11

371 12 12
                                    

Adira's POV:

"Bagay sa iyo, Adira!" natutuwang puna sa akin ni Gevne. Tiningnan at nginitian ko lang siya habang nakatingin sa repleksyon niya sa salaming nasa harap ko ngayon.

"Salamat," sinserong tugon ko. Ngayon naman ay pinasadahan ko ng tingin ang sarili. Pagkauwi pa lang namin sa kaharian kanina ay may inutusan na si Gevne na kumuha ng mga susuotin ko rito. Nabigla ako kaunti dahil parang alam na nila na mapupunta ako dito. Hindi nga lang nila alam na aksidente lang iyon.

Kaya ngayon ay nakasuot ako ng mahabang puting dress na may disenyo ng kakaibang mga guhit at sinamahan ng makukulay na bulaklak sa ibabang bahagi. Mayroon pang kulay luntiang kumukurbang guhit ang nakapalibot sa gitna ng dress na siyang nag-anyong tila sinturon nito. Abot ito hanggang talampakan ngunit may magandang hati ang gitna, mula sa aking tuhod at pababa, kung kaya't ay nakikita pa rin ang tuhod ko hanggang paa kapag maglalakad.

May dumating na iilang babaeng fariya ngayon at pinaupo ako sa upuan. Kahit hindi ko alam ang gagawin nila sa akin ay sumunod na lamang ako. Pagkaupo ko sa upuan ay napahawak ako nang mahigpit sa hawakan nito at pumikit nang mariin nang biglang gamitan ng isang fariya ang kaniyang kapangyarihan at ilapit sa akin ang malaking salamin. Napadilat lang ako nang sinimulan nilang galawin ang aking buhok.

Tiningnan kong muli ang repleksyon ni Gevne sa salamin na ngayon ay mukhang nagpipigil ng ngiti dahil sa naging reaksyon ko. Hindi ko naman sinasadya siyang irapan pero hindi niya na napigilan ang sarili niyang tumawa. Umiling na lang ang ibang kasama namin habang panandaliang tiningnan siya.

Huminga na lang ako ng malalim nang magsimula na ang mga fariyang talian ang buhok ko. Tatlo silang nasa likod ko, ang isang kulay dilaw na fariya na may hawak na tila isang gawa sa diyamanteng bandeha na may nakapatong na iilang palamuti na ilalagay ata sa buhok ko. Ang isang kulay lila naman ay may hawak ng kakaibang suklay na siyang kinakalikot ang buhok ko at ang katabi naman niyang kulay puti na mukhang personal niyang alalay sa pagtatali sa buhok ko.

Sinuklay muna ng fariya ang buhok ko saka niya sinimulang taliin. Kumuha muna siya ng kakaunting buhok sa pinakatuktok ng buhok ko at sinimulan itong tirintasin hanggang dulo. Pagkatapos naman niyang tirintasin ito ay umatras ng iilang hakbang tapos ay ang isang kulay puting fariya naman ngayon ang gumagalaw sa buhok ko. Mula sa nakalahad na Bandeha ay kumuha siya ng maliliit na kumikinang na parang krystal at walang sabi-sabing ikinabit iyon sa buhok ko. Wala naman akong naramdaman doon, pero ang dami naman niyang ikinabit na ganoon sa buhok ko. Paano ko ba 'to tatanggalin mamaya?

"Tapos na po," magalang na anunsiyo ng naka kulay puti. Tumango naman ang dalawa niyang kasama. Tumayo na ako para tingnan muli ang hitsura ko sa salamin bago lumingon sa tatlong Fariya.

"Salamat." Ngumiti lang sila bilang tugon tapos ay tumingin sa pwesto nila Gevne. Nakangiti namang tumango si Gevne sa kanila.

Bago sila tuluyang lumisan ay may inabot sa akin ang dilaw na fariya. Isang maliit na bilog na nakabalot. "Pinabibigay po ng prinsipe."

"Salamat ulit." Yumukod lamang siya bilang tugon.

Pagkalisan nila ay lumisan rin sila Asul At Ays. Hindi rin nagtagal ay umalis na rin si Fira at itutuloy raw ang naudlot niyang tulog. At ang huli ay si Gene, may pupuntahan pa raw siya kaya'y kaming dalawa lang ni Gevne ang naiwan sa loob.

