27

103 2 3
                                    

Adira's POV:

"S-saan tayo pupunta, prinsipe?" Nanginginig ang kalamnan, at mahigpit ang hawak sa balahibo ng ibon, pinilit kong sumulyap sa tanawing nasa harap ko.

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas na sumang-ayon, para akong nagayuma kanina't napapayag niya akong sumama sa kanya. Mabuti na lang at mabait at kalmado ang Pirtio namin kumpara sa iba.

"Sa bayan, aking Adira." May narinig akong malakas na paghampas ng hangin sa gilid ko. Nang lingunin ay nakita ko si Prinsipe Gwarillio sa kanyang puting Pirtio na katulad ng amin, pumapantay sa paglipad ng aming Pirtio.

"Naroon ang bayan, Prinsipe." Itinuro niya ang isang bahagi. Dahil takot sa mataas na bahagi ay hindi ko pa rin ito nakita't takot akong tumingin sa baba. "Doon tayo titigil." Naunang lumipad ang kanyang Pirtio na tila pinapasunod kami.

"Maaari ba kitang yakapin?" bulong niya na naghatid ng kiliti sa aking tainga. Tumango ako. Ibinigay niya sa akin ang hawak na balahibo bago ko naramdaman ang kanyang braso na pumulupot sa bewang ko, sunod niyang iminuwestra ang ibon upang sumunod sa direksyon ng isang prinsipe. Nang bumilis ang paglipad ng ibon ay humigpit ang paghawak ko sa mga balahibo nito, humigpit din ang pagyakap sa akin ng prinsipe habang hawak ang tali nito.

Parang lumipad ang aking wisyo. Hindi ko namalayang nasa lupa na kami nang tanggalin ng prinsipe ang kanyang braso. Hindi ako makahinga.

"Matutuluyan ako nito..."

"May dinadamdam ka ba, aking Adira?" Nabalik ako sa katotohanan. Hindi ko namalayan ang aking na-usal at nakalimutan ang prinsipe sa aking likod.

Oo nga pala, patay na ako. Sa ilang minuto akong nasa ere ay pakiramdam ko'y buhay ako't nakikipaglaban kay kamatayan.

"A-ah, wala lang. Ayos lang naman." Pinilit kong ngumiti upang matakpan ang panginginig. Sumulpot ang kanyang kamay sa aking harap upang alalayan akong bumaba, nang tanggapin ito ay isang iglap lamang ay naramdaman na ng paa ko ang lupa.

Napaigtad ako sa isang hiyaw mula sa aming likod. Binitawan ng prinsipe ang aking kamay at tumigil sa aking gilid. "Huwag mo na lamang pansinin." Tumango ako. Hinayaan ko ang kanyang braso na hagkan ang aking bewang at imuwestra ako palapit sa iba pa naming mga kasama.

Naroon ang prinsipe ng mga fariya't malikot ang tingin sa paligid. "Sa tingin ko'y narito na ang lahat," anunsiyo niya.

Iginala ko ang aking mata sa kanyang likod. May kulay kayumangging mga papel ang nakadikit sa isang parisukat na tabla.

"Ano ang ibig sabihin nito, prinsipe Gwarilio?" tanong ng isang konsehal. Humakbang ng isang beses ang prinsipe patagilid at pinakita pa nang mas mainam ang litratong nasa likod niya.

Tumikhim ang prinsipeng katabi ko. "Nabanggit ko sa ating pagpupulong ang tulong na aking ihahandog para sa ating kasanggang kaharian. At isa na rito ay ang pagbibigay alalay sa paghahanap ng nawawalang mamamayan ng kahariang ito."

"Malinaw at naiintindihan ko ito, Prinsipe Gavino. Ngunit ano ang dahilan at tayo'y sasangkot sa problema ng kahariang hindi sa atin. Patawad sa aking sasambitin, ngunit hindi pa ba sapat ang tulong pagpapaganda at kaayusang inalay ng ating mga fariya?" Base sa mga salitang binitawan ng konsehal na iyon at sa ibang nilalang na nasa kanyang paligid na tahimik siyang pinagmamasdan, sa tingin ko'y siya lamang ang walang alam sa salitan ng mga pangako ng dalawang prinsipe.

"Taruko, naiintindihan ko ang iyong nais ipahiwatig. Gayunpaman, ang kaibahan ng dalawang kaharian ay ang lakas ng proteksiyong nito. Kahit mahina ang aking kaharian sa pakikipaglaban, bilang isang pinuno ng Frillia ay hinahangad ko ang kapayapaan ng bawat nilalang." Para akong nanonood ng isang mainit-init na eksena. Sinulyapan ni Prinsipe Gwarilio ang larawan sa kanyang tabi matapos niyang banggitin iyon. "Ngunit hindi ko matatamo ang kapayapaang ito hangga't hindi ko mahahanap ang mga inosenteng nilalang na hindi namin malaman ang dahilan ng paglaho. Hindi sapat ang aming lakas upang mahanap ang sanhi ng nito, kung kaya't ang tulong mula sa Silvrian lamang ang nagpapataas ng aming pag-asang mahanap sila."

Taken By An EngkantoWhere stories live. Discover now