip muna ako kaya hindi rin natuloy.

I know I may seem petty but I'm hurt right now.

I'm disappointed at myself for believing that she might possibly fall for a woman and that I could have a chance to pursue my feelings for her. Pero lahat ng 'yon ay nawala dahil sa dalawang letrang sagot niya.

"That's not an excuse para hindi ako kausapin, Avila."

"Maaga po tayo bukas."

"Are you mad at me?"

"Hindi po—"

I was caught off guard when she grabbed me on my shoulder and made me face her, it seemed like I pissed her off dahil nakakunot na rin ang noo nito.

"Then why are you acting like this after that talk in the restaurant?" Binitawan niya naman ako.

I stayed mum for a moment, ano naman ang isasagot ko? Na nasaktan ako sa sinabi niya? na umasa ako na baka balang araw magustuhan niya ako pero hindi rin mangyayari 'yon kasi straight siya? damn those reasons, damn these feelings I have for her.

"Pagod lang po."

Matalim ang mga tinging ibinigay niya sa akin. "I'm still your Professor, Avila. Don't you dare disrespect me with that attitude again." Sabay talikod niya at dumiretso sa cr, pabagsak niyang isinara ang pintuan kaya naman ay hindi ko maiwasan na makonsyensa dahil sa pag trato ko sa kanya.

It's not her fault that she's not into women, and definitely not her fault that I'm hurt right now.

Lumabas muna ako papuntang balcony kung saan may isang malaking pool at overlooking rin sa city. Napalanghap lang ako sa hangin at kahit maginaw ay hindi ko na lamang ito pinansin, gusto ko lang mag-isip.

Umupo lang ako sa wooden reclining chair at nakaharap sa view, mas gusto ko mag muni-muni pag nakikita ko ang ganda ng Espanya lalo na sa gabi.

I'm more worried of what's going through her mind than the competition. Bakit ko pa kasi itinanong diba? I should've expected it. Tas ngayon masasaktan ako?

What more if I confess to her.

Malabo na rin mangyari 'yon.

Ilang minuto rin ang nagdaan at nanatili pa rin ako sa labas, mas maganda siguro 'yon para pagpasok ko ay tulog na sana si Ms. Solana.

Ngunit narinig ko na lang na may nagbukas pala ng sliding door and I know that it would be Ms. Solana, kami lang naman ang nandito sa suite. Naramdaman ko na lumapit siya at umupo sa isang upuan na nasa tabi ko lang.

I heard her sigh and gave me a blanket. "You might get sick, atleast cover yourself."

As I felt guilty with how I treated her earlier, I just mumbled a small thanks before accepting the blanket and covering myself with it. Tinignan ko naman siya ng mabilis at nakapambihis na rin ito ng pantulog.

The pajamas that I let her wear when we were at the beach.

Iniwas ko nalang ang tingin ko dahil do'n. It's because of things like that make my heart skip a beat, ang hirap kumawala sa sitwasyon na 'to.

Illicit Affair (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon