20

207 8 6
                                    

Adira's POV:

"Magandang umaga." Nagitla ako sa pigura ng lalaking nakatayo sa pinto ko kinaumagahan. Balak ko sanang umalis upang maglibot muli, sa pagkakataong ito ay kasama na si Gevne. Pero pagkabukas ko ng pinto ay siya na ang bumungad sa akin.

"Prinsipe Tri? M-maligayang pagbati, prinsipe..." Bahagya kong binaba ang aking tingin upang hindi magkasalubong ang aming mga mata.

Nakakapagtaka lang at nandito siya sa harap ng aking kwarto.

"Ika'y galing sa ibang mundo, sa mundo ng mga tao. Tama ba ako?" Napahawak ako nang mahigpit sa seradura ng pinto. Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Umaakyat ang pamilyar na lamig sa loob ng katawan ko. "Ikaw si Adira?" Tumango ako.

Sa oras na ito, ang imahe ni prinsipe Gavino ang dumaan sa isip ko. Hinahanap ko na ang kanyang presensya.

Nasaan ka, prinsipe Gavino?

"Anong... ano pong kailangan mo sa akin, Prinsipe Tri?" malumanay at puno ng galang kong tanong. Linikod naman niya ang kanyang mga kamay at mas lalong lumapit ng isang beses, dahilan ng paghakbang ko paatras ng isang beses din.

"Nais mo bang maglibot sa aking kaharian? Isang karangalang mailibot ang magiging reyna ng Silvrian, lalo na't kung ito'y kasing ganda ng akin ding magiging reyna pagdating ng nakatakdang panahon." Mula sa aking katayuan ay nahuli ko ang pagkurba ng mga labi nito. Ang bilis ng puso ko'y lalong dumoble dahil sa kaba.

Gusto kong tumanggi, pero parang hindi iyon magandang tingnan. Yun nga lang ay pakiramdam ko'y may gustong sabihin ang prinsipeng ito sa akin.

"Prinsipe—"

"Hindi maaari." Awtomatikong kumalma ang puso ko sa narinig na tinig. Bumaba ang temperaturang umakyat sa akin at parang lumabas sa katawan ko ang bigat na kanina ko pa nararamdaman habang kaharap ang prinsipe ng Trinio.

Dumating siya. "Ako ang maglilibot sa aking Adira, Tri," matigas na aniya. Tumabi siya sa akin at katulad ko'y kaharap na rin ang prinsipe ng mga tikbalang. Umangat kaunti ang aking tingin. Ngayon ay malinaw ko nang nakikita ang kanilang ekspresyon.

Ang sinagot lamang ng prinsipeng ito ay isang pagak na tawa. "Ang aking hangarin lamang ay ipakita sa iyong reyna ang ganda ng aking kaharian, prinsipe ng Silvrian. Sa sapantaha ko'y hindi pa niya nasisilayan ang tinatagong ganda ng Trinio. Iyon lamang ang nais ko, wala ng iba pa." Nagtama ang kanilang tingin, animo'y naglalabanan, at parang may kung anong kidlat ang pumapagitna rito.

"Ngunit nangako ako sa kanyang ako ang mismong maglilibot. Alam ko ang tinutukoy mo, Tri. Ako ang magdadala sa kanya roon." Hindi nagsalita si prinsipe Tri ng ilang minuto, ngunit makalipas ng ilang sandali ay gumalaw ito't humakbang paatras.

"Maiiwan ko na kayo." Tumingin siya sa akin at yumuko kaunti. Bumalik sa pagka-tipid ang kanyang ngiti. "Paalam, Adira."

"Ha..." Nakahinga lamang ako nang maluwag nang mawala na si Prinsipe Tri. Napatingin ako kay prinsipe Gavino na hindi ko aakalaing nasa akin ang atensyon.

Hindi man lang siya nagsalita at nanatili ang tingin sa akin. "Patawad sa aking itatanong, pero maayos ba ang relasyon mo sa prinsipe ng Trinio?" Ako na ang nagtanggal ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. "May alitan ba kayo—"

"Wala. Walang alitan sa pagitan namin, aking Adira," sagot niya. "Nais mo bang maglibot ulit?"

"Oo, pupuntahan sana kita para magpa-alam at magpapasama kay Gevne—"

"Hindi pa rin tuluyang maayos ang kalagayan ni Gevne. Kailangan pa niya ng lakas kung kaya't ako muna ang sasama sa iyo." Nabigla ako sa hindi inaasahang pangyayari. Pero narinig kong alam ng prinsipe ang tinutukoy ni Prinsipe Tri, at mas may partikular na lugar na kaming pupuntahan, kumpara nung ako lang mag-isa ang naglibot.

Taken By An EngkantoWhere stories live. Discover now