Muli kong pinasadahan ang hitsura ko ngayon sa salamin ng mas matagal. Ilang sandali pa ay nakita ko ang repleksiyon ni Gevne na palapit sa akin. Nakasiklop ang kanyang mga kamay habang ang kanyang mata ay namumungay na para bang may nakita siyang isang napakagandang bagay na gusto niyang kunin.

"Ang ganda mo talaga, Adira! Kaya nabibighani sa iyo ang Prinsipe!" Parang umakyat ang dugo nang sandaling sabihin iyon ni Gevne, umiling lang din ako para kalimutan iyon.

Hilaw akong natawa. "Hindi naman ako kasing ganda niyo." Totoo naman ang sinabi ko. Sa paglilibot namin dito ay wala pa akong nakikita pangit na fariya o kahit anong mga nilalang, kahit na mapuputla ang mga balat nila. Para tuloy nakakahiyang tumabi sa kanila at hindi madaling maabot ang lebel ng kagandahan nila.

"Hindi rin naman." Tumawa siya n ahalatang nahiya sa sinambit ko. Kung siguro ay tao lang siya ay matagal na siyang namula.

Parehas kaming lumingon sa pinto nang bumukas ito at iniluwa si Prinsipe Gavino. Unang pagkatapak pa lang niya sa loob ay napatigil siya't napatingin sa gawi ko na nakapaawang ang bibig. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay tinitigan ang aking mata sabay ngiti ng matamis. "Bagay na bagay sa 'yo, aking prinsesa." Nahigit ko na lamang ang hininga ko at binalik ang tingin sa salamin. Ngunit kahit na tumingin ako sa salamin ay huling-huli ko siyang nakatitig sa akin.

Tila kasing bilis ng kidlat ang pagpintig ng puso ko habang nagkatinginan kami, kahit na sa salamin ko lang siya tiningnan ay kakaiba ang epekto siya sa akin. Napalunok ako't unang umiwas ng tingin saka ibinaling sa ibang bagay. Hinayaan ko ang sarili kong malibang sa kakatingin sa mga alitaptap na nasa kwarto ko.

"Maiiwan ko po muna kayong dalawa." Maya-maya'y paalam ni Gevne bago ako nakarinig ng pagbukas-sara ng pintuan. Pasimple ko namang tiningnan si Prinsipe Gavino gamit ang salamin, pero nanlaki ang mata ko sa gulat nang nakatingin pala siya sa akin kaya't umiwas ako ng tingin ulit. Nararamdaman ko tuloy ang kapulahan ko.

Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng mahinang tawa kaya hindi ko rin napigilang hindi siya tingnan ulit. "Anong nakakatawa?" Tumigil naman siya sa kakatawa at nagpakita na naman ang ngiti niyang nakakabal-ano ba itong iniisip ko? Hindi, gutom lang ako.

"Patawad, aking Prins-"

"Pwede bang Adira na lang?" pagputol ko. Mukhang nagitla siya sa narinig, pero nakabawi rin kaagad.

"Kung iyan ang nais mo... Aking Adira." Awtomatikong kumurba ang labi ko sa sinabi niya. Mas maganda nang pakinggan iyon kaysa sa aking prinsesa, dahil hindi naman ako pinanganak na prinsesa sa mundong ito.

Pero hindi rin nagtagal ang ngiting iyon at nabalutan din ng lungkot nang may sumagi sa isipan ko. Hinarap ko na ngayon si Prinsipe Gavino. "Prinsipe Gavino, pwede na ba akong bumalik sa mundo ko?" Natahimik siya. Matagal nga bago siya sumagot pero ikinagulat ko iyon.

"Hindi na pwede, aking Adira," diretsahang tugon niya. Linapitan ko na siya dahil labis na ang pagtataka ko kung bakit hindi na pwede.

"Bakit?" Hindi ko na ba makikita ang pamilya ko? Sumama lang naman ako sa kanya dahil nasa panganib na ako. Bakit ngayon ay bawal na akong bumalik sa mundong pinanggalingan ko?

"Sumunod ka at sasabihin ko ang lahat." Huminga siya nang malalim bago lumakad papuntang pinto. Sinulyapan muna niya ako ng isang beses na parang hinihintay ang gagawin ko. Itinago ko ang binigay sa akin ng fariya sa bulsa na nakapa ko sa aking kasuotan at bagsak balikat na sumunod.

Taken By An EngkantoWhere stories live. Discover now