7

563 15 2
                                    

Adira's POV:

"Prinsipe? Engkanto?" Naghi-histeryang sambit ko. Kahit anong gawin kong pagtatak sa isip ko na hindi ito totoo ay iba naman ang nakikita ng mga mata ko. Lalo na ang nagsasalitang usok sa harap ko na parang handa ng sumugod sa amin.

They're real. This is not a dream anymore.

"'Wag kang matakot." Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi ng nilalang sa tabi ko.

Ako? Hindi matakot? Takot na takot na ako kanina pa! "Nandito na ako." Mas lalo akong natawa sa sinabi niya.

Baliw ba siya? "Kuya, sa totoo lang ay hindi kita kilala, kaya bakit ako maniniwala sa 'yo? Huwag akong matakot? That's ridiculous!" Paanong hindi ako matatakot kung ang mga kasama ko ngayon ay hindi tao, huh? How could I not be scared if I'm surrounded by some creatures—monsters who just pop out of nowhere and wants to take me to whatever it is! Sino siya para utusan akong huwag matakot dahil lang sa nandito na siya!

Buong akala ko ay isa siya sa magliligtas sa akin pero mukhang dadagdag siya sa mga kakatakutan ko at hindi ko alam ang mangyayari kung manalo nga siya laban sa usok.

"Adira, huwag kang matakot sa akin. Ako ang kakampi mo. Ililigtas kita sa halimaw. Ililigtas kita, aking prinsesa."

Natulala ako sa narinig. "Nababasa mo ang isip ko? B-bakit..."

"Dahil—" Hindi niya natapos ang dapat na sasabihin nang bigla siyang atakihin ng halimaw na usok.

Sinubukan kong tumayo at umatras habang hindi mawala-wala ang mga mata sa nangyayaring gulo. Napasigaw ako't napapikit nang lumipad ang lalaking nilalang.

Kinain ng takot ang sistema ko sa nasaksihan. "Aming prinsesa..."

"Tulong!" Tumili ako at pinilit na ininda ang sakit ng aking paa para lang maka-iwas. "Lumayo ka sa akin! Ang pangit mo! Demonyo! Halimaw! Tulong!"

"Halimaw?!" Parang nagalit ko lalo ang halimaw na usok at tumaas na ang boses nito. Palapit na ito nang palapit. Tumigil na lamang ako saka pumikit para hintayin ang kapalaran ko. Kahit kasi anong pag-atras ang gawin ko ay maaabutan pa rin niya ako.

Handa na akong maramdaman ang pagtama ng katawan ko sa isang matigas na bagay, subalit ay dalawang braso ang naramdaman kong sinakop ako mula sa aking likod.

Nakaramdam ako ng hilo, nang dinilat ko ang mga mata'y hindi ako makapaniwalang nasa harap na kami ng isang malaking puno. Nanlamig ako nang mapagtanto na nasa tabi ko pala ang sinasabing prinsipe.

"P-paano ako nakarating dito? Anong ginawa mo sa 'kin? Bakit ako nasa puno?!"

"Nasa harap ka ng puno, Adira." Hindi ko mapigilan ang pag-irap sa sinagot niya. "Nasaan tayo?!" Umatras siya, marahil ay naririndi na sa boses ko o natatakot—hindi ko alam.

Nanatili lang ang mga mata niya sa puno.

"Hoy." Hahawakan ko na sana siya nang umatras siya saka dumaing na lang bigla.

Bakit ganyan na naman siya? Parang kanina rin, nang hahawakan ko siya ay pareho lang ang pinapakita niya sa akin.

Natanggal ko na rin naman ang pananggang kwintas ni lola. Kaya hindi ko maintindihan ang mga kinikilos niya.

Napaigtad ako nang sa akin naman siya humarap. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na parang may sinusuri. Tinakpan ko ang dibdib ko. "B-bakit ka nakatinign? Anong balak m—"

"Nasaan pa ang proteksiyon?" Natigil ako sa pagsasalita sa kanyang tanong. Hindi ko alam kung sa akin siya nagtatanong o sa sarili niya.

"Maghubad ka." Mabilis pa sa isang segundong lumaki ang mata ko. I'm wearing only a dress! Wala naman akong tinatago!

Taken By An EngkantoWhere stories live. Discover now