14

290 10 12
                                    

Adira's POV:

"May hinahanap ka ba, Adira? Kanina ka pa palinga-linga." Itinigil ko ang pag tingin sa paligid at sinulyapan si Gevne na ngayon ay may pagtataka sa kanyang mukha.

"W-wala naman. Nakita niyo ba si Fira? May itatanong lang sana ako." Kumurap naman siya ng dalawang beses na parang prino-proseso ang mga narinig. Maya-maya lang din ay napatakip sa kanyang bibig na animo'y gulat na gulat.

"Bakit mo siya hinahanap? Aawayin mo ba? Nahihibang ka na ba?!" Sunod-sunod ang mga  tanong na binato niya. 

"Gevne, babaan mo ang iyong boses."

"Ha?" Hindi ko siya maintindihan.

"Wala," pagyayamot niya saka ibinaba ang kamay na nakatakip sa kanyang bibig. Muling tumahimik sa pagitan namin tatlo sa gitna ng paglalakad pabalik ng kaharian.

"Ipinatawag ni Prinsipe Gavino sila Fira sa isang pagpupulong kaya hindi mo siya makikita ngayon." Si Gene ang unang bumasag ng katahimikan.

Pagpupulong? May isang ala-alang pumasok sa isip ko. Linapitan kami kanina ng isang tikbalang para sabihin iyon kay Fira.

Pero, kanina ba iyon?

"Gene, sa tingin mo? Tapos na kaya ang kanilang pagpupulong?" tanong ko. Huminto naman sa paglalakad si Gene saka tumingala at hinawakan ang kanyang baba. 

"Sa aking pagkakatanda ay pumunta kami sa Fidset nang magsimula na ang pagpupulong upang tumakas. Namili ang sutil kong kapatid ng iba't-ibang kagamitan. Papauwi na sana kami sa aming tirahan nang napag planuhan naming pumunta sa basbas na puno—at nakita ka namin doong natutulog saka ka ginising at kanina ka pa rin hinahanap ng prinsipe. Tayo'y kasulukuyang naglalakad pa rin ngayon pauwi ng kaharian... Oo, tapos na nga ang pagpupulong, Adira." Kapwa kaming bumuga ng hangin ni Gevne nang matapos na sa pagkwento ang kaniyang kapatid.

"Sutil kong kapatid, ang tinatanong lamang ni Adira ay kung sa tingin mo ay tapos na ang pagpupulong. Hindi niya sinabing ikwento mo ang pagtakas natin!" angil ni Gevne sa kanyang kakambal at siniko pa ito nang malakas. Muntik nang mawalan ng balanse si Gene sa ginawa ng kanyang kakambal, nakaganti rin naman siya kalaunan.

Hinayaan ko na lamang silang dalawang magsikuan at nauna na lamang sa paglalakad. Habang patagal nang patagal ko silang panoorin ay pumapasok sa isip ko ang imahe ni kuya at ang mga panahong magkasama kaming dalawa. 

Kamusta na kaya siya? Sana lang ay hindi niya sisihin ang sarili niya. Sa kanya ako iniwan nila mama kaya paniguradong sisisihin siya ng mga magulang namin. Hindi naman kasalanan ni kuya—gusto ko itong sabihin sa kanila. 

Hindi porke't lagi kaming nagbabangayan ay wala na akong pakialam sa kanya. Dinadaanan na ako ng konsensya sa tuwing naaalala ko ang huling sinabi ko. Hindi ko naman 'yon sinasadyang sabihin. Paniguradong dadamdamin ito ni kuya, pero sinabi ko lang 'yon nang hindi nag-iisp. Hindi ko talaga sinasadya.

"Adira!" Nabalik ako sa reyalidad nang sumigaw si Gevne. Pagkalingon ko sa kanilang pwesto ay nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan.

"Tatawagin mo pa akong sutil, ha?" May bahid na pang-aasar na sabi ni Gene rito habang nakataas ang kanyang hintuturo sa ere. Si Gevne naman ay todo yakap sa sangang kinakapitan niya habang pataas nang pataas ang malaking puno.

Hindi ko alam kung maaawa ako o matatawa sa ginagawa ng kambal. "L-lagot ka sa akin 'pag nakababa ako, Gene! Adira! Tulungan mo ako! Mamamatay na ako! A-ayoko pang mamatay..." Todo-iyak na ang ginawa ni Gevne kaya nakaramdam na ako ng takot, lalo na't manipis lang ang sangang kinakapitan niya. Sinulypan ko ang kapatid niyang si Gene na ngayon ay nakatingala at nakikitaan na rin ng takot para sa kanyang kapatid.

Taken By An EngkantoWhere stories live. Discover now